Saturday, July 01, 2006

Saka na lang...

flashback
Dr. Alejandro: Nasaan si Jesus?
TP: Andito po.
Dr. Alejandro: Baka may iba ka pang kasamang tao dito?
TP: Kayo po.
(At matino na nga ako...)
end of flashback

Siguro July na ko papasok. Baka next year na rin ako gagraduate. Mahaba-haba pa ang panahon ko. Medyo tinatamad nga ako manood ngayon ng tv. Nasanay na ata kasing di manood nung nagkasakit ako kaya nawala na ako sa track. Magyayakitate nalang ako tapos itutuon ko nalang time ko sa pag-aaral para di masayang ang oras. (Wala pa naman akong bagong CPU kaya dito lahat ang atensyon ko.) Excited pa naman ako makapagcollege! Dahan dahan ko lang daw kukunin yung mga subjects. Age doesn't matter naman sa education diba? Ano ngayon kung matagalan, basta ang importante may natutunan.

O nga pala, nakwento ko na ba yung panaginip ko tungkol sa Yakitate Ja-pan? Ganito yun. Nanonood daw ako ng gabi. Theme daw ng contest ay paggawa ng tinapay na galing sa ingredients sa basura. Lahat ng kalahok ay nasa dumpsite. Sina Kazuma at Kyosuke magkasama, may dala silang sariling garbage bag at may tulak silang tig-isang kariton. *lols*

Naisip ko, balang araw gagawa ako ng mga mask na iba-iba ang design. Kakailanganin rin yan dahil sa pollution. Ang design: ilong ng baboy, ilong ng elepante, tuka ng manok, etc. Pwede ring anime design tulad kay Kakashi, Feitan, Kumo, Karaso o kaya naman kung gusto mo ng mas matinding proteksyon yung kapareho ng sa Power Rangers, Robocop o Spiderman. Magmumukha nga tayong pupunta sa costume party pero at least may style diba? Maari ko rin yan ipafashion show at gawing business!

June 23, 2006
Dumating na yung replacement juicer na pinapalitan namin sa States. Tamang-tama! Buti nga wala na kaming binayaran sa Las Pinas post office. Dapat nga babayaran namin yan dati ng mahigit 3000, pero dahil nagtatrabaho pala sa customs ang isang parent ng Southridge di na kami pinabayad. Lusot! Btw, di ko na naipadala yung reklamo ko sa XXX. Dapat dati ko pa nga sila inemail. Halos magtalo pa nga kami ni mama noon sa grammar kaya pinacheck pa namin kay papa. Ang problema nga lang eh sinoli na agad yung laptop. Ngayon, tinatamad na ako. Wala rin naman sa amin ang gustong lumabas sa tv eh. Hayaan nang Diyos ang manghusga sa kanila!

June 24, 2006
Naisip ko na kung pinakailaman ng SLE (Systemic Lupus Erythematosus) ang pag-iisip ko, dapat maging kalmado lang ako. Nagflare siguro dahil sa sobrang pag-iisip. (Kasalanan yan ng mga kurakot at ni Rizal- sapagkat ako'y kanyang pinagdusa sa kanyang malalalim at matatalinghagang wika. Old version kasi gamit kong book.) Pwede kasi apektuhan ng SLE ang any part of the body. Wah! Pinagtataksilan ako ng immune system ko! Oni gang, why? I was wrong na pinabayaan ko kayo noon. Kailan kayo magiging normal muli? Hay, naiinggit nga ako kina Kazuma, Luffy at Kouya kasi mga simple lang sila mag-isip. (Yan kasi brain ako ng brain!) Napansin kong pinaglaruan na naman ako ni Lord pero ok lang yun. Tulad ng isang kaibigan, pagtitripan ka paminsan-minsan pero di ka naman ipapahamak. Dapat siguro wag muna ako masyado mag-isip.

Nagpacheck up kami ngayon kay Dra. Yu. Ba't di pa raw ako mukhang monay? Kinokontrol ko kasi pagkain ko kaso tumaas ang cholesterol and triglycerides ko. Ganun talaga pagnakasteroids. Magiging moonface din ako after ilang days, nasa gibbous stage palang kasi ako eh.

