Naging medyo ok na PBB after pumasok si Brenda. Asar nga eh, nauto ako sa pagiging psychic niya. Di ko akalain na task pala ni Big Bro yun. Nakalimutan ko kasi na meron ata silang sinagutang questionnaire noon at posibleng yun yung pinagkunan ng info. Kung mga bday dates lang nila ang hinulaan, mas malaki cguro ang tsansang maghinala ako. Pero nalinlang ako sa secret ambitions nila. Eh secret nga diba? Eh di dapat walang nakakaalam at wala silang pagsasabihan nun. Engot talaga. Pero magaling ang acting powers ni Brendz ha! Tapos vegetarian din pala siya. (Di ko sure kung kasama yun sa gimik considering the fact that she's a vegetarian coz of her belief in so-called negative energies). Pero dapat nga gawin ko na rin yung paniniwala eh. Minsan kasi binebreak ko pa rin yung veg rules eh. Hehe... Fav ko sina Brenda at Kim. Brenda coz she's smart and charitable. Kim naman becoz of her cheerful and funny nature... Noong una nga sabi ni Brenda kay Joaqui (Whacky, the whackable one) na ayaw niya sa mga chikboy. Kawawang Whack-whack. Sabi ko tuloy sa sarili ko, "Uy mukhang makakasundo ko tong Brenda na to ah!" Mwehehe. Pero nalaman ko ke Whackokak na seseryosohin lang niya ang isang babaeng di niya kayang paglaruan. Ah ok. Kaya cguro di nga maganda magkaroon ng joa na naakit mo lang gamit ang talent ng kalandian dahil hindi yun pag-ibig. Medyo nakakaangat naman ng spirits at dignity yan piece of info na yan. //^__^\\ Hay, psychology...now that explains it.
Tnx sa mga nagaaksaya ng load para sa kin. Muli kong nagamit ang cel ko. Dahil dyan naeexercise ang thumbs ko. (Thumbs lang kasi tinatamad na naman ako mag-ehersisyo sa umaga)... Dati kasi parang feeling ko di ko na kelangan ng celp0n kasi lahat di nagrereply, o kayang walang load o iba na sim card! Yoko naman makipagtextm8. Wala ko karapatan magreply sa kanila hangga't wala silang binibigay na pasalod! Ngek!... Meron nga bisaya nakikipagtxm8. Ang kulit. Reply ko: GS2 KO COFFEEM8 D TXTM8. Biruin mo, sa mga sunud na araw, txt pa rin ng txt kahit dinedma ko na. Txt bak ko: ISA Q NINJA NG KONOHA. KAGENBUNSHIN TECHNIQ! Di daw niya gets. Nge! Bahala siya mag-aksaya ng load niya.
Grabe! Namiss ko tong c Timu. Hehe. Nag-usap kami sa phone. Ganun parin, para kaming mga bata. Binabalikan ang nakaraang mga kalokohan namin. Oh how I miss those patola days...
Tpos ko na Crime and Punishment. Ganda din pala kwento. Tungkol siya kay Raskolnikov, isang depressed na binata. Marami siyang mga paniniwala tulad ng pagkakaron ng dalawang klaseng tao: ordinary at extraordinary. Yung ordinary grup ang mga taong sunud-sunuran lang sa mga kinagawian ng society. Yung mga extraordinary ang mga great geniuses at may kakayahang baguhin ang mundo (sila raw actually ang allowed to do a crime for a purpose). Binuo niya yung Napoleon theory kung saan may karapatan pumatay ang isang tao as long as kung para sa ikabubuti ng lahat. Kinokondena niya yung modern society dahil tinatakwil nila yung ganung klaseng paniniwala samantalang yung lipunan mismo hindi rin naman makatarungan. Sinimulan nga niya sa pagpatay dun sa matanda na selfish at greedy. Pero inspite of being a murderer, generous siya to the point na kahit siya mismo lugmok na sa kahirapan, nakuha pa niyang ipamigay yung pera niya sa ibang mas kawawa at nangangailangan. Dahil usually ang mga main char ni Fyodor Dostoevsky ay may split personality, si Raskolnikov ay constantly in struggle between good and bad. Minsan hahangaan mo siya, minsan matatakot ka sa kanya. Basta ang daming bumabagabag sa isip niya hanggang sa maging kahina-hinala na yung mga actions niya at pagsuspetsahan na siya ng mga pulis. Gumanda yung takbo ng kwento lalo na nung nakilala niya si Sonya. Take note, mahalaga papel niya. Si Sonya ay isang prostitute out of destitution and sacrifice for love of her family. Pero inspite of being in the immoral profession, she maintained the purity of her heart and spirit. Dahil nauunawaan niya yung suffering ni Sonya, naging malapit siya dito and in the end even confessed to her his crime. Ironically, instead of feeling fear, she felt deep love. The reason for this is because understood his pain and told him to confess it in public. She promised to go with him wherever he went. In fact, he's still lucky kasi his close friend and his family still loved him at di nila siya pinagtabuyan or tinakwil. Sabi nga maganda yung future niya because of his talents. Natouch ako sa ending. Doon sa jail, in constant struggle pa rin siya sa mga paniniwala niya. In short, meron pa rin siyang pride. Nagconfess lang siya dahil sa mas magaan yung sentence. Pero kahit minsan nanlalamig yung pakikitungo niya, madalas pa rin siya dinadalaw ni Sonya. Then one day, his sudden transformation took place. All of these happened because of Sonya's unending love. Sonya who always believed in God and the good. *sniff*
I learned that inspite of all the cruelties in life, there will always be hope. A new life awaits after every suffering. A pure, patient and enduring love has the power to change one's heart. (I guess that's the true reason why love is so powerful. Actually, Sonya's love for Raskolnikov was an allegory of God's love for mankind)
1 Cor 13:4-7 Love is patient, kind, without envy. It is not boasful or arrogant. It is not ill-mannered nor does it seek it's own interest. Love overcomes anger and forgets offenses. It does not take delight in wrong, but rejoices in truth. Love excuses everything, believes all things, hopes all things, endures all things...
