Yung 2nd floor lang ung mas naikot namin. Wala naman akong maxadong binili. Yung pearl keychain lang sa Filipino store. Bumili ako kasi gusto ko malaman kung anu ang genuine pearl. Tagal ko pa nga pumili, kasi nagtataka ako ba't iba iba ung kulay. Pero sa huli pinili ko ung original na kulay, cream. Huli na nung narealize ko kawawa pala ung mga clams na ginagamit nila pangculture ng pearls. Kasi diba, nabubuo ang pearls pag naiirritate sila? Isang kumpol pa naman ng pearls ung nabili ko. Ngek. Malas pa naman daw un kasi luha daw un ng sirena? Naalala ko tuloy si Mikaela sa Ghost Fighter. Gusto ko rin nga sana bumili nung shell dun na nakakatusok talaga as in napapalibutan ng spikes. Kaso 3 shells for 100. Eh isa lang or dalawang klase lang ng shell ung gusto ko. Ung isa pahaba naman, parang pwedeng ung pang-ipit sa hair.hehehe... Gusto ko rin sana bumili ng Crispy Squid eh kaso si mama ayaw. Nge! Ung binili pa naman niya yema at pastillas, eh sus ang liit ng laman tapos mas masarap pa ung nabibili malapit dito sa amin.
Dumaan din kami sa store na Heavenly Stitchin Moment. Bumili mama ko nang bagong project para sa kin na NeedlePunch. