May pasok pa nga nun papa ko. Nainis nga mama ko kasi signal no.3 na nga tapos pinapunta pa dun para sa meeting. Abnoy talaga.
Congratulations rin pala sa PAGASA! Sa wakas tama ang weather forecast.
Sa ngayon wala akong masyadong makwento. Pero ang totoo madami kaso sa sobrang dami eh di ko na alam kung saan mag-uumpisa at magtatapos. Ang alam ko lang na nanoood ako ng Ah! My Goddess. Natutuwa rin si mama dun. Tawag nga niya sa anime na yun ay Belldandy. Hehe! Nood din me Emperor of the Sea. Nagkasira nga antenna namin kaya kailangan kalikutin muna bago luminaw.
Some of my favourite stars in Emperor of the Sea.

Baek Sung Hyun as Goong bok

Lee Hyeon Hee as Jung Wa
Oo nga pala, congrats pala sa UST Growling Tigers at kay Tito Pido! Galing talaga! Si papa walang tigil kakacheer eh pati si mama nanood rin. Mas kilala pa nga ni mama mga players kaysa sa akin e. Harhar!
Ngayong meron na akong bagong CPU, back to business na naman ako. Dami ko ngang aayusing files at mga websites na nakahanay. Natanggal na nga yung fanlisting ko sa official site e. Medyo mabagal nga lang ako kumilos ngayon. Well sa akin naman ang time eh kaya walang boss dito kundi AKO. Natutunan ko na rin mahalin ang pag-aaral ko. Di ko na masyado tinatake seriously pero iniintindi ko na lang. Yun naman ang mahalaga eh.
Nakakita na pala ako ng plushie ni Gaara. Doon sa UST hospital sa tindahan ng mga panregalo. Di ako bumili. Sigurado naman akong mahal at saka kuntento na ako. Masaya na ako kasi feeling ko naman nakasama ko na si Gaara sa Fool House. Hehe!
Sabi ni mama punta daw kami Enchanted sa sembreak at mag-oovernight daw kami sa Tagaytay tapos bibisitahin ko si Ate Ivy. Sana matupad yung plano. Kung hindi naman, lulunurin ko nalang sarili ko sa mga asian horror movies! Kung tutuusin, dami ko pa nga dapat basahin libro ni Fyodor Dostoevsky. Naadik kasi ako sa Crime and Punishment niya kaya nagpahiram pa ako sa papa ko ng iba. Sa ngayon, binabasa ko “The Idiot.” Yung sa thesis ko naman, balak ko gamitin ang isang topic sa Philosophy. First time ko nga lang makabasa ng Philosophy book eh pero matagal na akong pilosopo. Hehe!
Oo nga pala, baka sa susunod bibili ako ng webcam. Kelangan ko kasi sa skul. Pwede raw kasi mag-online quiz or consultation. Minsan kasi di ako nakakapasok ng sat. Haha! Ayos!
Grabe kagabi medyo naistorbo ako sa pagtulog. Laging gumugulo sa isip ko yung video ng hippopotamus na kumakanta ng “The Lion Sleeps Tonight.” Ang cute kasi eh. Kaloka! Hay…
Alam niyo marami din talaga akong Naruto dream fics.
Dream fics - fanfiction na hanggang panaginip na lang
1. Gamabunta - Naruto fanfic. Spoof ng movie Godzilla.
2. Sugar Baby Love - Gaara X Milfeuille fanfic
3. Kisame Cookbook - Listahan ng mga putahe na maaring gawin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Kisame
Questions to ponder:
1. Di ba nagagalit ang mga authors ng bedtime stories pag tinutulugan ang mga kwento nila?
2. Nakasubok ka na ba magprito ng quail eggs?
3. Ang winning piece ba winning pa rin kahit natalo?
4. Akala ko ba ang gulay nagpapasigla eh bakit pag nakita palang ng mga bata ang ulam nila nagiging matamlay na sila?
5. Bakit walang tagalog na commercial ng sigarilyo?
6. Diba kapag sinabing “Baboy” we refer to something disgusting, eh bakit diring-diri ang mga tao sa ganung bagay eh tapos kumakain naman pala sila ng pork?
Ang Kilay ni Gaara: Chapter 2
Ano na kaya ang kahihinatnan ng mga kilay ng ating bida? Basahin ang susunod niyang adventure!
ei, I have a proposal.... gawan natin ng fanfics yang [baliw at nakakakilabot] matatalinhagang ideas mo (im refering to the dreamfics), it will be a blast!!! (+insert evil bwahaha here+).
ReplyDeleteQuestions to ponder:
1. Di ba nagagalit ang mga authors ng bedtime stories pag tinutulugan ang mga kwento nila?
Kaya nga tinawag na bedtime stories
2. Nakasubok ka na ba magprito ng quail eggs?
mas ka-ders ang quail eggs, dahil ang pato ay kumakain ng karne!
3. Ang winning piece ba winning pa rin kahit natalo?
Well, i still beleive in the quote: "Everybody is a winner!"
4. Akala ko ba ang gulay nagpapasigla eh bakit pag nakita palang ng mga bata ang ulam nila nagiging matamlay na sila?
Phsychology lang yan at gago kasing magluto ng mga nagluluto, kailangan steamed or slightly cooked ang gulay...
5. Bakit walang tagalog na commercial ng sigarilyo?
Para maiwasan ang mga taong bumibili ng sigarillyo
6. Diba kapag sinabing “Baboy” we refer to something disgusting, eh bakit diring-diri ang mga tao sa ganung bagay eh tapos kumakain naman pala sila ng pork?
karamihan lang ng tao ay kaders sa pig
as for the other questions you have reffered to me, i think icocontinue ko to sa LJ ko sige ingatz!