Aug 5, 2006
Kinausap ni mama si maam sa harap ng HSP head namin. Kaya pala himalang naging mabait sa akin. Tinuruan na niya ako ng maayos at sabi pa nga niya pwede rin niya ako maturuan online. Nung una akala ko ako lang yung nakakapansin sa mga kinikilos niya. Di pala ako nag-iisa. Ngayong napagsabihan rin siya, sana she'll learn from her mistakes.
..........
Hay, bakasyon engrande. Andami kasing sat na walang pasok. Nag-aral pa naman ako para sa achievement test ko sa trigo tapos QC day pala. Pagkahaba-haba pa naman. Aysus! Nakakaasar din talaga minsan pag di nasusunod yung mga plano ko. Nanood na nga lang ako nung lumang play
sa VHS para sa project ko. Singin' in the Rain ang pinili ko. Nakakatawa. Buti nga gumagana pa. Hehe!
Sa balon, nagpapahinga si Sadako. Mukhang napagod ata sa kakaheadbang sa concert ng AKFG. Maya-maya may tumawag mula sa itaas.
GOLEM: My precious!
SADAKO: Si Golem yun ah!
GOLEM: I'm coming for you my precious. (bababa sana sa balon)
SADAKO: Wag! Wag kang lumundag! Nagkakamali ka. THE RING ito at hindi LORD OF THE RING!
LARA QUIGAMAN: Hi! Is anyone calling me?
GOLEM: PRECIOOOOUUUUSSSSS!
(Precious Lara screams at the sight of Totoy Golem and runs away while Golem makes habol his precious. Go Golem!)
*Kitchie Nadal and Barbie Almalbis sings*
Today is the greatest day whenever should come my way. Today is the greatest day in history...
Yugioh GX. *sniff* Hindi na si Yugi ang bida. *sniff* Di pa nga nila tinatapos yung Duel Monsters eh. Di ko pa nga alam kung ano nang nangyari sa alaala ng pharaoah, kung nakabalik na ba si Marik sa katawan niya (Yuck! My golay! Of all, ba't pa niya piniling pasukin ang katawan ni Tea. Masama yan!) at di ko rin alam kung paano makakabalik etong si Yami Bakura mula sa kadiliman. Bitin! Dapat meron pa nga tungkol sa past life nila sa ancient Egypt eh. Daya daya! Miss ko pa naman sina Yami Yugi, Bakura at Marik. Nagtataka lang me bakit di kasama si Yami Yugi sa anime crushes ko, pero aminado ako na gustung-gusto ko siya. Siguro malaki lang respeto ko dun. For me kasi para siyang majestic prince. Pumapangalawa siya sa kagalang-galang na si Guru Clef sa OVA ng Magic Knight Rayearth. Naalala ko tuloy dati pinagselosan ko si Tea sa episode nung nagdate silang dalawa. Grrr... *kinagat ang unan* Ah basta mas gwafo pa rin siya kesa kay Tamahome. "Yuck, I hate u, Tamahome! Wats so kilig about u? Umuwi ka nalang doon sa Miaka mo. Dun sa Mi-YUCK-a na yun!" *napabahing si Tamahome at lumobo ang kanyang uhog*
Pansin nyo ba, kay Kazuma yung boses ni Judai Yuki. Kaya pala late rin siya dumating sa unang episode. Hehe! Minsan nga nagawan ko ng kwento si Judai. Ipinares ko siya sa isang original character. Tumakbo yung storyline sa isip ko buong gabi pero ang nakakapanghinayang eh wala na ko maalala sa dialogues. Nilipad na sa hangin, hindi ko nacapture. Wala na. :( Sayang, ganda pa naman. Romantic comedy kasi eh. Kwento siya ng isang nerd na babae na palaging niyang inaasar at kinukulit sa skul. Medyo hawig sa umpisa ng "It Might Be You", di lang kasama yung secret admirer thingy.
Sa tuwing nakikita ko si Judai, parang gusto ko siyang bigyan ng tsinelas. Wala lang. Makes no sense pero feel ko talaga ibigay yung isa kong tsinelas. Gusto ko kasi asarin yung pagmumukha niya.
MATAKOT KA SA TSINELAS
Click here to read a fool story.
