July 2, 2006
Mano a Mano. Chololo vs. Pacman. Victory bread for Pacquiao!!!
July 5, 2006
Bumalik ako sa realidad. Di ko sure kung kelan talaga ako makakapasok. Meron pa palang natirang pabigat sa akin. Iniyakan ko yung Stat ko. Naguluhan kasi ako. Self-study lang ginagawa ko. Yung module maraming mali mali. Tapos feeling ko yung teacher ko ayaw ako turuan. Di rin naman alam ni mama at papa yung subject kasi wala raw sila nito noon. Ayoko magpatutor kasi gastos lang. Ang masama pa, yung teacher ko rito nagtuturo rin sa Physics. Bakit sa dinami-dami ng subjects eto pa! Napapansin ko kasi na tuwing magtatanong ako sa kanya parang ayaw man lang niya iillustrate yung problem. Parang ayaw man lang humawak ng bolpen at papel. (Samantala ang sipag niya makipagkwentuhan sa mga estudyante niyang lalaki. Ewan ko lang baka "parte" lang yun ng oral exam nila.) Di ko tuloy maintindihan kung di rin niya alam yung sagot o baka tinatamad lang. Minsan pinaalis na agad ako sa upuan kasi may magpapaconsult pa raw. Parang gusto na niya akong umalis sa harap niya. Nakukulitan na siguro sa akin. Pero anong masama sa estudyanteng gustong matuto? Sayang. Malaki pa naman paggalang ko sa kanya noon dahil sa hitsura niya mukha siyang matalino. Buti pa nga teacher ko sa Trigo desido ako turuan kaya kahit papaano natanggal ang pagkamuhi ko sa subject na yun. Hay, alam kong wala naman akong kasalanan pero nakukunsensya pa rin ako. Balak kong ayusin ang problema kong ito sa kanya pagpasok ko pero bibigyan ko muna siya ng isa pang pagkakataon. Tinanong ako ni mama kung Stat lang ba ang iniyakan ko. Oo. Ganyan talaga ako pagdating sa pag-aaral. Dahil sa pagiging perfectionist, di ko matanggap na di ko maintindihan ang lesson. Sabi nina mama at papa, magpahinga raw muna ako. Magbasa-basa na lang muna ako ng mga libro. Tama sila. Kasalanan ko rin naman kasi kung magkasakit na naman ako.
July 12, 2006
Tumawag si Sheery. Di ko inaasahan. Ganun pa rin masaya pa rin siya tulad ng dati. Di talaga nagbabago ang mga kaibigan ko at yun ang gusto ko sa kanila. Magsisimula na raw sila ng duty bukas. Nagdidiet na rin pala siya. Binawasan niya ang sweets, snacks, fatty foods at carbs niya. Kaklase niya raw si Nicolette na dati taga-section Love. Mabait daw yun. Oo. Naalala ko pa rin siya kasi di ko malilimutan na sinabihan niya ako na mabait daw ako. Best friend din kasi siya noon ng kaservice kong si Giselle. Mahilig din kasi ako magdidikit sa section Love tuwing EPP class namin noong gr.6 ako. Hay, memories light the corner of my mind. Sana naaalala rin niya ako.
July 14, 2006
Nagpacheck up ako sa optha ko. Buti nalang di ako natagalan sa pagkuha ng eye pressure ko. Tapos nagpa-arterial duplex ako. Inultrasound lang naman yung kamay at paa ko. Nung hapon, uminom naman ako ng shake na may red dragon fruit. Kulay violet. Dumaan kami sa sm bacoor. Bumili si mama ng mini sewing machine. Dun naman ako sa parking lot, my fav spot. Nakakita ako ng malapad at kulay green na higad. Nilunod ni papa sa tubig ulan pero ayaw gumalaw. Sarap sana magpahangin kaso umambon.
..........
Sa kasalukuyan, tinatapos ko muna ang modules ko sa TLE. Accounting ang topic. Ihuhuli ko na ang Stat. Yung Physics kay mama nalang ako magpapaturo.
Asar ako sa sarili ko. Bakit ganun? Alam ko namang kaya ko ang isang bagay pero reklamo pa rin ako ng reklamo. For example, masaya ako pag may bago akong natutunan sa modules ko pero may parte pa rin sa akin na naiinis kung bakit kelangan pa pag-aralan yung mga bagay na yun. Ayoko lang siguro na ginagawang obligasyon o responsibility at sapilitan ang pag-aaral. Sapat na sa akin ang matuto lang kahit minsan.
Medyo nakakabore lang monotony ng gawain sa bahay. Napapagod ako manood ng tv kasi parang wala akong mapulot (maliban sa yakitate japan). Tinatamad rin ako minsan makinig ng radyo kasi nagsawa na ako sa paulit-ulit na music. Minsan sinubukan ko pang makinig ng kundiman sa AM kasi wala akong mahanap na Chinese music. Dapat ata nagbabakasyon ako sa probinsya. Yung away from the city at makibonding nalang muna with nature. Kailangan ko kasi marelax ang mind ko. Naguguluhan kasi ako sa mga modern world ngayon eh. Kung pwede nga lang makapunta ng La Mesa Eco park ngayon. *sniff* Nadedepress ako. Nasaan ka na kasi Naruto? Hinihintay kita. Panahon na ng mga palaka! Mish na mish ko na kayong lahat. Huhuhu...
Yakitate 9. Si Kuro talaga ang favorite judge ko. Buti nalang bumalik na uli ang panlasa niya. Hitik kasi sa aksyon ang mga reaksyon niya. Hehe! Sa palagay ko, alien ang manga author. Bumagsak lang siya sa Ja-pan at namulat sa mundo ng anime at katinapayan. Minsan umaabot na sa puntong di ko na magets yung overexaggeration nila. Siguro mga 8/10 pwede na. Maaasahan ko kaya yung mga baking tips nila? Minsan natutukso na akong subukan ngunit dahil wala akong oras, pera, determinasyon, skills at kaalaman sa pagbake, I will never know. Gusto ko sila bigyan ng award sa pagiging first of its kind sa kahibangan. Saan ka makakakita ng anime na sinali si Detective Conan, may Dragonball at One Piece pa? Hayop! Pati Naruto di pinalampas! Dahil dyan additional 1 pt! Saya nung mga spoofs nila. Maaksyon pa yung opening themes nila ha. Akala mo kung ano eh tinapay lang pala! Minsan nga parang gusto kong kurutin na sa pisngi si Kazuma. Type ko siya pag wala siyang headband. Behlat! Oh well, ganun talaga dahil ang paggawa ng tinapay ay isang seryosong bagay...
Stewardess: Chicken o ham?
Passenger: Chicken and ham.
Stewardess: Only one ma'am.
Passenger: Hmmm, bread!
(Yan ang tinatawag na bread winner. Winner pa rin ang bread!)
*****
BAKING IN DA FOOL HAUS
Click here to read the fool story.
No comments:
Post a Comment