Friday, May 26, 2006

KURAKOT CODE OF THE PHILIPPINES ATBP. $^&$$#*&)**(@@!@@!!!!

"Ang bapor tabo sapagkat hugis tabo ay mapagpanggap daw. Akala mo kung sinong malinis pero kahit mapinturahan ng puti ang katawan, suriin mo at mapapansing marumi pa rin ang kabuuan sapagkat laging nalulubak sa putikan. Pero sapagkat may kayabangan, taas noo pa rin ito sa kanyang marangal kahit lupaypay nang paglalakbay."
-Jose Rizal, El Filibusterismo


Talasalitaan:
Garapata - mga salot at hadlang sa pag-unlad ng Inang Bayan. Ito ay madalas tumutukoy sa mga uri ng salot na galing sa lower class o masa. Sila ang mga lamon ng lamon pero wala namang silbi sa buhay.
Hal. tamad, tarantado, basagulero, pok2x

Taong Tabo - mga taong tulad ng Bapor Tabo. Kilala rin sila sa tawag na Buwaya. Sila ay nabibilang sa matataas na uri ng garapatang may kapangyarihan, posisyon, pangalan, yaman at impluwenwsiya. Nagtatago lamang silang sa anyong tao pero ang totoo garapata rin sila.
Hal. kurakot, mga nangongotong na pulis, mga kura paroko sa Panahon ng Kasila, Donya Victorina



May 22, 2006
RED ALERT! Kumakalat na ang epidemya ng katamaran, katangahan at kasakiman sa buong mundo. Sinasagot nito kung bakit walang kaase-asenso ang Pilipinas. Reklamo sila ng reklamo at puro paninisi lang ginawa nila samantalang sila naman mismo ang ugat ng lahat ng ito!!! Ang masama pa nito ang mga awtoridad at nakatataas pa mismo ang role model sa ganitong gawain! Natutulog ba ang gobyerno? Baldado na nga ba ang hustisya o baka naman they are in a state of connivance?

Nagpadala si Tita Bing sa amin ng package mula sa US which should be received within 3-5 days. The outcome? Naagnas na kami sa kahihintay ng halos mag-iisang buwan na at wala man lang dineliver o binigay na notice!!! Kung di pa namin tinawagan yung post office, di pa namin malalaman na sa Pasay pala ang bagsak nun! Anak ng Pasay! Ang layo pare! Nalaman na lang rin namin na May 5 pa pala dumating doon! Anak ng tiyanak naman sila eh! Eh kung pagkain pala yun eh di matagal na yun napanis! Baka umalingasaw na pala sa buong Pasay yung nakakasulasok na amoy nun. Di pa raw pinadala kasi MAKIKISAWSAW DAW MUNA ANG BUREAU OF CUSTOMS DUN kaya kailangan pa pala naming lakbayin at makipagsapalaran sa Pasay. Anong dinagdag nilang problema? Sagot: PAMASAHE! Pagdating doon anong surprise ang sasalubong sa iyo? Sagot: TAX DAW. Ang tanong, tax nga ba yun? Inaksaya na nga lang nila ang oras at lakas nung tao may patax-tax pa silang nalalaman! Kung ganun anong trabaho nila dun? Nangungulangot? Natutulog? O baka naman naghihintay na may bumagsak na tipak ng yelo mula sa langit? Kung ganun, anong serbisyo ang binabayaran namin dun? Wag mo sabihin tagatanggap lang sila at taga-silip lang ng laman ng mga padala? At saka pagkakaalam ko, electronics lang ang taxable item sa kanila. Eh gamot yun eh! Eh di namatay na lang pala yung taong maysakit sa kahihintay at nandun lang sila nagtsitsismisan at naghaharutan. Ganun ba?! Bah di ako magtataka kung tinuruan sila ng jablo. Tapos daw sabi sa amin baka pwede na lang namin pakiusapan yung tungkol sa tax. Anong ibig sabihin nun? Anong totoong batas nila? Ita-thumbtax ko mga dulo ng daliri nila eh! Binigyan pa kami ng perwisyo! Imbes na serbisyo, MALAKING PERWISYO! Akala ko ba express mail mabilis? Buti pa yung dating registered mail kahit 2 wks at least naman nakarating ng ligtas at P30 lang binayad namin noon! Mas mahal pa yung binayaran ni tita ngaun para lang mapadala yang express mail na yan tapos ganyan lang kabagal! Mas mabagal pa kamo!

