Thursday, February 02, 2006

Pahabol na Kung Hei Batchoy!

Saturday Events

Sa wakas may lalaking nakapansin... sa aking KEYCHAIN! mwehehehe, nakyutan kc. Niloloko nga ako, hinahablot niya kunwari. Tawa naman si teacher. (Loko talaga! Wag niyang subukang nakawin yun kundi baka sundutin siya ni Gaara! //^_____^\\) Memorable pala yung table ng Economics kc dun ko rin naiwala yun dati eh. hehehe.

Me bago akong friend. Dis time ka-YS ko na. Trixie ata kung di ako nagkamali ng pandinig at ispeling. Nagpaconsult din kc siya ng Eco at pareho pa ata kami ng name...
Di ako pinapansin ni Arwine. Ewan ko ba dun. Ako na lang ba lagi ang lalapit sa kanya? Ni tumingin nga sa kin ayaw eh. Bahala siya.

Parang medyo gumanda mood at aura ko nung araw na yun kahit puyat pa din. Kelangan lang siguro bawasan ko ang negative thoughts para mas happy. Tanggapin na lang siguro kung anong meron at anumang dumating para di na masyado malungkot at masaktan. Minsan di maiiwasan pero mas mabuting palipasin na lang, may katapusan rin ang lahat. Magandang solusyon ang pagtawanan at pagtripan ang mga kahinaan, kamalasan, pagkukulang at kapalpakan sa sarili. (TIP: Use satire to make it funny) Nagrereflect ka na, naeeentertain mo pa sarili mo. (Ang kinatatakutan ko lang minsan ay yung mga reaction ko na wala na sa lugar) ...Idivert ang isip sa magagandang bagay. Turn the negative into something postive. Lahat naman ng bagay may opposite, so kung may negative, dapat may positive. Timbangin at balansehin ang mga bagay-bagay. Madaling sabihin pero mahirap gawin, dahil nangangailangan ng "matinding pagninilay, pagsasanay at oo, discipline!" Eh ano bang mapapala ko kc kung magmumukmok nalang ako't magrereklamo na lang? Kaya nga eto ang blog ko. Lahat ng sama ng loob ko andito. Maswerte kayo kung madalas kayo dito dahil may portal na kayo sa thoughts ko. O diba, parang reality novel? Nababasa niyo pa ang mga bagay na hindi ko madalas ikuwento sa ibang tao. Naks special! (Yung iba kong kaibigan di naman sila pumupunta sa blog ko. Ni mangumsuta wala. Di ko naman sila pinipilit kung ayaw nila. Bahala sila) At kung may magalit sa akin, eh di magalit sila. Kawalan ko ba yun kung kumulubot lalo mukha nila? And besides, sila lang ba ang may karapatang maglabas ng hinaing nila? I'm entitled to my right to freedom of expression. As long as di nila ako iaassassinate... Pagod na rin ako. Hangga't maaari magpapakabaliw ako o magbabaliw-baliwan para lang manatiling buhay. Malay niyo balang araw, magkaroon ng rin ng malaking pagbabago sa sarili ko. Ika nga change for the better.

Back 2 abnormal discussion... Halos di matahimik ang isip ko sa kakaalala na baka di ko naperfect yung Trigo ko. (Ay sus, parang si Yukino ang nagsalita!) Buti nalang at humupa na ang feeling na to. Bahala na rin.

Nakakatawa. Everytime na pumupunta si mama sa Bodhi restaurant, pinagkakamalan siyang Chinese kaya iniintsik siya minsan ng mga taga-dun. Hehe, kaya di nga niya raw minsan naiintindihan. May lahi atang Intsik si lola eh... Naalala ko pa nga dati sa isang store sa Festival Mall, may nag-akalang may lahi raw kaming Chinese. Nakalimutan ko na yung pangalan ng store. Manloloko pala yung mga nandun kasi set-up lang pala nila yung pagkapanalo mo kunwari ng premyo sa kanilang scratch card at pabunot. Sabi nila nanalo ka daw ng ganito't ganyan pero kailangan mo rin palang magbayad ng mahal para sa ibang products nila para makuha nang libre ang premyo. Buti nga't di kumagat si mama. Sinayang lang nila oras namin na sana ay naukol lang sa pamamasyal!