MY RULES PARA DI MASYADONG TUMABA:
1. Wag magpabili ng kung anu-anong pagkain.
2. Wag pumunta sa grocery nang gutom or better wag na pumunta doon.
3. Wag kumain pag di oras ng pagkain.
4. Maging abala sa ibang gawain para di magutom.
5. Be vegetarian. Nakakabawas 'to ng calories at body odor, healthy pa!
6. Uminom ng maraming liquids, preferrably isang basong tubig, before or during meals para mabilis mabusog.
7. Mag-exercise at magpapawis.

Ngayon lang ako nakakita ng paniking lumilipad sa gabi. Cute! Naalala ko dalawang beses na rin ako nakakita ng patay na paniki. Isa sa harapan at likuran ng bahay namin. Para siyang prutas na may rugged edges.

June 29, 2006
Nagpacheck up ako sa neuro ko. Psychiatrist din pala siya. Pinapa-arterial duplex niya ako. Ang tanga ko kasi tinanong niya ako kung minsan daw ba nanghihina paa ko. Tumanggi ako. Sinabi ko ok ako. Nawala sa sarili ko na minsan nawawala na lang ako sa balance at mabilis mangawit ang mga paa ko. Basta may funny feeling sa paa ko na parang magaan lang. Tapos minsan nanginginig nalang kamay ko. Di ko naman masyado pinapansin eh kasi parang wala lang. Baka nasanay? Hay, antanga ko talaga. I doubt it kung matino pa ako ngayon.
Uminom rin ako ng blueberry juice for the first time. Ngayon lang uli ako nakakita ng rainbow nung hapon. Magsaya kayo, di pa tayo lilipulin ng Diyos.

..........

Recently nga napansin ko na kapag nagsusulat ako, nababaligtad ko minsan yung mga letters. Naku, baka may problema na ako sa nervous system ko! Napapansin ko pa nga na parang may kakaiba sa isip ko. Parang nananaginip na lang ako ngayon. Ang feeling ko di na ako tulad noong dati. Off medications na naman ako sa anti-anxiety drug ko. Di ko alam baka paraan na rin to ng Diyos para pagaanin ang pasanin ko. Kasi parang ever since nung araw na iyon parang nawala lahat ng sama ng loob, galit, takot, alalahanin at problema ko. Parang wala na ko masyado pakelam ngayon sa mga bagay na walang kakwenta kwentang problemahin o baka napagod at nagsawa na ang utak ko. Gusto ko ng rest, gusto ko ng peace of mind. Masarap pag di ka masyado nag-iisip ng kung anu-ano.

Mas masaya na rin ako pag nagbabasa ng Bible. Napansin kong mas nauunawaan ko na siya at naopen up ang mind ko sa mga bagay na di ko maintindihan o mababaw lang ang pagkakaintindi ko noon. Pag mahal mo Siya, ang pagdating Niya rito sa mundo ay magiging kasiyahan. Nakakatakot daw kasi ang katapusan ng mundo. Pero kung alam mong naging mabuti kang tao hindi ka magiguilty diba at saka bakit ka matatakot kung alam mong malinis ang konsensya mo? (Kaya nga dapat magsisi at humingi ng tawad pagkatapos ng araw at makipagbati na sa mga kaaway mo) Matutuwa ka pa nga dahil magkakaroon na ng panibagong mundo na may peace, justice, love and happiness. (May ozone layer na at malinis pa, hehe, tapos wala na kurakot, diba?) Makikita na natin si Jesus at maghahari na ang kabutihan sa mundo! Yehey! Ngayon alam ko na kung bakit good news. Sabi nga sa bible darating siya sa oras na di natin inaasahan kaya dapat ka laging handa. Hmm... ano kaya ginagawa ko pag nangyari yun? Aabutan ko kaya to?

*****

DA WESTSAYD ISTORY

Click here to read the fool story.

No comments:

Post a Comment