Tungkulin ng Bantay Bayan ang magbantay sa bayan. Obviously it's in the name, my s2pid child! Isa sa mga patakaran - Bawal magpapasok sa subdivision ng mga taga-labas... Isang araw may 3 bata na humingi ng bote ng mineral water sa amin. Nalaman lang namin na di pala sila taga-amin. Kung ang tatlong batang yun nakapasok, paano pa kaya ang mga magnanakaw, kriminal, holdaper at manggagantso? (Ang totoo niyan may sariling pugad na rin ng mga magnanakaw sa loob ng subdivision) Ok sana kung papasukin ang mga bisita pero kung magpapa-pasok sila ng kung sinu-sino lang, dapat buwagin nalang nila yung batas nila. Minsan pa nga, kung sinong dapat papasukin siyang di pinapayagan! Biruin ninyo simpleng magbobote lang, pagdadamutan pa nila ng trabaho! Yung gwardiya nga dapat dun ang patalsikin eh! (Meron ngang tagabantay dun na nakaaway pa ni mama kasi sinupladahan siya. Trabaho rin kasi nila yung magbukas ng tubig sa tangke pero di pinansin ng tuyot na losyang na yun si mama noong pinuntahan niya upang sabihin na nawalan ng 2big at nang-isnab pa ang lolah! KAPAL NG APOG NIYA! Nakarating pa nga sa barangay yun. Ayun napahiya ang kulubot sa bandang huli). So ano kayang ginagawa ng mga gwardiya dun? Ayun, makikita mo si Zanjoe tumutulo na ang laway, naglalakbay na sa Naarnya o kaya naman meron na silang bagong showbiz chismis talk show dun LIVE! Oh tell me, bakit pa namin binabayaran ang serbisyo ninyong mga nilalang? Wala rin naman kayong silbi! Nasasayang ang mga pera namin sa mga salot na tulad ninyo. Wag niyo sabihing sinuswelduhan lang kayo dahil sa awa? Well, nakakaawa nga kayo dahil para lang kayong mga linta! O bakit kung sino pang mas karapat dapat, sila pang nawawalan ng puwang sa mundo?!

Hoy mga garapata! Maawa naman kayo sa aso! Mahiya naman kayo sa mga taba-taba ninyo! Pinapatay niyo na mismo ang bumubuhay sa inyo! Mahiya kayo sa mga taong nagsisikap at nagtatrabaho ng mabuti! Dugo at pawis ang ginagawa nilang puhunan samantalang kayo ni taeh ninyo hindi niyong magawa na pataba sa lupa. Ang mga salita ninyo at gawa di karapatdapat maalala ng buong sanlibutan. Madami kayong oras na sinayang sa walang kakwenta-kwentang mga bagay. Sana ang pagkaing kinain ninyo binigay nalang sa mga nagugutom na pamilya! Sana ang perang hawak-hawak niyo ngayon maibigay nalang sa charity. Di kayo karapatdapat na mang-angkin ng perang di niyo naman pinagpaguran at pinaghirapan! Dapat sa inyo pagtitirisin! Pano nga naman tatabang muli ang aso kung andyan kayo sa mga singit-singit nya? Pwede bang humiwalay nalang kayo ng planeta? Iquarantine kayo kasi nakakahawa! Matuto kayong mabuhay na parang totoong tao at hindi parasito!!! Pakiusap lang naman, mabuhay kayo sa paraan ng "symbiosis"!!!

May 25, 2006
Kinuha na ni papa yung package. POTANG INAHING BUREAU OF CUSTOMS! Pinababayaran pa kami ng Ps2000!!! Bah di na ata makatarungan yan! Sobra naman yan eh sisilipin lang naman yan! Ano yan ginto? Anong special sa gagawin nilang paninilip ha? Maninilip lang kayo pagkamahal-mahal na ang sisingilin ninyo! Ang KAPAL NINYO!!! MAS MAKAPAL PA KAYO SA GULONG NG TRAK!!! Buti nga napakiusapan ng 200 lang. Ayaw pa nga sana ibigay sa amin. Syempre, bilib sila sa sarili nila na hawak nila kami sa leeg. Parang gusto nilang sabihin PAY OR NO PACKAGE AT ALL! Meron pa daw babayaran na card etc. Tapos pinababalik pa raw kami para bayaran daw yung ganito ganyan. Heller! Anong ginawa ninyong serbisyo? Ba't namin kayo babayaran eh kami na nga lang pumunta dyan sa inyo para lang kunin yan eh! Ang alam ko, Ps35 lang ang standard price na babayaran. Eh ba't parang umabot na ng libu-lubo? Tapos wala man lamang silang resibo!!! Anong proof ang maiibibigay nila? Nagcompute lang sila. Eh ano ngang basehan nila! Saan ang resibo? Nasaan ang rule book nila? Anong page? Anong klaseng tax ang tawag dun? Anong constitution or presidential decree no. yun nakasaad? Tapos biruin ninyo nung araw lang din na yun dumating yung notice. Wala man lang pasabi na dumating na pala sa kanila noon pa yung package eh meron naman pala kaming tel.no dun tapos di man lang kami tinawagan!!! Ang tatanga! Ang sarap pagtatagain eh! Sino bang may nuclear dyan ha? Kung pwede nga lang lipulin nang lahat yang mga yan eh!!!