Pumunta kami sa SM Bacoor. Habang naghihintay lang ako sa parking lot, favorite kong hobby ko ang umupo sa ibabaw ng trunk ng kotse. OO! Ang sarap kaya! Nakasandal pa ako habang nag-aabang ng flying saucer sa kalawakan. May nakita nga ako, ewan ko baka eruplano lang naman, para kasing bituin lang na umaandar eh. Nag-aala-Buddha pa ko minsan. Kaya lahat ng dumadaan lalo na yung mga security guard tingin ng tingin na para bang ngayon lang sila nakakita ng wirdo sa buong buhay nila. Buti nga't gumaan na ako kundi baka naplat ang gulong namin.

Na-try niyo na bang umupo sa kotse ng pabaligtad? Nasa back seat ka pero nakasandal sa likod ng front seat at nakaharap ka sa bintana sa likod. Minsan ginawa ko yun nung nagsawa ako bigla sa view. Nakakatawa nga kasi parang pabaligtad yung andar. Kakangawit nga lang kasi walang sasalo sa puwitan. hehe!

Bumili si mama ng rolling broom sa Home TV Shopping. Mukhang mag-eenjoy ako sa pagwawalis. Excited kami kaya bigla na lang sinipag magwalis kung saan saang sulok ng bahay. Ang cute kasi, parang laruan lang. Walis at pandakot in one! Irolyo mo lang sa sahig at ipapasok na nung rotating brush ang dumi. Tapos kang alikabok ka! Eto nalang gawin kong Deme-chan nang makatipid sa kuryente. Lagyan ko kaya ng mata? Joke!

*****

Btw, yung eksena sa ligawan sa previous post ko, joke lang yun ha! Di naman kasi ako mala-Sassy Girl. Matagal na ako huminto sa pambubugbog ng lalaki, elementary pa. Mabait na ako ngayon. Very much. DI AKO BRUTAL (PERIOD) Hanggang panaginip ko lang yun, dahil sa sarili kong mundo wala naman talagang nasasaktang totoong tao. Isa lang naman ang gusto ko linawin. "Kung sino man yung ligaw na kaluluwang yun, dapat galangin niya ang mga hilig ko dahil kung hindi... BUSTED SIYA!" Anyway, mas masaya siguro kung anime fan rin siya para halos buong araw pag-uusapan namin anime. Maghihiraman ng cd, dvd, mp3 at manga. Ang date namin sa anime conventions. Ang favorite pasyalan namin mga anime stores. Bibilhan niya ako ng mga plushies, cards at other anime items. Pupunta ako sa bahay nila para lang manood ng Animax at Hero or whatever anime channel. Hehe! At syempre di uso sa amin ang PDA kasi "Pangit Display of Affection" yun. Magkakaroon ito ng bagong acronym... PUBLIC DISPLAY OF ANIME. //^O^\\ Hahahahaha! Totoo nga ba ito? Ako ba itong nagsasalita o baka naman nawawala na naman ako sa sarili ko? Mukhang malayo mangyari ito ah, kung mangyari man baka matanda na ako. Tapos kapag naging mommy ako, paglilihian ko ang lahat ng cute na anime characters para cute din ang lumabas na baby. Tapos ipapamana namin sa mga anak namin ang mga anime collection namin. *kinakatok ang ulo* Ngee... ayoko pala magka-anak!!! At saka baka kasi di matanggap ng anak ko ang pangalan niya lalo pa't pagtatawan lang siya ng lipunang ginagalawan niya. Ang sagwa naman kung Naruto Gonzales, Sasuke Santos, Iruka Batumbakal, Kakashi de los Reyes, Kisame Bautista, Ino Pacquiao, Gaara Aquino (hehehehe...) , Orochimaru Mercado, Jiraiya Herras, Sakon Kurdi, Kabuto Park, Shino Angeles, Shikamaru Valenciano, Jiraiya Velasquez, Choji Baretto, Kankuro Pascual, Kiba Geronimo, Takao Algunas, Sakuragi Jaworski... Ang sagwa no??? Parang kelangan pa mag-asawa ng Hapon para lang bumagay sa pangalan. Kaya buti pa mag-alaga ng aso, kahit maantot ang pangalan pag tinawag mo sasalubungin ka pa niyan with a wagging tail.

*****

Not enough life dito nung mga nakaraang araw. Nilagnat kc si mama. *sigh* Pero ok na cya. Wag lang mabinat uli.

