Wednesday, April 02, 2008

The Last Enemy that Shall be Conquered is Death

Kamamatay lang ng aso naming si Twinkle nuong gabi Monday after Easter. Nalason kasi last week ng Dora. I Can't Nagalit nga si mama ke papa kasi naiwan niya ung lason sa daga sa lapag tapos nakalimutan at napakawalan ung aso. Nakita nalang na nagkalat nalang ung lason sa lupa. Akala naman daw ni mama di raw tatalaban si Twinkle at saka di naman daw kasi talaga nakita na nakakain nga ito. Nung gabi pa nga tinawagan ko si Prince dahil may vet clinic sila. Sabi niya bigyan daw ng asukal at hilaw na itlog para magsuka. Pero alam ko rin namang huli na rin ang lahat. Isang week na ang nakaraan ng inassume kong nakakain siya ng lason at usually ang dora takes effect a week after. Maaring naagapan siguro kung pinasuka agad kumain man siya o hindi ng Dora. Kawawa nga, nanginginig kasi at nanghihina. Tapos, ayun nung madaling araw, kinuha na rin ni Lord. Mabuti raw sana kung namatay siya sa katandaan pero nakakainis daw talaga dahil sa kapabayaan. Di nalang ako naimik. Lagi nga nangungulit si mama na hingi daw kami ng bagong tuta. Nakakalungkot daw kasi na wala nang aso. Kaya ayun, lahat ng kakilala ko inemail, tinext, at pm ko, pati nga sa PAWS nagtanong na rin ako tungkol sa pet adoption. Swerte nga at meron kaming kapitbahay na merong alagang tuta. Balak nga niya ipatapon nalang pero hiningi nalang ni mama. Kaya ayun, meron na uli kaming bagong tuta. Halos di pa nga kami magkasundo sa pangalan. Gusto ko nga dapat ipangalan nung una Harrot (kasi maharot) tapos naging Clover. Si mama't papa tawag nila Buchokoy *sweatdrops*. Sinuggest ko na Harry Puppy (Poopie) nalang kasi merong marka sa noo. Tinanong ko ke mama, paano kung lumaki na eh di Harry Doggie na? Dangligalig ng tuta kaya ang hirap kuhanan ng picture. Matakaw din. Matakpan lang niya ng anino ung tinapay, bigla nalang naglalaho ng parang bula ung pagkain. Nakadalawang serving pa nga un ng corned beef nung unang gabi sa amin.

Sa wakas natapos ko na rin ang Harry Potter and the Deathly Hallows. The final book was PURRRRRFECT!!! Ayeee... Rolly 3Actually, ang title ng post ko na ito ay galing mismo sa book. Umm... sa totoo lang more of a HP book fan ako and not of the movie. I long for the day na gawin nilang anime yun tulad ng Powerpuff Girls Z and other classics. (Wag sana americanized cartoons). Sa totoo lang, tuwing nakikita ko si Eriol sa CardCaptor Sakura, lagi ko naiisip si Harry Potter. Minsan pa nga habang nanonood ako ng CCS, napagkamalan ni mama na si Harry un. hehe!!!

Eto ang sample HP amv (op/ed theme) ng isang fan. Kulang nga lang sa characters pero ang effect niya ay pang-anime talaga. Astij ang gumawa nito! Sugoi!!!

The song used is Vivid taken from Final Fantasy Unlim. Rock on!


AMV ng Marauders: James Potter and his friends. The song is Madan by T.M. Revolution.Ü


Eto naman ang iba't ibang fav styles ko ng HP anime fanarts... (courtesy of deviantart)

Classic anime style

Akazukin Chacha ba ito?


Eriol? o_O


Harry and his pet owl Hedwig

HP chibiness


Trinity, ek joke lang!

The Marauders: Ang F4 ng Hogwarts

Nakuwento sa akin ng friend ko na meron siyang kaklase na halos makipagpatayan dahil ininsulto daw ang HP. It brought me back memories... meron din akong mga kaklase na pinagtatawanan din ang HP sa dating skul namin. Di ko lang pinapansin. Napalingon lang ako sandali sa kanila, at bigla silang nag-sorry sa akin, dahil alam nila (obviously bilang classmate nila) na ako mismo ang nagcosplay kay Harry Potter para sa book parade namin. Nginitian ko lang sila at nagpanggap na wala akong narinig sa mga tawanan nila. Wala ring silbi makipagtalo sa mga tulad nila kasi nga wala nga naman silang alam. Hindi naman sila nakapagbuklat o nakapagbasa ng kahit isang libro kaya hindi nila maiintindihan. Hay naku, 'God, forgive them for they don't know what they are doing'. Sabi nga don't judge a book by its cover and siguro idagdag na rin natin na don't underestimate a book by its movie, which brings another saying don't judge the movie by its actors. (which reminds me i have to read The Fall of the House of Usher by Edgar Allan Poe para maappreciate ko ang movie)...

