Nung Muntinlupa Day la pasok si papa kaya nagpunta kami sm bacoor. Nakabili rin ako sa wakas ng new pants ko, yes ang liit na. (Naiinis lang akong isipin na payat na nga ako pero tuwing tumitingin naman ako sa salamin, ang nakikita kong mukha ay naglalaro sa pagitan nina Jang Geum at Kim Sam Soon. Di ko naman hiniling kay Doraemon na magpadala sa akin ng mga sinungaling na salamin ah! //X____X\\) Bumili rin ako ng cellphone keychain ng pisang pusa. (Ayon kay mama, nasagasaan daw) Sa sobrang pagpisil ko pa, natastas yung sabitan. Pinatahi ko pa tuloy kay mama. Kinabit ko rin sa cel ko yung bracelet keychain na libre galing sa Mighty Bond. hehe! Pwedeng isuot habang nagtetext para pagnaisnatch pati ikaw matatangay, kumbaga "SNATCH MY PHONE, TAKE ME HOME." JOke! Eh kaya pala MIGHTY BOND eh no! ... Then nakabili rin ako ng matagal ko nang inaasam-asam na mga mata. Oo, tama ... MATA... mga PEKENG MATA. Andun yun sa may beads section. Dinikit ko nga ang isang pares sa rolling broom namin upang mai-true to life ko na si Deme-chan the Walis. (Sensya na nagtitipid na rin ng kuryente si Shizuku)... Speaking of walis, natawa ako sa department store kasi bungi yung walis na gamit ng sales clerk. Sobra naman yang pagtitipid na yan, SM yan ha! ... At pagkatapos nagpagupit na naman me sa Ricky Reyes. Wala silang ibang masabi dun kundi, "ANG KAPAL!" Naawa na ako sa kanila. Namaga na ata mga kamay nila sa kakabrush at tataas pa lalo ang electric bill nila sa pagboblower sa buhok ko. Nagmukha pa akong witch kasi itim yung tela na ginamit nila. Sabog pa buhok ko. Ay sus! Ang aga ng halloween ko ... Lumindol pa nga nung gabi. Hindi nga naramdaman ng mga tao sa bahay kasi mahina lang talaga. Akala ko nga naghahallucinate lang ako, yun pala totoo na. Basta wag lang bumagsak kisame namin. Minsan kc may nahulog na matigas at puting bagay mula sa taas. Sabi ni mama parang bungo raw ng daga. Yan ang kinatatakutan ko eh, hindi dahil sa sakit at pinsala na maaari kong matamo kundi sa kung ano ang mahuhulog kasama ng kahoy: mga t**, fossils, watak-na watak na parte ng katawan ng ipis, daga, spider, at alupihan, kung anu-anong insekto, mga itlog nila, patay na butiki,etc... hay... //-____-\\ Maloloka ako.
I like the Pinoy Big Brother Celebrity Ed. better. They're funnier and cooler, with less kaartehan and less kalandian than the previous batch. I admire Rustom for his courage to reveal himself. Siguradong maraming nakakarelate dun ano? (I believe yung mariposa was actually a sign. Tama ako, pahiya sila ayaw kasi nila maniwala sa 'kin eh!) Saka siya yung pinakamature sa kanila, and may sense ang mga sinasabi niya. Usually philosophical and inspirational, in a way that I can understand and relate, kaya naman nakuha niya respeto ko. Tapos ang yabang pa ni Robin Padilla kung umasta. (Kilig na kilig naman ang mga PBB girls, yuck!) Yun ba totoong nature nun? Nabubuwisit na nga kami dun sa interview. Di ko rin nagustuhan dun si Christian kasi nung inevict siya parang plastic siya and nanunuya pa. Halata namang nasaktan siya sa pagkakatanggal sa kanya. Humiling pa siya ng voluntary exit noon eh wala namang sapat na dahilan. Tingin ko ayaw lang niya masira ang pride niya. Di ko rin feel doon si Zanjoe. Nirerepresent kc niya ang tipo ng lalaking di ko makakasundo ever sa tanang buhay at kamatayan ko... Mabuti pa, mag... Chill... sa aking duyan! Chill!
Nagkaroon ako ng konting changes at arrangements sa gamit ko. Gusto ko rin iprepare ang bago kong sarili bago pa man ako grumaduate sa taong ito (but not this march). Naalala ko tuloy si Hinata sa akin. Alam kong nagkaroon na ako ng malaking pagbabago sa sarili ko pero hindi lang napapansin ng iba.
No comments:
Post a Comment