Saturday, June 14, 2008

Iskulitan time agen

Pasok na namin sa mon. OMG! 2nd yr na rin ako at sa 3rd sem namin gagawa na kami ng totoong thesis -- isang program at system. Panibagong paglalakbay na naman sa college. At may mga panggabing subjects na rin. Aabutin na kami ng 7-8pm ng gabi. Yikes...

Backtrax muna tau sa bakasyon. Well, heto nagkasipon na naman uli. Hekek... Pero effective talaga uminom ng maraming carrot juice kasi hindi lumala yung sipon ko. Natapos ko na rin gawin yung 500pcs na puzzle at nai-frame na sa sala. Glow in the dark nga eh. Mas gusto ko sana ung under the sea kaso si mama gusto yung bahay. Kaloka gawin pero naenjoy ko rin. Inayos kasi nung summer yung bahay. Nilagyan ng bagong sahig, dingding at kisame kaya dapat bago rin sana ung mga decorations. Binilhan din pala ako ni mama ng mp3 player. Ü Nagpabili ako kasi nababagot ako tuwing naghihintay sa clinic. Marami rin akong pinanood na magagandang vcd tulad ng 1408, Memoirs of A Geisha, House of Wax, Hannibal Rising at mga asian horror na ndownload ko sa crunchyroll.

Bumili rin ako ng dalawang makakapal na libro about writing and literature. Marami pa kasi akong dapat matutunan tungkol sa pagsusulat ng mga stories. Narealize ko na di madali ang makagawa ng effective na story dahil marami kang rules na dapat sundin or else irereject yung gawa mo. Dapat marami kang alam na accurate, descriptive words para mas effective ang imagery, feelings, and sensations sa story. Importanteng katabi mo palagi ang dictionary at thesaurus. Marunong ka rin dapat mag-organize ng mga ideas. Yung characters dapat may distinguishable personality traits at consistent throughout. Yung dialogue dapat natural, meaningful, and straight to the point at pinapakita ang ugali ng mga tauhan. Kelangan din magresearch sa mga facts related sa kwento mo dahil dapat logical at may sense parin ito kahit fiction. Dapat sunod sa main theme ang story at sunod sa usual story patterns -- exposition, rising action, climax, denoument, resolution. At isang point of view at tone ang dapat gamitin. Ang problema ko kasi is medyo kulang ang vocabulary skills ko at masyadong general at basic lang ang mga words na madalas kong gamitin. Nahihirapan din ako sa characterizations kaya madalas puro anime characters ang mga modelo ko sa mga stories. Sabog din ang kwento ko kasi lagi akong may writer's block. Dapat kasi lahat ng ideas na biglang pumasok sa isip dapat sulat agad. Eh ang problema eh madalas pumasok ang mga ideas ko sa maling oras at panahon tulad ng oras ng pagtulog, oras ng pag-aaral o kaya pagbiglang nagigising ng madaling araw. Kung fanfic lang na comedy or tagalog kayang kaya kong gawin pero pag english eh dun na ako nagkakaproblema. Madalas hanggang imagination nalang dahil di ko alam kung paano iexpress in words. Nanghihinayang tuloy ako. Kaya heto me at gumagawa ako ng word lists at nagbabasa ng mga short stories para may matutunan naman kahit papaano. Nagkakatambakan na tuloy ng mga libro at notebook sa mesa ko.

Oh well, sige, next time uli at me sira net/pc ko lagi napuputol at kelangan ko pa restart . Asar! Kelangan ko na matuto magreformat... X_X

Heto ang poging-poging pug sa petshop.

1 comment:

Anonymous said...

miss ko animegagzone