Quote by Edward Juan, webmaster of Hocus Pocus: A Harry Potter Website
" Before I know Harry Potter, I saw my sister reading the Philosopher (sorcerer) Stone, I saw the cover and ask her what the book is about. She told me that it is fasinating and really fun; I didn't believe her. I even said the book is only for "her" type of person. That was until I was really bored the next day and saw the book on her desk. I picked it up and start reading it in her room. I was reading it until she got home and caught me in her bed reading Harry Potter. She kicked me out but I ignored her and asked if the next book was out yet. I guess I've learn that I should not judge something without trying it out first. :P"

Sana maging discerning naman sila sa mga salita nila. Kahit ang mga simpleng mga paborito o hilig ng isang tao wag mo basta basta husgahan at dustahin dahil you could have hurt someone's feelings (unless you're primary intention is to maliciously hurt the feelings of that person or maghanap lang talaga ng away. Siguro kung may official debate, excused yun). Dahil para sa taong yun maituturing na rin nilang isang mahalagang parte na un ng kanilang pagkatao. Let them be. Kung di naman nakakasama at nakakasagasa sa iba eh bakit mo pipigilang iexpress ang sarili nila. Dahil if you don't watch your words, mangongolekta ka lang din ng madaming kaaway. Sabi nga rin sa isang fanfiction, kung mang-iinsulto ka lang, wag ka nalang mag-comment. Di naman sinasabi na bawal ang freedom of speech. Tolerance, respect at moderation lang ang gusto nilang iparating. Diba, don't do unto others what you don't want others to do unto you. Gugustuhin mo bang insultuhin rin ang mga hilig mo? Syempre ipagtatanggol mo rin yun diba?

Sabi nga sa isang kung anuman yon... "Wag mo sila pansinin. Di ka nila kilala nang lubusan kaya sinisiraan ka nila." Parang durian, di mo pa nga natitikman, ayaw mo na agad kasi mabaho. (pero sa totoo lang para sa akin, di naman ito mabaho, masarap at masustansya pa!)

Dati nga pinaparinggan nga ako ni mama tungkol sa panonood ko ng anime kaya pinaringgan ko rin siya sa panonood niya ng telenobela. Sabi niya, syempre libangan niya. Then likewise! Simula nun, hindi na ako pinapakelaman pag nanood ako ng anime.

Naalala ko nga si Klang habang nakikinig ng mga anime mp3. Tinatanong siya ng mga classmates namin, "Klariz, anu ba yan? Naiintindihan mo ba yang mga kantang yan?" If they only knew na kahit gaano ka-headbanging at hard rock man ang anime music, di hamak na more wholesome, poetic and meaningful ang mga lyrics nito kesa sa mga modern music ng mga kabataan ngayon. It makes it even guilty to think na kahit alam natin na di na nga maganda ang mensahe at words ng mga sikat na kanta eh todo pa rin tayo sa pagbirit at pagsuporta sa mga ito.

Ganyan talaga, maraming hypocrites sa mundo or sad to say na marami sa atin ang di nakakaalam na nagiging hipokrito na pala tayo. Aminado ako na wala akong pinagkaiba pero mas lalong di ko rin maiwasang mapansin ganun din tayo lahat, sinasadya man o hindi. Makes me want to believe it is a part of our weakness of human nature. Annoyed And Disappointed

Hanga ako sa mga taong may self-control at nanahimik lang kahit nasasaktan sila sa mga sinasabi ng iba... silang marunong bumalewala sa mga itinitira sa kanila... pero mas hanga ako sa mga taong kayang patumbahin at gisingin ang kamalayan ng umaapi sa kanila gamit lang ang mga matitinik ngunit mga makahulugang mga salita... Sabi nga ni Sir Dame, kaya namang idaan sa humor or indirect statements ang gusto mong sabihin at palabasin. Pero minsan kelangan talaga pulutin ang putik na ibinato nila pabalik sa kanilang mga pagmumukha, para makita nila kung gaano karumi ang inihagis nila sa kapwa nila. Ang masama eh kung hindi nila matanggap na ang isinoli mong putik ay galing sa kanila. If silence means yes, then nobody can't deny the power of words.

Nanonood din pala ako ng Hana Kimi. Nakakatuwa talaga! Mas gusto ko panoorin yung Japanese vrs. kasi mas cute ang mga characters duon! Nakatsu even reminds of me of my former classmate. Nakita ko rin yung commercial ng taiwanese vrs. kaso di ako interesado. Naaasiman kasi ako sa mga hitsura ng mga characters duon parang mga taga-ibang planeta. Sickened Alam ko sasabihin niyo sa akin don't judge... "And why? Because I can!"

My favorite pair, Ashiya (right) and Nakatsu (left)!!!






1 comment:

ADwight said...

Those are really strong words. You're so inspiring. Long Live Tippie!

I really love to do CONSTRUCTIVE criticisms because there good, however I must be prepared and always on my toes because I might be beaten back!