Friday, August 08, 2008

Miarrrhh!!!

me0w, new chapter of life for me. maraming mga nangyaring hindi inaasahan at mashado naging busy na din tlaga kaya di nakapagblog ng matagal. me0w! Nung umpisa ng 1st term nagparaspa si mama. Natagalan pa nga sa hosp kasi kinabitan pa ng cateter, nasobrahan ata sa anaesthesia kaya di siya makaihi. Si Karen, dati kong kaklase at graduate ng nursing, yung nagbantay kay mama. Di pa nakatulog maigi si mama kasi naka-semi-priv room siya at ang ingay pa ng bibig at radyo ng kasama nila buong magdamag. Nadagdagan pa nga problema kasi bago pumasok sa hosp si mama yung aso naming si Buchok nagkasakit (Kutob ko corona virus). Nagtawag kami ng vet at pinahomeservice namin. Nahirapan nga si papa't mama painumin siya ng gamot pero buti nga ok na rin siya ngayon. Bumalik na uli ang dating sigla niya at gumanda pa lalo ang balahibo. Cute, cute, cute niya! Doggie, doggie!!! Pinaayos na rin namin ang dog house at gustung-gusto na niya ito kaya di na siya umiiyak at dumudumi sa loob ng bahay niya. Arf!!!

Sa school naman, ganun pa din kasaya. Meron kaming bagong teacher, si Sir Glenn na laging nagbibigay ng quiz every meeting. Ang masaya dun ay may bonus question. Maraming bumagsak pero at least nabigyan ng pagkakataong bumawi dahil sa mga retake. Di ko rin makakalimutan yun nilibre kami ni Sir sa Max dahil pasado kami prelim. Lima lang kaming nakapasa pero dahil good for 10 people ang order ni sir eh inaya na rin yung iba naming kaklase. The more the merrier. Sayang di gumana camera ko nun. Supposed to be first date dapat namin ni Van nung araw na yun kaso naging group date. Hehe... Sabi ko nga sana Kenny Rogers nalang.

Sa klasrum lagi paring masaya. Buo pa rin trinity kaso nag-aalala ako baka bumagsak si klariz at syempre baka di siya makasabay sa ibang subjects namin next term. Di ko nga alam kung kelan papaopera yung goiter niya. Meron din kami bagong classmates. Si Ate Toni, si Kuya Joseph, Kuya Nep, Rhodel, at Julius. Siyempre bago ring mga kalokohan! Kaka-adik talaga ung pokemon Crystal gba. "Unkown! Unknown! Unknown!" ehehe... Tapos ang cute cute talaga ni Manaphy! Manapheeeee! Natatawa ako ke klariz dahil andami na namang mga expression. Ung mga nigga expressions na "don't you play with me" at "do you know who i am?" tawa tuloy ako ng tawa. Echos kasi. ^_^> Tapos bago pa naming mga pang-asar ung charcoal ke Mel. Hehe! Pabonfire naman dyan!

Pabalik-balik din kami kay mam ana. Una dahil pinalitan ung sched na pinili namin, pangalawa, dahil sa C, tapos nakiusap din mama't papa ko na wag na kami ilipat sa annex building na tinayo sa tabi ng rob bilang extension ng informatics at lecture room for now. Salamat talaga at na-grant naman yung request at dun nalang kaming 2nd yr sa loob ng mall. Sabi nga ng mga kaklase ko, niligtas tau ni tippie. *lol*

Marami na ngang mga first yr sa amin. Meron nga akong isang kinaibigan, ang name niya Mariepaz. Galing siyang hawaii. Nosebleed! English-speaking kasi. Naaalala ko nga ang mga kaklase ko sa woodrose pag nakikita ko siya. Natutuwa ako sa kanya. Buti nga nakaka-cope up rin siya sa mga classmates niya.

Inoperahan na rin si mama at tinanggal yung malaking myoma. Nahirapan nga daw tanggalin talaga kasi nakadikit na sa bituka. Pero mabuti nga at naging successful. Dami kinuwento sa akin ni mama tungkol dun, ang hirap pala maoperahan. Ayayayay!

No comments:

Post a Comment