*****

Ringtone na rin yung national anthem natin na sablay na kinanta ni Jen Bautista, ah!!! (Ang mga Bautista ba mahilig kumanta? May Christian Bautista pa at Mark Bautista) ... Bakit pa niya kasi pinipilit niyang abutin ang mataas na nota kung di naman kaya ng boses niya? Napahiya tuloy siya. Narekomenda lang naman siya dun kasi kamag-anak siya ni Revilla... Dapat ginawa na lang niyang "Ang mamatay nang dahil sa iyooo... wooooh... yeah!" ... Buti nga lang nasintunado lang siya, eh meron ngang foreign singer na nakalimutan na nga anthem nila, nadulas pa sa stage. Isipin na lang niyang mas maswerte pa siya, at saka ayaw niya yun? Instant sikat na siya at napatawa pa niya ang buong sambayanang Pilipinas! ... Ganito na ba tayo kabaliw? Pati kapintasan ng iba ang pinagkukunan natin ng kaligayahan? Eto na lang ata ang paraan para maging masaya tayo sa hirap ba naman ng buhay lalo na't 12% na EVAT!!! *sigh* Kung gayun, utang pala natin ang mga ngiti at halakhak sa mga HARI at REYNA NG SABLAY. Palakpakan natin sila. *applause*

*****

Ang mga sentimong barya na nga lang daw ay walang-awang tinatapon ng mga tao. Lang hiya sila! Alam ba nilang nag-aaksaya sila ng mga resources ng country? Malaki ang ginagasta ng Bangko Sentral para lang sa mga metal coins at pagkatapos ihahagis lang kung saan saan. Alam kong wala na ngang mabibili sa sentimos pero kahit na! Pwede mo namang ipunin ito at pagkatapos pag napuno na ang alkansya papalitan mo ng mas malalaking halaga sa bangko. Eh di meron ka pang ekstrang pera! Masyadong maaksaya ngayon ang mga Pinoy. Mahihilig gumasta! How can they expect na gumanda ang buhay nila kundi sila matututong magtipid. Isisisi nila palagi ang gobyerno samantalang sila rin naman pala may tinatagong baho! Kung pwede nga lang pulutin lahat ng baryang tinatapon at di ginagamit ng mga Pilipino, matagal ko na sanang ginawa. Malay niyo yumaman pa ako dahil sa mga bagay na tinatrato nilang basura. Tandaan ninyo kung walang centavo, walang peso at kung walang peso, walang pera! Bakit ganito ang mga tao? Madalas nilang balewalain ang mga maliit na bagay na siya mismong pundasyon ng mga mahahalagang bagay sa ngayon.

Let's go back to history. Yung angkan nga namin sa side ni mama, dating mga iskwater lang daw pero nakaahon sila dahil sa pagtitipid. Nagtayo ng tindahan si great grandlola at nag-ipon siya ng husto hanggang sa di nagtagal nakabili rin sila ng lote at nakapagpatayo pa ng sariling bahay. Yung lolo ko daw naman iskolar kaya hindi na masyadong gastado sa tuition. Yung lote naman ay pinaghati-hatian na ng magkakapatid. Yung apartment namin sa QC na pinaparentahan ngayon ay pamana nga lang kay mama. Dahil lang yun sa pagtitipid! May pagkakuripot/matipid daw kasi yung nanay ng lolo ko. Naabutan ko pa nga siyang buhay noon. Naalala ko, noong bata pa ako lagi akong nagdadala ng popcorn sa kanya pagkagaling namin sa SM West. hehe! ... Marami pala akong maipagmamalaki sa angkan ko. Nakakatuwang isipin na etong pagiging matipid ay namana ko rin sa kanila pati na rin ang aking "brainz." hehe... Nakaipon na nga rin ako sa bangko eh. Maniniwala ba kayo na galing yun sa mga naipon kong pamasko noong bata pa ako. Natatawa pa nga ako pag naaalala ko na halos hindi nagagalaw ang mga baon ko nung elementary pa ako. Except lang minsan dahil sa tex, street food at mga cheap na ek ek sa daan. Bihira ako bumili sa canteen kasi mahal. *sigh* Tiyaga, tiyaga lang sa pagtitipid. Kung may tiyaga, may nilaga. Nakakalungkot isipin na unti-unti nang nasisira ang virtue na ito sa atin. Etong virtue pa naman ang pinaniniwalaan kong mag-aangat sa atin balang araw.

*****

PS: Belated happy bday kay Jellyfish!

No comments:

Post a Comment