Nakapanod rin me minsan ng Galaxy Angel sa QTV. Nagulat ako sa boses ni Forte. Boses kasi yun ni Yoh Asakura at Full Metal Alchemist Edward Elric. Kainis nga, kung kelan naman ako nanood dun na nagseason 1 uli. Napanod ko na yun sa cd e. Sana ulitin lahat hanggang season 4.
Nakuha ko na yung Naruto cd ko. Tenks kay Daryl kasi pinayagan niya na palitan yung episodes. Tenx din kay Dianne sa pagkuha ng cd. Di ko talaga pinagsasawaan yung 75-77. Drama e no? Heto pala ilan sa mga screen caps...
Mama ni Gaara - Heavenly!

Daddy ni Gaara - Ngek!

Like Father, like son: Kankuro and dad. - Parang pinagbiyak na arinola ni lola. Chabachoy ni Kankuro. Hehe!

Makes me wonder. Paano kaya nagkakilala mommy't daddy ni Gaara? Intriguing. Wooo chismax na ito!
Minsan naisip ko na icrossover pairing si Gaara at Milfeulle. Naisip ko lang. *shocked* Does that mean pinapamigay ko na si Gaara sa iba? My golly! Wala naman akong sinabing akin siya ah! Kakasuhan ako ni Masashi Kishimoto nyan. Anywayz, weird ng pairing no? La lang. Alam niyo naman kasi si Milfy super friendly, cute, sobrang bait, sweet at inosente. Kahit sino kinakaibigan. Nagka-crush tuloy ako minsan sa kanya sa isang episode. My golay! Totoo ba un? Naimagine ko, napadpad yung Angel Brigade sa Suna. Naglakad-lakad si Milfy sa disyerto tapos nakita niya si Gaara. Then it goes a little something like this...
MILFY: Hi Mr. Love, pwede po ba magtanong sa inyo?
GAARA: Hindi Mr. Love ang pangalan ko. Ako si Gaara.
MILFY: Naku sorry, Mr. Gaara. Nakita ko kasi yung kanji mo sa noo kaya akala ko yun talaga ang pangalan niyo. Oo, nga pala, ako si Milfeuille Sakuraba. Hinahanap kasi namin ang lost technology. Gusto ko sana itanong kung may nalalaman kayo tungkol doon.
Syempre, dahil first time na may naging friendly sa kanya, naisip ko posibleng si Milfie na ang maging first love ni Gaara. Yeehee! Di ko kayang pagselosan si Milfy. She's so adorable! Masyadong malinis ang kanyang puso. Grabe! I'll humble myself. Tutal opposites attract naman. Isang angel at isang demon. Para mapanatili ang balance sa mundong ito. Kahit na laging palpak si Milfy may good luck naman. Baka tumaba na si Gaara pag pinakain niya ng maraming sweets.
Sana makabili na ng bagong cpu. Nahihirapan na kasi ako sa laptop. Ang sakit sa leeg kasi nakayuko ako lagi sa screen. Di komportable posisyon ko kasi di pa ko makasandal ng maayos sa upuan. Tapos lagi ko pa bubuhatin eh ang bigat nito. Tapos yung wire laging nakaharang sa daan. Ang dami ko pang kinakabit. Yung linya ng internet ang iksi kaya napipilitan ako mag-stay malapit sa phone. Ayoko pa naman sa sala kasi di ako maka-concentrate. Pagod na rin ako sa kakamanipulate ng mouse button nito. Ayoko naman kabitan ng desktop mouse kasi ipapatong ko pa un sa hiwalay na table... Nakapag-inquire na nga kami sa Enigma. Dapat nga ngayong Mon kaso kaso wala naman yung mga piyesang hinahanap ko. Pwede raw magpareserve pero good for 4 days lang pero depende parin sa available parts. Hindi naman ako makapunta ng weekdays tapos Sat may pasok ako. Sa Sun naman hanggang 5pm lang sila. Paiba-iba nga presyo nila pati stocks kaya medyo mahirap tsumamba. Misael pa nga ung pangalan ng employee dun. Gusto ko sana itanong kung paano ipronounce name niya, kung "missile" ba, kaso baka magalit. (Actually Misa-EL). Hehe! Minsan naisip ko, wais talaga pag itanong mo yung pangalan ng employee na tinanungan mo sa customer service. Why? Para just in case magkamali siya ng info na ibinigay sa iyo, eh di may masisisi ka! Haha! Walang kawala diba?