Mga ganid! Mas may respeto pa ako sa mga buwayang hayop. Buti pa ang mga buwaya, may pakinabang sa kalikasan! Pag nawala sila maaaring masira ang food chain! Ang balat nila pwede pang magamit! Inaalagaan pa sila sa mga zoo at sanctuary! Pinag-aaralan at pinoprotektahan! Buti pa nga ang mga buwaya nabubusog e. Eh kayong mga garapata? Puro sipsip lang alam ninyo hanggang sa maubusan na ng dugo ang mga biktima ninyo!!! Daig niyo pa bampira sa kasibaan dahil pati mga laman gusto niyo pang isaksak sa esophagus ninyo! Lamon ng lamon hanggang sa magsiputukan na yung mga bituka! Sinong gustong mag-alaga ng mga tulad ninyo? Wala! May pakelam ba kami kung maendangered o maextinct na kayo? Wala! Yun nga ang pinakaasam-asam naming lahat!!! Pag naglaho na kayo, dun lang magsisimulang mabuhay muli ang daigdig ng mga tao! Sige magtago na kayo sa mga sulok-sulok dahil pag naglilitawan kayo, siguradong masarap na masarap lahat kayo pagpipisakin!!! Nakakapanggigil!!! Ang sarap pakinggan ang tunog ng paputok ng mga tiyan ninyo! MGA PHUTEK! MGA GARAPATA!!! KADIRE!!! Sige magpataba pa kayo! Mas mataba mas masarap tirisin!!!

Paano magkakaroon ng hustisya kung ang mismong mga sangay ng pamahalaan ay naghahasik ng kanilang sariling version ng kasamaan? Sinong magliligtas sa atin sa kawalan ng katarungan? Nasaan sila? Pesteng justice leage! Pesteng Voltes V! Pesteng Darna! Napapaliguan tayo ng mga kung anu-anong super heroes ngayon pero nasan ang tunay na mga bayani? Lahat naman ng tsuper heroes na yan mga bulok e! Mga pasikat lang kau! Puro porma lang alam ninyo. Hanggang tv lang kau! BOOOO!!! Puro kablag, kaboom, kaposh, kapak, at charuy lang alam ninyo!!! Pero wala naman kayong binatbat kay Rizal! GRRRRR... PWEK! Kung meron mang mga matitinong mga tao dyan di pa rin sapat ang pwersa nila para masugpo ang kabantutan ng mga TABO na yan. Hindi rin ganun kalakas ang tinig nila dahil ang mga TABO naka-bullhorn at microphone pa yan with blasting speakers pa. Kaya naman sa sobrang lakas ng decibel, bingi na rin sila sa mga hinaing at reklamo ng mga tao. Wala silang ginawa araw gabi kundi bumili ng mga mamahaling mga damit at alahas para lang takpan at balutan ang bulok na anyo nila. Pilit silang nagpapabango kahit umaalingasaw na sa kalye ang baho nila. Samantalang yang pera nila dapat sana mas napapakinabangan ng buong sambayanan! Feeling nila ang taeh nila kulay ginto samantalang mas masangsang pa ang amoy nila kaysa kanal na malapot. Mas masahol pa sa dumi ng baka dahil buti pa ang sa baka pwedeng gawin pataba samantalang ang kanila baka isuka pa ng lupa yan!

Isipin ninyo, eh di kung mahirap ka lang at may nagpadala sa iyo ng parcel mula sa ibang bansa, di mo pa pala makukuha yun hangga't di mo pa isuko sa kanila ang iyong buhay at ari-arian! Biruin niyo gusto ka pa nila atang hubaran kahit wala ka na ngang maisuot na damit!!! Well, syempre, wala silang pake my dear dahil ang singko milyones sa kanila ay barya lang! Ano nga bang pakelam nila? Kaya nga marami ngang yumayaman dyan sa Customs eh! Paano ka nga naman yayaman sa simpleng pakikisilip ng package ng may package? Eh di syempre thru d refined process of corruption.

WANTED: KURAKOT EMPLOYEES
REQUIREMENTS
1. Magaling mag-imbento (ng kwento)
2. Matatalas na mata (para makakita agad ng pera)
3. Skilled hands (sa pag-aabot ng pera)
4. Mathematical brain (magaling sa addition at subtraction)
*No need to be good in division kasi we do not divide equally
5. Magaling makisama (at makisabwat sa maruruming gawain)
6. Trustworthy (handang magtago ng maiitim na sikreto)
7. Maluluwag at malalapad na bulsa

APPLY NOW AND BE AN INSTANT MILLIONAIRE!

Btw, pwede ko ba gawing topic sa thesis ang mga pangungarakot nila? It would be a pleasure to interview different fooliticians, foolice officers and gagovernment employees. Let me name it, DA KURAKOT CODE.

One thing before I give my beast wishes to the Tabos out there...
PACK Q!!! 2 HELL WID U!!! *sabay sundot sa ilong ng voodoo dolls gamit ang gitnang toe. Biglang naglabasan ang uhog at kulangers nila sa trabaho hanggang sa magdugo.*

*****

Click here to call for help

2 comments:

  1. hey musta! havent visited in a while.. i was soo busy... sorry.. so whats new?

    ReplyDelete
  2. hehehehhe nice one!

    on the Bapor Tabo, what Rizal is explaining there are the divisions in the society [the indios are below, while the dickheads are above] in a very crooked goverment [the boat], so it means the dickheads above are only bad in that chapter pero baka tama ka rin.... ^^

    ReplyDelete