Friday, September 15, 2006

Lost in Thoughts

Ano na bang nangyayari sa akin? Parang naliligaw ako ng landas. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Pakiramdam ko nawawala ang identity ko. Pagod na siguro utak ko. Feeling ko meron akong bagay na pinag-aalala pero di ko matandaan kung ano yun. Pinaglalaruan ako ng mga emosyon ko. Minsan nakakaramdam ako ng pagtataka o pag-alala pero di ko na alam ang dahilan. Nababaliw na ba ako? May feeling ako na parang meron akong dapat alalahanin na di ko na maalala. Di ko rin kasi alam ang nangyayari sa akin. Parang jumbled ang isip ko. Di ko nga alam kung bakit ako parang di mapakali ngayon e. Wala naman akong malaking problema. Natraumatize ata ako.

Ganito kasi yun. Dapat nung August 19 papasok ako sa skul pero QC day pala. Nag-aral pa naman ako ng triogonometry ko consisting of 11 modules dahil balak ko sana magtake ng achievement test. Biruin ninyo ang kapal nun! Eh kaso nung sunod na sat, Aug 26, biglang sumama pakiramdam ko. Feeling ko sisipunin ako. Yung tindera kasi sa Fruit Magic sinisipon eh di pa ata naghugas ng kamay. Nung Sept 2 naman, bday ni papa, nilagnat naman ako. Hindi pa rin ako nakapasok nung Sept 9 kasi may meeting sina papa, at dito na ko bumili ng CPU. Gusto ko na sana makapasok pero lagi namang di natutuloy.

Isipin niyo kung paulit-ulit ka nalang nag-aaral pero palaging di natutuloy ang exam, di ba mapapagod utak mo? Sino ba namang matutuwa na masayang ang lahat ng pinaghirapan mo? Sa tagal ba naman ng hindi ako nakapasok e halos nakalimutan ko na nga yung mga inaral ko pero ngayon aaralin ko na naman! Isang buwan na ang nakalipas, my gash! Kaya ngayong sabado, tatapusin ko na talaga to. Kailangan matapos ko na ang exam kahit magkamatayan na. Parang gusto na itapon ng utak ko yung mga pinag-aralan ko pero pinagsasaksakan at pinagpipilitan ko pa. Ayoko na nga ireview e. Kaya siguro nagloloko ngayon ang utak ko. Hmp! Bahala na!

Napagod na rin ang isip ko sa kakaplano e di rin naman natutupad. Nawala tuloy ang dati kong enthusiasm, ang aking high spirits. I think yun ang bagay na nawawala sa akin. Napagod na ata ako sa kakapangarap pero wala namang nangyayari. Gusto ko pa naman sana makagraduate ng maaga pero mukhang nagkamali ako. Matatagalan na naman ako. Magpapahinga muna ako. Magpapagaling muna ako sa kondisyong ito dahil kung hindi baka bigla akong himatayin o magka-anxiety attack o nervous breakdown pa. Kaya pagpasensyahan niyo muna ako ngayon. Hayaan niyo muna ako makarecover at mairearrange ang isipan ko... XP

No comments:

Post a Comment