Tama! Yun ang tunay na pag-ibig!!! *nagiging a little bit corny na tulad ni Ms. Yamaguchi*
Ang dami ngang paradox sa kwento and maybe I cud even say the book's a paradox. Si Dostoevsky kasi "split personality" eh kaya laging opposites. Favorite kong statement yung "DRUNK W/O LIQUOR". Kakarelate kasi ako. Hehe. At saka mapapansin na may masochistic personality ang ilang characters, believing that suffering is something to be accepted... I admit I'm interested in split-personalities (which started sa Yu-gioh,hehe). Kasi even I myself thought I have some contrasting personalities kaya minsan I'm confused with describing myself. Minsan ganito ako, minsan ganyan. And I can't tell na pagpapanggap lang yun kasi its involuntary. And it depends on the mood, situation and the person I'm with. Pero ewan ko. Baka nababaliw lang ako sa sobrang pag-iisip. Kumbaga baka psychological lang... A big question mark ends here.
Click here to read more about Crime and Punishment
Naisip ko tuloy. Totoo kaya na ang pagdurusa ng dalawang tao ang maglalapit sa kanila. Ika nga "Misery loves company." Of course, lalo na kung nauunawaan ninyo ang pinagdaraanan ng isa't isa. (pause) Ngek. Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit... O hindi! Maaring yun nga! *Maaalala si ano. Tapos maiimagine na sinusulat sa autograph: What attracted you most?
Commercial talk uli tayo. Nakita niyo ba yung 2nd advertisment ni Kris sa Pantene Age Defying Shampoo. Ang cheap! Akala ko ba age defying, eh bakit naglitawan ata yung mga ugat-ugat? Tapos di naman bouncy yung hair eh. Ay naku, maglalabas na nga lang sila ng commercial di pa susuriin ng mabuti bago ipalabas! Wala man lang ba nakapansin nun sa staff nila??? Ay SuS!... Yung Axe Land naman, nakakagreen. Meron scene dun may hawak na dalawang bola yung isang babae tapos biglang niyakap siya nung kasama niya. Ah basta yung position ng bola at yung paraan ng pagyakap tignan niyo... Gusto ko yung sa Panoxyl. Yung puro mga planets. Hehe. Cute... Sa Magic Flakes, yung naglilipsync yung bata, di ko mapigilang lumingon sa tv habang kumakanta siya. Aliw rin ako... O siya tama na intriga. Sensya na, eto ang showbiz dito eh. Hehe.
*****
Kumakain si Kakashi sa isang maliit na karinderya. Biglang sumulpot si Pikori mula sa ilalim ng lamesa. Muntik na mabulunan si sir sa sudden apparition.
PIKORI: You're nothing but a second rate trying hard copy ninja Kakashi! (binuhusan ng tsaa si Sir Kakashi straight to the face mask)
(Natulero si Copycat Kakashi. Di niya expected ang malatelenobelang eksenang ito. Wala siyang maisip na dahilan kung anong naging atraso niya at kung pano naging masama ang pangongopya niya dahil kung tutuusin ito naman mismo ang nagliligtas sa team mates niya at sa buong Konoha. Kung susuriing mabuti, dapat nga masamain ang ginawa ng Sisa na ito dahil siya nga mismo ginaya rin lang naman niya ang eksenang ito sa Butuing Mukhang Dingding. Pero pinagpasensyahan niya nalang si Pix dahil baka nawawala lang ito sa katinuan. Marahil kailangan lang patignan kay Master Tsunade ang utak nito.)
KAKASHI: Ah she's talking baloney! (at pinagpatuloy ang seremonya ng pagkain)
PIKORI: (hinablot ang magic sing mic mula kay Katie na magmimirmo mirmo purikurimu sana at saka biglang kumanta)... ANG FEELING KO NGAYON AKO'Y BITUING MUKHANG DINGDING, NAGKUKUBLI SA ILALIM NG MESA NI KAKASHI...
(Palakpakan ang mga bingi. Immediately nag-curtains closed na. Nagclose na rin ang kainan. Kaya naman si Kakashi na kumakain pa lang ay binuhos na lang sa loob ng kanyang maskara ang bowlfool of yuckysoba.)
*****
PS: Thank you to Geki-chan for this personal icon //^____^\

ganun naman mga commercials & ads, e. parang yung billboard ng Jag. damit 'yung jag, pero muhka ang nasa billboard. 'yung leonardo. alam ko bag 'yon, pero mukha ni kris ang nasa tarpaulin / poster / billboard.
ReplyDelete