Friday, March 17, 2006

Temporary Sayonara

Ang saya ko kanina. Meron akong sinunod na paniniwala sa bible at di ako makapaniwalang totoo nga. Humingi ako ng assurance na natanggap Niya ito. Nagulat ako kasi after ilang days, it's much more than I expected. Actually hindi ko expected today. "Thank you talaga, Lord!" Nireassure nga niya ako. Di talaga biro ito. Ngayon di na ako mag-alala masyado sa buhay ko. Alam ko namang di niya ako pababayaan. Feeling ko rin kahit papaano nakatulong rin ako at may nafulfill ako sa taong ito. "Love you, Lord. Tenk u tenk u ang babait ninyo tenk u!!!" God bless na rin to that person whoever she or he was //^___^\\ Pero di pa sapat yun. Kailangan ko pa ring piliting magbago para sa Kanya. Aja!

Pansamantalang mawawala ang inyong blogger online sa kadahilanang magkakawalay ng isang linggo (o maaring higit pa, di ko alam) ang amo at ang kanyang CPU upang maiasaayos ang nasirang cd-writer. Samantala, iiwanan ko muna kayo ng isang maikling kwento na siguradong kagigiliwan ninyong lahat.


Ang Alamat ni Sakon at Ukon
Ito ang kwento ng kambal-tukong sina Sakon at Ukon. Alamin kung ano ang kanilang pinanggalingan at kung paano sila naging magkadikit.

No comments:

Post a Comment