Saturday, September 29, 2007

Ang Mahiwagang Bolpen ng Video City

Second term na! Meron kaming bagong teacher, si sir Welmer. Meron ding bagong classmates, meron ding nalipat sa ibang batch at meron ding nabago sa schedule at lalo na sa subjects.

Values Eduation MWF 10-12pm
SQL MWF 12-2pm
Program Design TTh 12-3pm
C Programming TTh 3-6pm

At syempre ang thesis namin ngayong term ay gumawa ng sariling system or program.

Classmates ko parin si Kuya Noel, Melissa, Kris Leigh, Klariz, Abbie, JJ at si Ate Rina. Late na nga mgenroll ang mga bonggang bonggang sina Kuya Noel, Klang at Ate Rina. Nung unang araw medyo nalungkot me pero nung dumating sila ayun naging makulay na uli ang buhay! Pero lalong gumulo dahil dumami ang mga pasaway. Kaso miss ko pa rin ung dati kong clashmates.

Sa VE, pinakwento kami ng mga inspirational stories. Ginamit ko yung kwento ko. Bigla kamong napaiyak si Maam Mich! Natouch din ako sa kwento ni Kuya Jhon. Dati siyang aethist na nagbago dahil sa art teacher niya.

Btw, binilhan na me ni mama ng digicam dun sa Wellcom. Premier (Kingcom) yung tatak. 3+ lang siya at tamang tamang last stock nalang ang naiwan. Shucks, buti nalang naunahan ni mama yung isang customer kundi papabili ako sa kanya nung mas mahal. Hehe...

Sabi ni mam robe, lalo raw akong gumaganda. Sabi ni klariz kasi wala na si benjie. Ang say ko naman eh dahil yun sa mahiwagang bolpen ng IFM este yung mumurahing clip na binili ko sa filinvest. Apat na nga ang burluluy ko sa buhok: ponytail, ribbon, at 2 hairclip. Eh paano ba naman kasi eh bumubuhaghag nang bonggang bongga! Actually asar ako kc di pa rin ako nagrereduce ng bonggang bongga. Ayoko naman magtreadmill at hinihingal ako. Di ata sapat ang maghagdan paakyat ng 4th floor... paano ba yan?! Pero dibale na nga, at least gumanda ang sulat ko dahil sa mahiwagang bolpen ng video city, libre paghumiram ka ng 4 na vcd!

Btw, may video ako. Ito ay tungkol sa isang kakaibang uod na merong kulay konkretong shell. May dalawang butas ito sa harap at sa likod. Kapag hinarangan ko ang isang butas, sa kabila siya lalabas. Kung alam ninyo ang nilalang na ito, pakibigay alam nalang sa akin. Tenkyu! (Pagpasensya nyo na kung madilim at malabo ang video)

1 comment:

ADwight said...

Napa-advance mo naman! kung gumaganda ka, gumaganda ka!

I believe na kung step by step traing ka lang eh lalakas ang endurance mo and you can make it to the 4th floor!

ingatz lang...