Saturday, June 16, 2007

Kolehiyala na!

Sa monday na pasok namin sa Informatics and sa wakas college student na rin! (Malas nga lang at sinisipon ako ngayon) I'll be taking Diploma in Computer Studies Major in Computer Science/Programming. Umattend nga kami ng orientation last Wed. Akala nga ng iba student rin si mama kasi kasama ko siya. Ang saya ko kasi kahit papaano may mga new friends na rin ako. Nagulat nga ako kasi noong nagtour kami, nakita ko si Sr. Narci, dati naming guidance counsellor sa JGSS noong elementary pa ako. Nag-aaral siya ng short course doon. Noong una di niya ako nakilala pero sinabi ko name ko. Kinamusta nga niya ako. Nakarating pala sa kanya yung kalagayan ko. Pagkatapos nga nun nagshopping kami ni mama para sa corporate attire ko. Required kasi kami magsuot nun every wed. Di pa nga kami magkasundo sa sapatos eh kasi mukha daw pambata yung pinili ko.

Ang maganda sa school ko ay yung mga major computer subjects na agad yung pag-aaralan ko. Yung curriculum namin is based in Informatics abroad kaya kung anong pinag-aaralan namin sa school ganun din sa ibang bansa, and take note, yung mga tests namin imported! Hot and fresh galing Singapore! Every subject na matapos mo may diploma na agad kaya kahit 1st yr palang natapos pwede na magtrabaho locally or internationally. But still I plan to finish 3 years if I will pursue B.S.Com Sci at Northgate. (kaso sa 3rd yr papasok uli ung mga minor subjects, shocks!) So ayun, wish me luck! I hope everything will go smoothly.

Matagal akong di nakapagpost kahit vacation so recap tayo ng mga events nung May. May 5 umattend kami ng lupus retreat feat. Fr. Corsie. Medyo nashock ako sa talk niya. It was not what I expected. Well, nameet ko uli si Ate Daryl. Siya yung fellow patient ko na dinalaw namin sa hospital. Yun yung laging nagsasabi noon na "ZERO, ZERO AKO!" Natatawa nga siya pag naalala niya. Pero ngayon ok na siya. Nagpicture taking nga kami at sinama ko rin si Dra. Reggie, yung tinatawag kong "Faith" at "Smileyface." Hehe!

Then the whole vacation, wala akong ginawa kundi manood ng vcd. Nagbasa rin ako ng books, The Trial by Kafka, Shadowmancer by GP Taylor at Stainless Longganisa ni Bob Ong na binili ko with my own money. Natapos ko na rin ang ginagawa kong Chibi Chichiri cross stitch.



Recently, wala akong ginawa kundi maglaro ng Ragnarok offline na kinopya ko mula kay Une. Naasar pa nga ako kasi biglang naghahang kaya kelangan ko irestart uli ung program. Medyo nahihilo na nga ako sa kakaikot sa Rune-Midgard. Ilang beses na rin ako nastuck kung saan-saan. Nasubukan ko palang mag-mage at merchant. Ayoko na nga magmerchant kasi magastos kung gagamit ng mammonite. Ok sana kasi pwede kang magproceed sa alchemist kaso ang dami pang requirements para maactivate at magamit yung skills.

Heto ang mga listahan ng mga pinanood kong vcds and my [comments].

- The Grudge 2 US version [Iba siya sa Japanese version. Mas gusto ko pa rin yung Jap. :P]
- Scary Movie 4 [The best Scary Movie na napanood ko so far except for 1 kasi di ko pa napanood. Ang cute ng Toshio nila dun, kamukha ni Gaara. Hehe! Meron nga akong ginawang short image story sa kanilang dalawa. Click here.]
- Penguin, Penguin, Paano Ka Ginawa? [This is a documentary film narrated by Sharon Cuneta about the life of emperor penguins in Antarctica. They have to travel miles and miles to the breeding ground and without shelter only huddling on each other they have to endure the cold, storm and hunger for months just to hatch the egg. All I can say is that I'm glad not to be a penguin. I like the soundtrack though.]
- Final Fantasy VII Advent Children [Gosh! This the best action anime film I ever watched in my entire life! I even watched it 2 times! Grabe 5 stars and 4 thumbs up kasama na yung toes nun! Cloud, Kadaj, Reno and Vincent are cool bishounens! The children Marlene and Denzel are so cute and Tifa and Yuffie are cool! I like the inserted humor too. The digital effects, hyper! Medyo nahilo nga lang ako sa bilis ng fighting scenes, di kasi ako naglalaro ng PS eh. Mostly kasi nang napapanood kong action may pagkaslow-mo tulad ng Matrix. Ngek!]
- Zathura [Ayos na sci-fi film parang Jumanji din! Hanep sa action at adventure. //^_^\\ Parang bata uli ako. hehe!]
- Land of the Dead [Di ko naenjoy kasi ang dull ng color ng monitor namin. Ang red nagiging gray kaya ang dugo kakulay lang ng balat ng mga zombie. Hmmm... ang alam ko pinapatay lang nila uli yung patay na.]
- Jeepers Creepers 2 [Yay! Not a dull moment. Nakakatense talaga! Ang pangit ng villain, parang si Kisame na pinapangit at binaboy pa ng 100 times at mukhang nalahian lang ng paniki. Grabe every 23 years nabubuhay siya para kumain. Kaya rin niyang ireplace ang body parts niya gamit ang body parts ng victims niya kahit ulo, man! Imortal! Pero overall, thumbs up sa suspense at horror! Creepy talaga!]
- Pumpkin Head [Horror story about revenge. Akala ko pa naman cute katulad ng halloween pumpkin.]

Pls. also check out my sidebar menu. I have new stuffs added, my lupus story and humor pics. Pakivisit rin yung friendster ko. I have new pics and videos! Then visit my new Pikori shrine.

My MVP (Mukhang-Very-Political) Valentine
Click here to read a fool story.

My favorite FF7 Bishounens:

CLOUD STRIFE... Totally COOL! Yan ang totoong Gwaping! Kung ganyang hitsura ng bf mo, naku ewan ko na!


VINCENT VALENTINE... Natatawa ako pag umaatake siya at nag-aanyong buhok. Naalala ko si Kayako. (Nung nanood nga ako, nawala ung phone ko sa kama. Akala ko tuloy kinuha niya. Wala kasi siya phone. Libre niyo nga siya ng Nokia, may camera at polyphonic raw!) Theme songs kaya niya ang Vincent at saka Valentine?


RENO... Maloko tong isang to. Ewan ko ba, natutuwa lang ako.

1 comment:

Anonymous said...

OMG, I love your chibi chichiri!!

Hey, this is koa, ung luka-lukang binisita mo ung website na frail-frivolity. Thanks sa comments, tytytytytytyty!!!

I've browsed (haven't actually have time to read the whole part) your blog and I have to say I'm amazed by your sense of humor and sa tyaga mo sa vcds and cross-stitch.

I love chichiri to death. And I must agree with Cloud and Reno... with Vincent, though ...^^; la lang!

College student? cOOL! Me, graduating pa lang! What's your Informatics course again? I'm planning to take up Graphics Designs at college. Good luck na lang sa life and thank you po ulit!