Sunday, July 30, 2006

To Deal or Not to Deal

July 17, 2006
Deal or No deal. May isang contestant na humingi ng sign kay Lord kung anong briefcase no. ang pipiliin niya. No. 19. Kaso bigla nagbago isip niya at nagdeal nalang sa huli. Sayang! Nakuha sana niya yung 2 million. Moral Lesson:Matutong magtiwala sa Diyos. Wag magduda sa kanyang kakayahan.

Mttw 8:26 Why are you so frightened? What little faith you have!

I usually remind that to myself. I admit I do scold myself a lot of times...

July 20, 2006
Nagpunta kami sa SM Bacoor bago magpacheck up. Nakabili rin ng blue pants, panyo at black belt (eh kasi maluwag na yung dating black pants ko). Wenk! Normal naman pala arterial duplex ko. Baka nga side effects lang ng gamot ang mga nararamdaman ko. For now, ok naman ako. Back to abnormal uli.

July 29, 2006
Nasayang lahat ng pinag-aralan ko sa Trigo. Dapat ngayon ako papasok eh wala palang pasok! Aug na tuloy ako makakapagsimula. Buti nga binalita sa akin yun ni Cin 2 days before dahil kung hindi ay baka nagpunta pa ako sa skul. Antanga-tanga pa nung isang staff sa angelicum. Tumawag si mama sa hsp tapos sabi may pasok raw. Ayun kinabukasan tinawagan uli ni mama. Nagsorry sa amin. Natakot nga daw siya na baka sugurin daw siya ng parent na namisinform niya. Nagpalab test at check up nalang ako sa nephro ko. Nasiraan pa nga kami ng wiper sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Pinaayos pa namin sa Shell. Nasalubong pa namin si Tita Tina doon sa may Madocs. Sana next wik makapasok na ako. Ayoko nasasayang oras at natatambak gawain ko. Dapat humupa na rin ang mga ubo't sipon ng mga tao by that time.

...

Gusto ko magbakasyon sa Konoha. Paano nga ba makakarating dun? Sana kahit mapanaginipan lang, makapunta ako sa iba't ibang mundo ng anime. Kaya pala medyo lonely ako kasi miss ko na yung computer ko. Huhuhu... Kung meron na sana eh di nakapag-adobe photoshop na sana ako, nakapag-update ng site, nakapaglalaro ng games, nakakapag-internet anytime, nakadownload ng manga at mp3, nakatype na ng maraming fics, nakaburn ng cds, etc.

My Misadventures with Sadako

No comments:

Post a Comment