Friday, September 07, 2007

1st Term 1st Break

Finally sembreak na namin at natapos ko rin ang 1st term, kaso OJT ko naman kaya ilang araw lang ang pahinga ko. Pero ok na rin siguro considering da fact na parang nagbakasyon na rin ako ng ilang linggo dahil sa paulit ulit na pagpostpone ng sportsfest kung saan hindi rin naman ako kasama.

Salamat din at natapos ko yung powerpoint presentation ko kahit 200 mb ang required. Any topic naman daw pwede kaya pinili ko nudibranchs or sea slugs. Kaso hindi ako satisfied sa performance ko. Nag-english kasi ako kaya di ko masyado maexplain at maexpress lahat ng gusto ko idiscuss kay maam. Pero kahit papaano mataas naman ang bigay sa akin. Eto pala ang ilang fav pics ko ng nudibranchs...

Parang ribbon...


Cute ng kulay...


Ay, ang cute ng spots!


Caterpillar underwater...


Ang gara ng Spanish Shawl! Yan yung sa op background ko.


Glowing with health...


Parang hedgehog...


Bangis ng kulay ng Spanish shawl!

Spanish dancer.


Mmmm... lasagna!


Opening image ko sa gallery slide show.


Looks so furry!


Ooooohhhh...


Icy cool


Tinubuan ng madaming tumor.


Feathery!


Parang centipede!


Flabellina


Cyuute!


Fish fillet!


Nudibranchs mating



Nudibranch eggs







Talking about school, ok naman. Masaya rin kahit papaano at kasundo ko mga classmates ko. Bago na rin pala ang mga course consultants namin. Wala na si Sir Val at si Ms. Grace. Si Benjie nga pala hindi na pumasok simula ng finals. Kaasar, di man lang nagpaalam. Akala ko tuloy baka kinidnap na siya ng mga alien. Kakamiss asarin, pagtawanan at pagtripan. Tsktsktsk... Nabawasan tuloy ako ng isang katropa. Sayang at di rin siya nakasama nung nagpunta mga kaklase ko sa bahay para magpractice sa news reporting.

Recently, naadik ako sa kakadownload ng mga videos lalo na sa crunchyroll. Nakakuha ako ng flv grabber at flv player kaya panay download ako sa computer lab namin. Salamat sa flash drive ko. Hehe! Mapapanod ko na rin sa wakas ang Shippuden at ilang mga anime at horror movies na gusto ko, pati south park at happy tree friends, atbp. Di na nga ako masyado nanonood ng tv. Kung meron man, Kyle XY nalang. Astig kasi ang kwento. Sayang nga di ko nasimulan. "Weird is great!"


Tuwing wala nga kaming klase nagagala lang ako at bumibili ng kung anu-ano. Hehe... Mukhang naikot ko na ata buong rob ah. Hmmm... ayun lang.

1 comment:

ADwight said...

gravacious ang mga pics mo hah! Grave ang dating! Awsome Descriptions! OO nga pala nagbago na me ng blog: http://arelente2.blogger.com

Ingatz ka ha!