Ang mga sumusunod na pahayag ay dapat noong Aug ko pa pinost. Pasensya na kung late. Tinatamad kasi ako magblog.
Iniyak ko na. Sabi ko ke mama nalulungkot ako. Tinanong niya kung bakit. Sabi ko parang walang kwenta lahat ng ginagawa ko. Parang ang bilis bilis ng oras at parang wala akong natatapos. Paulit-ulit nalang lahat ng ginagawa ko. Nakakasawa na. Matagal ko na nararamdaman to pero nilalabanan ko lang. Akala ko mawawala rin pero parang lalo lang bumibigat ang pakiramdam. Di naman talaga ako sanay umiyak. Mas sanay akong pinipigil ang luha (parang nilulunok lang ng mata pabalik ang luha). Parang ang hirap pa nga ilabas. Parang may tinik ka na di matanggal. Di ko naman kayang tiisin pa kundi baka maloka na ko. Sabi ni mama, normal lang daw ang depression sa mga tulad ko. Baka namimiss ko lang daw si Gaara. Ngay! Grabe naman yun. (Syempre miss ko na pero di naman ganyan).
Lumipat ako sa babaeng psychiatrist. Bago magclinic, naghintay muna kami sa may Joint and Bone Center. Sa harap nun, may 2 painting. Epals nga. Biruin mo, lahat ng batang nakadrowing magkakamukha at same facial expression pa (nakabuka ang bibig at labas ang front teeth). Sabi ni mama baka yan lang ang mukhang alam idrowing nung pintor. Imposible namang magkakapatid yun eh halos magkakaedad lang silang lahat. Dun naman sa clinic, naaliw ako sa dami ng figurines na palaka. Sagana!
Natatakot ako sa nangyayari sa kin ngayon. Nakakaramdam ako ng magkahalong lungkot at takot. Minsan gulung-gulo na isip ko. Parang napapraning na ata ako. Minsan gusto ko na mamatay. Parang wala na ako gana sa lahat ng bagay. Yung tipong iniisip ko na wala naman kwenta lahat ng ginagawa ko kasi mamamatay rin naman ako. Nakadalawa o tatlong beses na ata ako umiyak e. Minsan di ko na alam gagawin ko. Di ko alam kung dahil maraming factors ang nagpapababa sa akin pero di ko pa talaga to nararanasan sa buong buhay ko. Di ko alam kung dahil sa walang computer, napepeste minsan sa juicer, matagal na di nakakapasok, naaksayang mga pinag-aralan ko o lecheng fanfiction.net. Ewan ko! Nasosobrahan lang ata ako sa pag-iisip. Sumasakit na ulo ko. Feeling ko napipilitan lang akong gawin lahat ng bagay dahil kelangan. Sisyphean ang buhay ko. Tapos parang di ko masunod lahat ng plano ko. Lagi kong hinahabol ang oras. Napapagod na ata ko. Wala pang inspiration at motivation. Sabi nga ng dra ko na magpacognitive behavior therapy daw ako. O baka talagang masama lang pakiramdam ko. Nilagnat nga ko nung isang araw. Halos wala na nga ko magawa e. Tulog ako ng tulog. Di ko na alam pano pasasayahin sarili ko. Pati Super Inggo pinatulan ko na. Di ko na alam gagawin ko. Nagbabasa uli ako ng book of animals. Nakinig rin ako ng fav anime ost ko magic knight at supposed-to-be-cd ko para sa debut ko para mabuhayan ako. Para kasing bigla akong tumuntong sa realidad e di ko pa ata kaya. Gusto ko bumalik sa sarili kong mundo. Parang nahubaran ako ng kaligayahan sa buhay. Nawawala na naman ako. Pakiramdam ko parang lumulutang ako sa gitna ng maitim na karagatan at di ko alam kung saan ako tutungo. Help meeeeeeeeee!!!
Madami na nangyari sa buhay ko. Saka ko na kwento. Sori sa pagiging late storyteller.
once in a while..we become depressed for almost about everything..pero ang depression naman daw e sobrang chemicals lang sa utak kaya may gamot jan na anti depressants..dito sa US usong uso yan..hehehe.
ReplyDeleteall i can say is..explore..and find things that you'll enjoy. maraming pedeng magawa para di ka madepress. kailangan mo lang hanapin kung san ka masaya..malay mo pag nakita mo un..magbago outlook sa buhay mo.. ;)
what Johny Demonc said was owkie its true, pero dearrie wag kang masyadong mag anit-depress pills (or better yet take none.)
ReplyDeletekasi: people are here der and eberywir
(sana maintindihan mo no XD)
and dont give up as in neber eber dahil if you ever did that or ever thought of doing that, life will crumble bit by bit by bit and by bit.
i think i also experienced the same thing as you..... (lets go for a list. Your bored with your life and depressed? nothing is new? youre too 'tired'? No enthusiasm?)
if yes, all i did was to keep strong and think of happy thoughts and pray (to whoever you want.....)
whatever
-i love