Questions to ponder:
1. Kelan marerelease ang acoustic version ng Crazy Frog?
2. Nasa videoke na ba ang kantang Crazy Frog?
3. Kung naniniwala ka sa love at first sight, posible bang ma-love at first sight ka sa isang pangit?
4. Ang tunog ba talaga ng snore ay Zzzz...?
5. Bakit ang nagbibinata mas type ang mature na babae, pero ang matandang lalaki gusto ng mas bata sa kanila?
Don't forget Super Inggo on Aug 28. Haha... //^O~Kaasar fanfiction.net. Pinagbantaan nila account ko. Di raw ako sumusunod sa rules. Napilitan tuloy akong tanggalin yung 3 kwento ko pati ang fool haus. Sayang tuloy. Ano ba kasing karumaldumal sa paraan ko ng pagsusulat?? Eh sa gusto ko ng script method, ano bang masama dun? May tinatago ba silang galit sa mga semicolon? Sabi nga ni Chenz, it's a form of literature. OO NGA NAMAN! Malaki ang papel ng scripts sa mga pelikula, radio drama, tv shows, and plays. Kung wala yun, anong sasabihin ng mga artista sa screen? Totoo nga rin yung mga sinabi ni Dianne. Di talaga naappreciate ang mga script writers. Naalala ko yung kwento sa Reader's Digest. Kapag sikat daw ang pelikula, di maiiwasang pag-usapan pati ang mga artista pero kung tatanungin mo kung sinong script writer - *twirls hair around finger* Dedma! Sabihin niyo nga nasaan na ang freedom of expression? Paano mo maieexpress ang iyong full writing abilities kung didiktahan nila kung anong klaseng literature ang dapat mong isulat. Di pa naman ako ganun kasanay sa mga narrative. Halos lahat ng mga fics ko in dialogue form. Marami kasing usapan at syempre "asaran." Oh well sensya na. Ganyan talaga ang ginagawa ko, litter-ature.
LITTER-ATURE - panitikang patapon
Nagpacheck-up ako kahapon. May doktora dun na nagtanong kung gusto ko raw makita si Faith. (Si Faith yung smileyface na nurse) Nagulat ako. Naalala pa pala nila yung nangyari. Akala ko wala na nakakakilala sa akin e. Hehe! Nagkaproblema pa nga kotse namin nung hapon kaya nag-stay muna kami sa Bodhi restaurant sa may Banawe. Ang ganda talaga ng lugar. De sofa pa tapos ang linis ng lugar. Sosi! (Kaso may isang langaw akong nakita)
Ba't ganun, feeling ko masyadong mabilis ang oras. Parang halos wala pa nga akong natatapos, time is up na agad at iba na naman ang gagawin ko. Minsan tuloy pakiramdam ko wala akong nagawa sa araw na iyon at kung meron man, kapiranggot lang na halos hindi ko maipagmalaki. Di ko tuloy mahanap ang sense of fulfillment and achievement.
Alam niyo sa totoo lang. Nalulungkot talaga ako. Parang kahit anong pilit ko mag-isip ng masaya at maganda parang may butas sa puso ko. Feeling ko may nawawalang parte ko na hindi ko alam kung ano at dapat kong hanapin para mabuo ako. Parang minsan mabigat ang pakiramdam ko. Gusto ko umiyak pero di naman ako makaiyak. Wala naman akong dahilan para umiyak. Di ko naman masabi sa iba kasi di nila maiintindihan. Di ko nga rin maintindihan eh. Paano ko maiipapaliwanag eh hindi ako marunong maglabas ng nararamdaman ko. Ang hirap naman nito. Hay... ang gulo ko.

Ang Kilay ni Gaara: Chapter 1
Gusto niyo bang malaman kung bakit walang kilay si Gaara? Eh di basahin niyo!
liking your gollum story hehehehe graba ka talaga
ReplyDelete