Di ko naman masisi ang kasamaan dahil partly meron naman ako kasalanan sa sarili ko. Pinabayaan ko kasi ang sarili ko noon. And besides, feeling ko nga mas natuwid ang buhay ko simula noong nagkasakit ako. Parang some kind of awakening para sa akin ang mga naging experiences ko. Malakas kasi ang kutob ko na kung hindi nangyari sa akin ito, possibly I would still be the weak, shy and StUpiD old me. Maybe if it never happened possibly baka namatay nalang ako sa sobrang stress and depression sa buhay at maaring nagkawatak-watak nalang pamilya ko. I've gone through many difficult times but they're were nothing compared to the blessings God has given me during those times and it made me feel more special and loved than before. And if ever I just I have started this blog before, I would have recorded every single piece of feeling I had during those difficult times. Actually I felt that all I ever needed was given to me and sometimes ironically, I feel luckier than the other people around me. (But still of course, I still can't let go of my personal wishes and wants, hindi ba? Kita mo naman wishlist ko. Asiiiim!) Sabi nga ng mga kapwa ko LOBO (uy, parang Angel Locsin ahH!), kailangan mong kaibiganin yang sakit mo dahil kung kakalabanin mo siya lalo ka lang lalala. Kung ayaw niya ng araw, e di wag magpaaraw. Ayaw niya ng stress, wag magpagod. It's just the matter of taming it. We're carrying it through lifetime so we should know how to control it. Kumbaga, don't let it control you! Actually, umattend nga ako ng lupus advocacy wik celebration nila sa SM by the bay sa likod ng MoA. Presidential Decree na kasi na every Feb2-8 Lupus Advocacy Week. Late na nga kami nung meeting sa UST tapos late na rin kami nakarating sa program pero at least naabutan ko ang FirewoRkx!!! Ang gandaH talga, promise! Kaiba ang feeling pag actual na pinapaputok sa harapan mo. Yung umpisa nga para silang mga red balloons sa langit, tapos yung isa parang mga flowers na may pollen at yung favorite ko yung stardust sa langit!!! Hay... sana nga di ko na kinuhanan ng video. Eh kasi nadidistract ako sa digicam kaya hindi ko masyado mafully feel ang moment. Mas maganda talaga pag actual kesa replay... Makaattend nga uli ng fireworks display. Sabi nga ni mama dapat ganun nalang pag new year, kasi ang pangit pag kalat kalat sa kalsada nagpapaputok. Mas delikado un at ang tendency eh magtago nalang sa bahay at baka matamaan pa ng ligaw na bala. Dahil kung merong ilalaang place para sa fireworks display, dun mo lang maappreciate ang fireworks as a work of art. Meron nga din waterworks dun, eh fountain pala hehe...
Minsan, sabi ni Mikul sa akin na 'Simple lang akong bumanat pero tagos hanggang buto.' Ngek! Mukhang lumalabas na naman ang aking other side. Di ko kasi minsan mapigilan eH... hehe!
By the way, we're all going through adjustments this term. Marami kaming bagong teachers, sa english, sa java at recently sa data structs. Actually I'm having problems w/ our eng teacher kasi marami siyang tinuturo na contradicting sa standard grammar lessons namin dati. I consulted our lectures w/ my other english teachers that I know and they said talagang maraming mali. I sometimes, end up debating in class and minsan mga kaklase ko na ang nagkakagulo. I can see naman na he's good with expressing his feelings and masaya sanang kasama at kakwentuhan si sir. Nung una, asar ako, pero ngayon mukhang di ko na alam ang dapat gawin... *sigh* Sa Data Struct naman, nakakalito na. Kainis kasi si sir Welmer, iniwan nalang kami sa kalagitnaan kung kelan malapit na ang prelims. Sana tinapos nalang niya ang buong term. Mamimiss ko tuloy kalokohan nun! Medyo mahina kc ang boses nung bago namin sir at englisero pa. Kulang lagi sa explanation at lagi di ako satisfied sa discussion. Disappointing talaga. Next wik na ang prelims and shux...
Recently, im addicted to ym audibles, and Cinnamoroll... He's so cute! Watch the cinnamoroll video here:
No comments:
Post a Comment