Saturday, January 19, 2008

Out of Place

Hay... nakakaramdam na naman ako ng pagka-op sa klase. Baka siguro namimiss ko lang yung mga dati kong batchm8s. Gusto ko rin makihalubilo pero hindi pa naman me ganun kabilis makisama. Naiinggit tuloy ako sa iba. Ano kayang meron sila? Paano kaya nila nagagawa yun? Feeling ko tuloy di na ako ganun kaimportante. Pero maaaring kelangan pa rin nila ako bilang lider o taga-korak lang ng kanilang mga gawa. Ganun naman palagi role ko eh. Kaya kung wala na sa iskul, mukhang di na nga nila ako kelangan. Siguro kung wala akong kaibigan duon eh tuluyan na nga lang akong magiging loner. Nakakadepress talaga. Ugali ko na nga ang di mapalagay sa sa mga taong di ko kakilala. Di ko kayang magpakatotoo sa maikling pagkakataon lang. Nakaramdam rin naman me ng ganito nung 1st term pero syempre may mga matiyagang naghintay, umasa, naniwala at nag-udyok sa akin na makisama kahit sa munting paraan lang. Dahil duon nag-improve ang aking social life. Pero unti-unting naglaho ang ilan sa kanila at nagkawatak-watak ang batch dahil sa schedules. May mga natira ngunit hindi sapat ang powers nila para ibalik ang dati kong sigla. Ang tanging nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon ay ang aking pangarap, iilang mga tapat na kaibigan, ang pagkakataong binigay ng Diyos, ang mga teachers na nagtitiyaga sa aming kakulitan at ang pagod ng aking mga magulang. Alam kong hindi ko dapat iasa sa iba ang takbo ng buhay ko, pero hindi ba mas maganda kung pagdating mo sa eskwelahan matatanggal lahat ng pagiging sobrang seryoso mo at insecurities sa mundo dahil sa inyong mga pinagsamang biruan, halakhak at tawanan?

Gusto ko rin namang patunayan na meron din naman akong maibabahagi sa kanila maliban sa pag-aaral. Gusto ko rin makihirit paminsan-minsan pero madalas napupunta lang sa wala. Para rin kasi yang punchline, dapat tama ang timing at pagkabitaw. Mawalan lang ng isa dito, supot na. May mangilan-ngilan pa rin namang makikinig, at yun ang good old loyal friends ko. Gusto ko kasi yung nagpapatawa ako na parang paputok na bigla nalang sasabog. Madalas ko lang ito nagagawa dahil sa bugso ng damdamin sa panahon na wala akong pagdududa sa sarili o pagiging self-conscious. Mahirap naman pilitin kung wala sa mood. Di pa siguro napapanahon. Mukha ba akong paimportante? Inaamin ko talagang kailangan ko ng encouragement mula sa iba. Gusto ko intindihin nila ako pero at the same time maiparamdam nilang lahat na kasapi rin ako ng grupo. Ang tanong, magagawa ko ba uli maging tulad ng dati?

Pero sa lahat ng ito, nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ng Diyos sa aking mga malalapit na kaibigan. Recently nakatanggap ako ng thank you letter mula kay Ate Cris. Da first time na idinedicate ng isang kaibigan ko ang project nya sa akin. (Noon kasi lahat ng mga inaakala kong bestfriends, hindi ako binigyan man lang ni isang sulat sa lahat ng English activity namin na letter writing.) Si Mikul naman nagsend sa akin ng isang nakakatouch na personal email. Si Klariz talagang binili ang naruto necklace bilang xmas present ko. Niyaya rin nila ako na sumama sa kanila kumain sa pizza hut na libre ni ate cris bilang celebration sa pagkapasa namin sa C prog.

Ummm... basta panibagong yugto na naman ito ng buhay ko bilang kasapi ng batch3. I am now here. There will be no turning back. All I know is I gotta keep moving on no matter what. Only God knows why He created me this way and if He wants me to be who I am now then so be it.

Lord, let your love and guidance be my source of strength and courage to face the world. Don't let the others pull me down. Don't let me be worried about things that are unnecessary. Please let me be who I should be and let me be the best that I can be in every situation. Make me remember the good person that I am, the one you truly love. May the lonely times remind me that my fate is in your hands and that you can turn everything around as you wish. And in the dark, grant that I may see the light that shines above my little soul to show me how special I really am in your eyes, and guide me truly to the path you have prepared for me. Amen.
SmileyCentral.com

No comments:

Post a Comment