Tuesday, May 26, 2009

Dead End

Kakagraduate ko lang pero parang blanko ang feeling ko. Hanggang ngayon in a state of shock parin ako sa thesis namin. Nagdusa ako ng husto sa thesis na yan, physically, mentally at emotionally. Ilang beses na ako umiyak at nagbalak mag-quit. I'm thankful a lot to Ma'am Anna, for trying her best to uplift me. Muntik pa ako magkaphobia sa PC. Pero heto ngaun, medyo traumatized pa sa computer programming. Anu na ngaun ang silbi ng course ko kung eto lang pala ang ending ko sa dalawang taon. Sa totoo lang di naman talaga programming ang gusto ko kundi multimedia. Nagkataon lang na walang available na course nung nag-enroll ako kaya in short, no choice ako nun. Grabe, inako ko lahat ng paggawa ng buong system, kaya masakit na sabihing simple lang system namin. Isa pa, wala naman kaming naging subject na VB.Net sa curriculum kaya wala kaming masasabing experience sa paggawa ng programs sa software na un. Nainggit nga ako kina Ate Toni at Kuya Julius kasi ang ganda ng combination at distribution of tasks nila sa grupo. Congratulations!!! They really deserve to be the best in thesis. I'm proud of them! ^___^ Btw, we our graduation was last saturday in SMX. And believe it or not, pito lang kaming graduates ng center namin.

First time din ako walang honor na natanggap, siguro dahil incomplete pa ako. Sisingilin ko nalang sila sa mga scholarship certs ko. Minsan iniisip ko sana di nalang ako umattend ng graduation, eh di naman binigay ung actual diploma sa amin. Nagkandamalas-malas pa kami kasi trapik na papunta at pauwi saka nagutom na kami dahil wala pang matinong restaurant na mapilian. Dito nalang kami sa Cafe Marcello Imus kumain, at mag-11pm na nun. Basta ang alam ko wala akong naramdamang any extreme emotion, excitement man o kalungkutan sa araw na iyon. Ang mamimiss ko lang naman talaga ay mga kalokohan namin ng mga klasmeyts ko sa skul. Sabi ko nga yung last term na ito is "the best and the worst".

Best dahil sa term na ito mas naging close ako sa batch ko. Sumasama na din me ako sa kanila pag kumakain o namamasyal. Dati kasi nagsasarili lang ako. Di ko malilimutan yung mga bonding namin sa Mang Inasal saka yung Red Ribbon kung saan pinagbayad pa kami ni Klang, hehe. Pero in fairness, binigyan kami ni Klang ng tig-isang box of donuts nung Valentines. It reminds me na ang Valentines ay di lang para sa mag-jowa kundi sa lahat ng pamilya at kapamilya at tropang nagmamahalan. Yung mga taong di ko akalain magiging kaclose ko, naging close and trusted friends ko. And I'm glad to have friends who are thoughtful, helpful, understanding and concerned. Thanks, Tropang K (Kulangot daw)! Hehe... Bagong 3-man team din, ang Sofer Fets. It all started sa friendster app na Super Pets. Kay Mel, unggoy. Kay Klang, raccoon. Akin, pusa. Ang saya din nga kasi sama-sama kaming nag-aral ng short course sa VB. Naalala ko pa, di nga namin nagawa yung pinangako namin na invitation sa CR eh. Hehe... *sigh* I wonder if I can ever laugh again the way I laugh with them. Every moment is worthwhile just seeing and being with them.



Worst... Nakita ko ang other side ng mga tao sa paligid ko. May angels and of course, yung mga akala mo angels yun pala demons. Di na ako pinayagang magtuloy ng OJT sa banko kasi puro daw ako absent which is not my fault kasi I started late at nagkataong finals week na at thesis pa. 1st time ko din magkaroon ng maraming absent in college dahil nagkaroon ako ng mild flare. And the worst of the worst... thesis. Ilang beses kami nagredefense. Almost 2 months kami pabalik-balik. In short, tila wlang katapusang pagdurusa. Halos maubusan na ako ng dugo sa kakabago ng program. Feeling ko tuloy para akong pako na kahit nabaon na sa kahoy eh patuloy pa ding pinapukpok. Dhil dito, lalo lang ako nawalan ng gana sa buhay, nawalan ng self-confidence, nawalan ng sigla, lakas ng loob at determinasyon. Nakalimutan ko tuloy mga pangarap at plano ko. Kelangan ko tuloy magback to zero, at magsimula uli mag-isolate. Kelangan ko ng empowerment, encouragement, mental and emotional healing, at inspiration para maging masigla uli.

Btw, meron na din ako printer-scanner-copier at saka DVD-ROM. Necessity kasi dahil sa thesis ko. Hehe... Natapos ko na din panoorin Jigoku Shoujo (Hell Girl) Season 1. In fairness, talagang madrama ending niya. Naiyak nga ako eh. I would really love to learn the song she was singing while she was burning the village. Thank u din kay Klang-Klang at napanood ko na yung D.N. Angel. Love it! Umpisa palang nahook na talaga me. Satoshi's supposed to be my first favorite character, demo I fell in love with Krad's beauty, his golden eyes and uneven hair. He really looks like a perfect prince to me, a medieval prince I would love to see placed in fairy tales. In books, I already finished InkHeart and The Tale of Two Cities. I'm now starting with Twilight. I would like also to thank Tita Bing for buying me a Sony CyberShot digital camera. I really love it!


Krad... or should I call him Krad Ysuom?
(Haha, a funny flip overed name! He might take it as an insult.) ^___^



The Bloody Enma Ai


Well, I admit right now I'm being empty, lonely and bored. I never expected graduating with a feeling like this. I realized I'm so much vulnerable especially when I feel people are bringing me down. I realized at times like this other people are much stronger than me, and I admire them. But still I can't blame myself for being affected and being negative for I'm just being realistic at times.

2 comments:

Unknown said...

ei! muztah nah.. mizzyah!.. namiss ko den pagbabasahin 2ng blog mu.. di kna kc maxado ng-bblog eh.. i wonder nga if mewon kna ibang blog/s.. busy na me ngaun sa work sa etelecare.. chat tayu ulet minsan hah, di kna den ng-oonline, pero alam ku nga masama sau ang overuse of PC db? sna matsambahan kitang online.. friends parin naman tayo db? na-mmiss tlga kita, promiz..

cindel said...

tippie chan may blogger na ako...
http://red-spades.blogspot.com/?zx=a29e1c3eca30fceb