Wednesday, April 05, 2006

Maagang Semena Santa

Napaaga ang penitensya ko. 2 linggong sakripisyo na walang internet at puro modules pa ang kaharap. Di na rin ako makakawala pa sa Physics. Nabalik na nga ang CPU kaso la ring nangyari sa cd writer. Hard disk na kasi ang deperensya kaya nagloloko ang pagburn. Minsan ok, minsan hindi, kaya ang dami ko nang nasayang na cd. Printer na lang ang pinaayos. Problema to kasi lumang model na ang computer ko. Maraming hindi pwedeng bagong programs. Computer course pa naman ang balak ko kunin. Iniisip ko na baka eto pa ikabagsak ko. Wala pa naman akong pambili ng bagong cpu. Ayoko rin namang makadagdag perwisyo sa mga babayarin lalo na't meron pang credit card bill. Umorder kasi kami ng champion juicer sa US. Sabi nga nila habang maliit ang kumot kailangan mamaluktot...

At sa PBB, Pugad Baboy Brother (joke)... Congratulations kay Keanna! Uy gurlaloo uli. Nawalan na ako ng gana manood since natanggal sina Gege, Rustom at Budoy. Di ko natanggap ang Big 4, lalo na't wala naman kasi akong nakitang kahanga-hanga sa mga ipinamalas ni Bianca at Zanjoe. Mas malala pa ay may bf na si Bianca. Ano kaya kung eto ang topic of debate sa Y Speak? Sabi nila VOTE WISELY, eh mukhang wala naman atang wise people na sumasali sa botohan. Paano ka nga naman makakavote wisely eh BOBO-to ka.

POSSIBLE REASONS BAKIT NAKAPASOK SI ZANJOE SA BIG 4:
1. Role model ng mga antukin. According to statistics, 80% of the jologs are T: tambays, tamads and tulogs.
2. Sumikat ang kanta niyang "Chill" na sinabayan pa ng "Tulog Na" by Sugarfree na nakainspire sa maraming Pinoy na matulog upang pansamantalang matakasan ang problema.
3. Mabait at cute ang mga taong tulog.
4. Makabayan dahil nagduDUYAN KA NANG MAGITING!!!
5. Paboritong bosohan sa camera ng mga bading.
6. Mapagmahal sa ina dahil mahilig siya sa UGOY NG DUYAN.
7. Siya ang tipong lalaki ng mga beauties without brains, which is 75% of the females nowadays.
8. He sleeps. He DREAMS. He believes. He survives.
9. Marami pa rin sa atin ang illiterate kahit nakapag-aaral o nakapagtapos na ng pag-aaral.
10. May tinayo na Zanjoe-Bianca fans club na kumakalap ng funds para makapasok ang love team nila sa Big 4.
11. 87.21% ng mga kabataan ngayon ay mga flirts.
12. Maraming manyak na bading na umaaligid sa paligid.
13. 51% ng mga lalaki ang handang maglinis ng banyo para sa babaeng minamahal.
14. Maraming nabulagan dahil sa kanyang katawan. Ang mga voters na ito ay mabilis matukso, madalas nadidisgrasya at sa bandang huli minamalas sa love life.
15. Politics.
16. 35% ng mga Pinoy ay kabilang sa kanyang angkan.
17. Pinagkamalan siyang Genjo Zanjoe Hoshi?

*****
GOKU: Oy Sanzo, gutom na ako!
*Sanzo sneezes*
GOJYO: Mukhang may nakaalala sa ating dakilang monghe ah!
HAKKAI: Sinasabi ko nga ba. Kailangan na nating makahanap ng tutuluyan at baka magkasakit tayo nito.
GOKU: Sinisipon din ba ang mga Sanzo?
SANZO: Tumigil ka na nga diyan inutil na matsing! Mukhang kulang ka lang sa paligo kaya napabahing ako.
GOKU: Sobra ka naman! Pare-pareho lang tayong di pa naliligo eh.
GOJYO: (tawa) Mas malakas yata ang anghit ng mga matsing.
GOKU: Tumigil ka nga dyan. Palibhasa lintang dagat ka kaya lagi kang basa...
*****

Nagpabili na ako ng dream catcher para pampalit kong dekorasyon sa mga posters. Effective pangsagap ng alikabok. Baka nga isang araw magising ako, natrap na pala si Kisame dun.

NUng last sat naman, iniba ko ang hairstyle ko. hehe! Mas halata nilang pumayat ako. Tapos nilapitan ako ni Arwine at pinakopya ng formulas ng fundamental identities. Nanggulat pa nga ako ng isang estudyante dun, lakas topak ko no? Naku baka maling tao yun, kakahiya.

Anyways... summer na. Isa lang ang ibig sabihin nito. Tataas na naman ang bill namin sa kuryente dahil sa aircon. At kung inaakala ninyong bakasyon ko na, nagkakamali kayo. Tuloy pa rin ang pag-aaral ko. Ironically, nung mga nakaraang araw medyo sinipag ako kaya late na ako nakapagblog. Kailangan ko kasing samantalahin ang pagkakataong yun para mabilis maabsorb ng utak ko ang mga lessons.

Uy, may TV commercial ang Southridge Boys Choir kasama si Kris Aquino. Ngek! Oishi lang pala, dami pang ek ek. Oo nga pala abangan niyo sa MTV Homecoming. Next stop nila ang Southridge School! //^___^\\ Yahoong yahoo...

*****

(Sa ilalim ng durable Narra, si Shikamaru ay nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip, sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang... zzzzzzzz...)
(Lumitaw na parang panaginip si Pikori at binunggo si Shikamaru sa balikat)
SHIKAMARU: (na-hoy gising) Ay! Anu yun? ... Pikori, kaw lang pala. Bakit mo naman ako binunggo? Ang sarap-sarap na nga ng tulog ko eh.
PIKORI: Dapat lang dahil magkabungguang-balikat tayo.
SHIKAMARU: Inistorbo mo na naman ang Moments of Silence ko.
PIKORI: (inexamine ang puno dahil baka may ebidensya) Bakit may nakaukit ditong "D VENECIA? 210 B.C."
SHIKAMARU: Ano? Wala akong kinalaman dyan.
PIKORI: Meron kang kinakatagpo sa nakaraan ano?
SHIKAMARU: (sa sarili) Ah, panaginip lang ito. Makatulog nga lang uli. (sleeps like an old man)
(Biglang nagdagsaan ang mga reporters ng ABS-CBN)
PAMELA BARADO: Nandito po tayo sa ilalim ng puno ng narra upang kapanayamin ang sinasabing nagtatagpong sina Zanjoe at Bianca matapos nilang makalabas ng PBB house.
MARC LOGETS: Atin nating kumustahin ang mga itlog na inaalagaan nina Zanjoe at Bianca.
KOYA KIM: Sinasabi na dito sa punong ito matatagpuan ang bagong uri ng nilalang na nanggaling mismo sa ibang dimension.
SHIKAMARU: Ano na namang ingay yun?
PAMELA BARADO: Excuse me, totoo ho bang nagtatagpo dito sa ilalim ng punong ito sina Zanjoe at Bianca?
SHIKAMARU: Eh sino ba yung mga yun? (humikab)
PAMELA BARADO: Sila po ang controversial housemates ng Bahay ni Kuya.
PIKORI: Wala pow ganun dito. Meron pow ditong Bahay ni Loko.
PAMELA BARADO: Wala po ba kayong kilalang Y Speaker of the House?
PIKORI: Wise speaker? Ako lang pow ang tinaguriang Fool Speaker of the House.
MARC LOGETS: Sino naman yang tulog ng tulog sa tabi mo?
PIKORI: Si Nara Shikamaru, ang may-ari ng punong ito.
MARC LOGETS: Naku sayang! Na-peke tayo ah! Wala ba kayong inaalagaan itlog dito?
PIKORI: Siya lang po.
SHIKAMARU: Anong ako lang? Meron ka rin.
KOYA KIM: Teka, teka, nasaan na yung kakaibang species? Paano yung scope natin?
MARC LOGETS: Pwede ba mag-acting kayo na Zanjoe at Bianca? Kunwari lang. Ilalabas namin ito sa mga Kwento ni Marc Logets sa channel 2.
(Nagsimula na ang true-to-life acting ni Shikamaru. Natulog lang siya sa harap ng camera. Picture perfect para talagang model sa manga!)
KOYA KIM: Sandali ako naman. May nalalaman po ba kayo tungkol sa kakaibang nilalang na natagpuan dito? (nilapit ang mic kay Pikori)
PIKORI: Mirmo Mirmo purikurimu...
KOYA KIM: Ikaw na nga yun! Ang alien. Dali i-lapit ninyo ang camera!
(Nang nilapit ang camera, sumabog ito. Hindi nito nakayanan ang lakas ng electromagnetic waves na nanggaling sa alien)
PAMELA BARADO: Di bale, okay pa isang video cam namin. Ilayo mo lang nang konti sa banda roon.
(Ininterview nila si Pikori)
PIKORI: Makunekune pokulot kipapwa gabuntashi kalobot golekotot barukakouk shepeketek...
MARC LOGETS: Chipikichipiki chabugchokoi?
PIKORI: Chapangga! Michikichi apukui ologati! Sabogopi hakobakoba ayi!
MARC LOGET: Chicharon chicha? Buchikik ekekekek?
PIKORI: Nok chepeke. Itabukulo saboke tsimiki tepengua.
PAMELA BARADO: Chuva, Chorva, Chukchak chenes chuvelin eklavu?
PIKORI: Ummm... Kapenka tsimini, mumuloy dapatak nakak. Ooooh kupakupa! Chui Chui...
(Nang nagsawa na sila sa pakikipag-chepenge chepenge sa alien. Umuwi na lang sila at bumalik sa studio)
PAMELA BARADO: Tignan nga natin yung video.
(Nang i-play nila ito hindi si Pikori ang lumabas sa screen kundi si Kayako. Umaalingawngaw sa background ang Kaya-kroak. Sa takot, hinagis nila ang video tape palabas ng van at sinagasaan. Sayang. Walang Pikori na mapapanood sa Channel 2.)

1 comment:

  1. hi.. long time no talk.. holy week na naman.. but it's not gonna be the same as u guys for me tho coz no one really celebrates it here.. but we're gonna have a 4-day-long weekend which is kinda fun.. :)

    ReplyDelete