Saturday, May 06, 2006

De Pekto Code

April 19, 2006
A councellor from 700 Club Asia told me that "It is not the religion that counts but its your personal relationship with Jesus." I know she's right and I already knew it by heart from the start. Actually they're born again Christians, but I share most of their views above others. They put only put emphasis in Bible and Jesus as basis of their faith. I like the way they never discriminate or boast of religions. It's sad to think that many sects are claiming they are the one and true religion. Some create too much doctrines but instead of leading a person to faith, they make it more complicated to understand and believe. Still others have too much rituals and images that confuses you more. What's all that for? It is not the matter of how many believers you have, but how you live your life as a true believer of Christ. It's not the matter of being a righteous person only for yourself, but how many lives you have saved while you lived your life on earth. It's not the matter of how grand your worship is, but if you have followed his law of love. For me it doesn't matter anymore what denomination I'm in. All I have to say plainly is that I'm a Christian and my religion is Christianity, nothing more. All I just wanted is a community that would make me feel His love and bring me back to Him whenever the going gets tough. I will be entering a new chapter in my life this middle of the year as I soon enter college. I have to equip myself with virtues that would make me whole that I may not be swayed by the worldly beliefs, vices and temptations that conquer our present generation. The only weapon I can have now is the Bible and my faith in Him. No matter what the world tells me, I know I have someone to hold on to, and I will know the way to the Truth in the world full of lies and deceit.

Narinig niyo na ba yung Da Vinci Code? Imagine... Namatay ka na. Isang araw ginamit kita bilang character ko para sa isang nobela. Imbes na pasikatin ka at pagandahin ang pangalan mo, lalo kong binaboy at ginawan pa kita ng mga bali-baling kwento. Unang-unang maaapektuhan at maeeskandalo ang mga taong malapit sa iyo at ganun din ang mga taong kilala kung sino ka talaga. Ang mga taong hindi ka naman kilala o hindi mo masyado ka-close ang unang-unang madaling maniniwala sa kwento ko. Reaksyon mo? Baka sabihin mo sa akin na babangon ka sa hukay at isasama mo na ako sa kabilang buhay at sunod mo namang susumpain ang mga taong utu-uto. Isang pagkakamali ni Dan Brown ang gamitin ang isang sacred figure para sa kanyang kwento. Alam naman natin na ang pinakamagagaling na fiction writers ay may kakayahang gawing kapani-paniwala ang kanilang bunga ng imahinasyon. Dapat hindi kasi ginagalaw ang isang religion. Pinag-uusapan rito ang paniniwala at prinsipyo ng mga tao. Naalala niyo ba noong ginamit si Mohammed sa isang cartoon? Halos magkagiyera na sa lugar nila noon diba? But true Christians do not resort to violence, but still they will oppose to it. Other Christians who have weak faith and never read the bible have the biggest possibility of being deceived and accepting the horrible heresies. They say that if you have read the book but your faith wasn't destroyed then you have a strong faith in God. At saka FICTION yun eh! Bumalik ka sa elementary kung di mo pa naintindihan ang meaning ng salitang yun. (Tsaka hoy! Taga-opus dei ang tito ko pati favorite teacher ko! how dare u!)

Pero aaminin ko gusto ko rin sana basahin/panoorin para naman may ma-say ako no. Alam mo naman ako'y isang satirist and you never know what I will do next. Out of curiosity na rin and siyempre gusto ko malaman kung paano minanipula ni Dan Brown ang characters at pinagtagpi-tagpi ang kwento. Mahilig rin kasi ako sa mga mystery eh. Kaso heto restrictions na naman. Ang isa lang kinakatakot ko naman eh baka lalo lang ako magalit sa kwento. Madagdagan pa lalo kasalanan ko. Pero wag naman sana.

April 22, 2006
//^____^\\ Hi Cindz! hehe...

April 24, 2006
Exciting sana ang araw dahil ipapalabas na yung Ninja Boy sa 2 kaso nabigla ako nung umaga. Umiikot paningin ni mama pagkagising niya. Dinala siya ni papa sa clinic nung hapon. Vertigo daw sabi ng doc. Pero ok na c mama. Nakapanood pa nga kami ng Constantine sa gabi kaso pumipitik yung cd at ang gulo ng kwento. Sori pero chuckie dreyfuss...

Di ko nagustuhan yung dubbing ng ABS sa Ninja Boy. Mas maganda pa rin talaga boses ni Kirimaru at Shinbei sa ABC5. Wala na rin Naruto. Sana palabasin nila yung next season sa susunod. Sayang eh. Gusto ko pa naman makilala yung mga Akatsuki. Pero Yakitate Ja-pan yung pinalit nila. Oh breaddy!!!

April 27, 2006
Ba't ganun? Dumarami ata ang tatanga tanga nowadays. Umorder kami ng champion juicer na may 220 volts sa U.S. pero ang natanggap namin 110 volts. Grabe! Nakakahiya sila, kumpanya pa naman yun. Pinapapalitan nga namin.

May 1, 2006
Uy mukhang sumasang-ayon ang mga schedule sa kin ah! Ayos! Tenk u... //^___^\8am - Spongebob Square Pants (optional)
830am - Ninja Boy Rantaro
930am - Mirmo
5pm - Saiyuki
530pm - Yakitate Ja-pan
6pm - Gokusen
730pm - PBB Teen Ed. (optional)
9pm - Love of the Condor Heroes

*Sayang! One Piece sana gawin nila 9am para di kasabay ng Mirmo. Hehe...

