Tuesday, December 11, 2007

Iskul Baktol



Yeah, bakasyon na! Aga no? Buong dec namin bakasyon! Malas nga lang at sinisipon me ngaun. Di tuloy me nakaattend sa Xmas Party ng Lupus Club. Sabi pa naman ni Ate Daryl na naipublish na sa Soaring Butterfly ung article ko. Php 500 din un. Tsk!3x

Ah basta, salamat nalang at natapos ko rin sa wakas ang project ko sa C programming. Dapat recipe organizer ang gagawin ko nung una, kaso sabi ni Sir Welmer mahirap daw ung mga codes at wala sa scope ng mga pinag-aralan namin kaya nagpalit ako ng system. Tenx kay Daryl aka. Tomoe sa pagpayag na gawan ko ng system ung zettai anime.

Actually, nagulat nga aku nung isang araw ng biglang pumasok ako na walang kaalam alam na scheduled final defense na pala ng batch namin nun. Di ko napansin na pinost pala sa bulletin ung announcement the day before. Akala ko pre-defense palang naman kaya di ko naghanda. Pagkakaintindi ko kasi na ipapakita ko pa muna yung documents. Buti nalang wala pang nagdedefense sa batch namin kahit ang schedule ay 8-12 ng umaga. 3pm na nga ako pumasok kasi nag-ikot muna kami ni mama sa rob at saka nagpagupit pa ako buhok. Natakot ako kasi sabi may minus na raw kung sa ibang araw pa magdedefense. Sabi naman ni sir, pwede pa raw humabol ngaun. Itetext ko sana mama ko pero buti nalang di pa sya nakauwi kaya nasabi ko agad. Umuwi na muna siya para ihatid ung formal attire ko.

Tinatanong nga ng mga classmates ko kung nagpagupit ba talaga ako para sa defense, hehe, wala nga akong alam eh. Ang galing nga eh! Ang tagal ko pa nga magdesisyon nung umagang un kung magpapagupit ba ako kasi gusto sana itaon na nga rin sa defense ko. Mga halos 5pm na ata nagstart ang defense. Apat lang kami: si abbie, ako, melissa at si Ate cris. Nagulat nga ako nung lumabas si abitot na umiiyak.

Si maam vicky ung panelist ko. Patapos na ako nung pumasok si maam robe. Nagloko pa nga nung una ung pc ng paggamit ko. Dinadaan daan ko nalang sa tawa. Andami nilang tanong pero alam ko ginawa ko naman ang lahat para ipagtanggol 'tong project ko. Ginawa ko naman kasi ang best ko. At least naman, may natutunan din naman me sa kanila. Kaso sabi nga ni sir, akala raw ng mga panelists na advanced na kami kaya medyo mahirap ung mga tanong at ung mga pinapagawa nila. Sabi ko nga, simple lang ung system ko at di naman talaga pangmalaking company saka di talaga tested para sa maramihang data. Basic lang naman kasi ang mga tinuro sa amin at isipin mo naman ang course in just 3 months no! Hinanap nga sa akin ung screen captures at source codes pero tinuro ko si sir na sabi niya kasi wag muna iprint. Beh! Gusto pa ngang gawin ni maam robe na imask ung password, as in asterisk ang lalabas. Sabi ko hindi tinuro un. Sabi niya research ko daw. Naresearch ko nga sa isang forum at sabi imposible raw un sa C. Sabi naman ni sir di na rin daw kelangan gawin un. Tinanong rin pala sa akin na kung irerate ko ung proj ko, 1-10 ilan daw? Sabi ko 9. Sabi nila sobrang taas naman daw, eh kinopya ko lang naman ung ibang codes. Eh di sabi ko 8. Antagal ko pa nga magsalita kasi gusto ko sabihin 8.5. hehe. Antaas ng tingin ko sa proj ko no? Eh kasi pinaghirapan ko. At saka if ever na alam ko pa sana ung mga advanced codes eh di sana lalo ko pang napaganda, kaso nga limited lang knowledge namin at sobrang kulang na sa time. Tenk u talaga ke Lord at nalagpasan ko rin ito! Buti nga late na rin nagsimula dahil kung pumasok man siguro ako ng 8am dun eh sayang lang rin ang buong araw ko kahihintay.

Kahit maiksi ang term 2, naging masaya naman ang skul lyf ko. Nadagdagan kami ng 2 bagong kabatch, si Hans (saksi ni baho raw ayon kay Kuya Darcy) at si Michael aka. Mikulangot Vantot Market Mapauis!

Si Michael ang nagpauso ng mga jokes tungkol sa batch namin. Heto nga ung joke niya tungkol sa kin:
Sino ang kaklase natin na paborito ni Noli de Castro?
Si TP Patrol!


Naging uso rin sa batch namin ang pababaktulan. Hehe, ung tawagang "Baktol" at ung expressiong "Maasim!". Pinasimulan ito ni kuya darcy hanggang sa magkahawaan na. (Originally, Baktol ang tawag ni Kuya Dharz ke kuya noel.) Mabaho nga lagi expression ni kuya darcy. Lagi pa niyang sinasabing 'natatae ako' o kaya 'uutot ako'. Kinakanta pa nga niya yung Mayahi at ginawa nyang 'Tumae aki, tumae ako...'. Eto naman si Hans over tawa sa salitang baktol. Ako lagi ang tinuturo niyang tawa nang tawa eh siya nga itong may tawang umaalingawngaw sa buong room. Che, Baktol!

Nkakainis na nga ung internet namin. Lagi hinaharang ung pag-install ko ng orbit. Di na tuloy ako makadownload ng videos sa crunchyroll. Feeling ko tuloy nalugi ako ng sampung beses! Arggh@!!! Sayang talaga.. huhuhu. //T_T\\ Andami pa namang pangarap na madownload na anime at asian films! Waaahhh... Ang isa pang problema eh ung pagkalat ng mga virus na nakakasira ng diskette, lalo na ung kim, ravmonE, at UST scandal. Marami nang biktima ng mga lecheng virus na ito at kasama na ako. Andami ko tuloy nasayang na diskette. Kakainis pa kasi dun sa room B walang USB port.

Sa ngaun, ieenjoy ko muna ang mahaba kong bakasyon! Wala akong gagawin kundi manood ng cd... Yehey!

No comments:

Post a Comment