Mewi kwismas and a happy new year, prends... Katatapos lang ng bday ko nung 22. Naalala ko na kung anong japanese resto ang kinainan namin last yr. Sa Omakase! Yep, bumalik nga kami at dis time sinubukan ko na yung sea urchin tempura nila. Ngeee, kadiri. Di ko nga maintindihan ang lasa. Me mga madulas na mga galamay sa loob. Parang ngang kumain ako ng isang kakaibang nilalang galing sa outer space. Nilunod ko nalang sa kikoman ung ulam ko. *coughs* ayoko na... Well, tenk yu sa mga bumati. Hehe... I dont wanna believe im 20 na. No way!
Kakalungkot nga ang buong pasko ng mga relatives ko. Pumanaw na po kasi si Tito Bobby namin nung dec24 lang ng gabi. Hindi na umabot kahit xmas man lang. Sayang nga di man lang ako nakasama sa lamay o cremation. Shucks, wala man lang akong xp. Matagal ko na rin di nakikita mga pinsan ko. At least, sa langit wala na siyang sakit at problema. Nakakatuwa nga kasi nung lamay, habang nagbabantay si Tita Susan may narinig daw siyang tumawag nung pangalan niya. Natawa nalang daw siya. Si Ate Tricia (tama ba o c ate Erika, hehe) nung mag-isa lang siya, nakaamoy daw sya ng mabangung bulaklak pero nung inamoy daw niya yung mga pumpon ng bulaklak eh di naman dun galing ung amoy. Di bale, magiging masaya na si tito sa kabilang buhay. //^___^\\ Till next time, tito...
Wala naman akong masyadong ginawa kundi magpakalunod sa unlimited myisp internet,hehe. Binabasa ko din ung The Idiot ni Dostoevsky habang wala pa akong mahiram na HP: Deathly Hallows. Syempre eh di rin ako magpapahuli sa mga cd. Ang masama lang nito eh wala na ung video city sa rob. Yep, wala na akong mapupuntahan duon! Shux! Dami ko pang di napapanod. Dun pa sila nagtayo sa malapit sa Lotus kung saan sandamakmak ang mga pirata. Mga engot! Lalo silang lalangawin,pre! Ang ganda pa ng mga bagong peke, eh mga 20+ movies sa isang dvd. Biruin mo yun. Eh di syempre saan ka na? Ang sama lang eh, ung quality di sigurado, di nag-ata nag-aral ng english ang nagsubtitle at syempre ung salita eh hindi tugma sa tunog (nagmumukha tuloy dubbed minsan), and last hindi ko mapanod sa pc kasi cd-rom lang ang meron sa computer.
Heto ang title, rating at comment ko sa mga palabas. Sori tamad ako gumawa ng summaries. Search niyo nalang sa net, k?
Midori No Hibi (anime) - 5/5 - Sobra halakhak ko sa mga unang episodes at sobra naman iyak ko sa last ep. Very cute anime!
Battle Royal 2 - 3/5 - Mas recommended ko pa din ung Battle Royale 1. Thumbs up sa bishonen na si Nanahara Shuya (Tatsuya Fujiwara)!
Abnormal Beauty - 4/5
Art of the Devil - 4/5 - Ang ganda ni Boom (Supakson Chaimongkol).
Haunted Doll Jelangkung - 0/5 - Blair Witch type of horror pero di ko alam kung bakit nagclick ito sa Indonesia. Bad subtitles, masyado maliit ang font size and sobrang mabilis ang switching of scenes. Sana di ko nalang binili sa odyssey.
Haunted Doll 2 - 3/5 - Much better than the 1st one.
Parasite Eve - 2/5
Ghost Within - 4/5
Shinobi: Heart Under Blade - 5/5
Yoyo Girl Cop - 2/5
The Maid - 2/5 - Medyo usual horror scenes sa umpisa pero pinakamaganda yung twist sa ending.
Three - 3/5 - Pinakamaganda ang 3rd story 'Going Home'
The Machinist - 4/5 - Very Good acting.
HP: Order of the Phoenix - 3/5 Mas appreciate ko pa din ang basahin ang buk.
Resident Evil Extinction - 5/5 - Da best of the 3 movies i have watched
Enchanted - 5/5 - Wonderful rennovation of disney movie. Recommended for the whole family.
Catacombs - 1/5 - I only liked the last part. Buong 2 hrs mauubos ang oras sa scene na habulan at pasikut-sikot sa loob.
Underdog - Sori cannot rate, di ko naappreciate masyado.
Balls of Fury - 2/5 - Funny pero kulang pa din sa action and style ng pagpalu ng balls
The Seeker - 3/5 - Mukhang maganda pero masyado madilim nung pinanood ko sa screen namin.
Evan Almighty - 3/5
Martian Child - 1/5
Flood - ... - No comment
Gud lak nalang sa Year of the Rat, my prends... May the rats be with you always!
No comments:
Post a Comment