Mechekwekwek
Ilang linggo na akong namomroblema sa P.C. ko. Nung una akala ko baka may virus kaya nagbublue yung screen kaya pinareformat ko kay Kuya Dodong. Maraming mali sa reinstallation ng Sound card at VGA sa Windows 98 kaya pinalitan ng Win ME. Okay na sana kaso bumagal naman nang 500,000 times dahil sinakop ng Norton yung memory ko. No choice eh, kelangan ng protection sa internet eh. Madugo at katakot takot na update pa ang ginawa ko sa antivirus na yan. Ilang hours at pera ang nasayang dahil sa paulit-ulit na pagdownload dahil napuputol. Finally, natapos ko na rin. Akala ko tapos na ang kalbaryo ko, di pa pala. Tuwing nag-iinternet ako, laging napuputol ang connection. Tapos nung nagtype me ng proj sa word biglang nagsimulang magka-error na naman ng sunud-sunod lahat pati yung ibang programs. Pinadala ko pa tuloy sa Paranaque para mapatignan. Sabi kailangan na palitan ng hard disk kasi sirang-sirang-sirang-sira na. Pero ayon ke Kuya Dodong, sira naman yung motherboard. Isa lang naman ang ibig sabihin nun... kailangan ko na palitan ng mga piyesa at pa-update sa XP. Di ko na kayang pagtiyagaan eh, nakakaubos ng pasensya. Sayang lang tuloy yung pagpapaayos sa printer. Di na yun magiging compatible sa CPU ko pag bumili na kami ng bago at yung printing niya mali-mali yung kulay dahil sa refill lang yung colored ink niya. *sigh* Kaya heto kung nababasa niyo to ngayon ay dahil nanghiram ako ng laptop pansamantala para kahit papaano mabawasan ang pangungulila ko sa computer. Matagal-tagal pa ko siguro bago makabili ng bago, kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon na to.

Tungkol sa PBB Teen Edition... Sayang wa na c Aldred. *sniff* Naiintindihan ko naman kasi nararamdaman niya eh, tsaka mabait naman siya eh. Ummm... matapang si Mikki pero masyadong marami lang siyang bigat at galit na iniipon sa kalooban kaya misunderstood lang siya. Kahit papaano, saludo pa rin me sa kanya kasi lumaban pa rin siya. Sensya na ha, di kasi ko tumitingin sa hitsura pag bumoboto ako eh. (Pero cute si Kim ha, si Kim Sam Soon... ngek!) Pero di nga ako bumoto kasi sayang lang load. Pasaway masyado mga teen housemates. Natural naman yan sa kabataan eh. Pero minsan nakakatamad kasi parang ang daming kaartehan at kalandian. Parang lagi nalang topic nila lovelife, boys, girls, crushes, relationships, eh hindi ko feel yung mga ganyang subject eh! Alam kong natural din yun sa puberty age kaso ALIEN ako eh! Oo na! Abnormal, out of the usual, di pangkaraniwan... Ano kaya mangyayari kung pumasok ako sa Bahay ni Kuya? Will I turn it into a boring teleserye ng totoong buhay, horror tv series, anime or a live gag show? Di ko rin masasagot ang tanong na yan dahil unpredictable din ako minsan. Si Joaquin na pala yung pinalit nila kay Aldred. Akala ko si Japoy Lizardo kasi sabi magaling daw sa Taekwondo. Buti nalang mali ako. Mwehehehe... Ayoko kasi sa mga chickboy. Sirang-sira ang image nila para sa kin. Sabi dami na raw gf nun Wacko na yun. Masyadong presko at pwe ewan... basta yoko! Sa sobrang pasaway ipapa-whack ko na si Wacky sa fan of doom ni Sanzo! Dami na nabiktima yun. Paano kaya nagkaroon ng madaming gf yun? Alam niyo naman d statistics of beauties w/o brains. Well, marami ang namamatay sa maling akala... Mas cute pa nga si Sakon. Di ba Sakon?

SAKON: ... (deamda to the highest level dahil ayaw maniwala na cute nga siya. Eh kayo, do you believe it or not? Cast your votes now and drop in the ballot and penoy boxes)

Masyado ata mataas ang standards ko pagdating sa kagwapuhan. Kahit nga si Sam Milby hindi umabot.

Conscience: Eh paano nakapasa si Gaara?
TP: Yun? Di naman nakapasa yun eh.
Conscience: Ows?
TP: Hindi naman ibig sabihin na kung nakapasa ka sa good looks meter ko eh crush na kita.
Conscience: Ibig sabihin naniniwala ka talaga sa kasabihan ni Andrew E?
TP: ... Wala naman yun kinalaman dun eh. Ang sinusunod ko yung kasabihan ni Exupery!
Conscience: Ah... ok. Eh di nasagot mo rin.
TP: Manahimik ka muna dyan. Di pa kita kelangan. Chinichismax mo na ko eh.

Recently, nagsimula ko ng handwritten English journal. Grabe, seryoso masyado ang pagkakasulat ko sa mga entries. Pero ok lang, at least medyo mahahasa ng konti english ko dun.

Mababasa ko na rin yung Crime and Punishment ng todo. May project kasi kami na gumawa ng book report tungkol sa isang psychological novel. Sa wakas di na uubra ang katamaran ko dito.

*****
The atmosphere around Fool House was filled with the smell fried tilapia. Mmmm... sounds good! Hehe... Naku! Napiprito na pala si Kisame dahil sa summer heat!!! Kailangan buhusan ng ocean of water si Kisame kundi matutulad siya sa patay na palakang nadeform dahil sa init na nakita ko sa garden namin. Oh my tilapia!!!
*****

PS: Kainis ba't nagloloko rin 'tong laptop na 'to? Lagot! May kamalasan ba ako sa computer? Wah! I'm getting paranoid!
*puts a signboard in the blog*
TEMPORARILY OUT OF SERVICE UNTIL FURTHER NOTICE

No comments:

Post a Comment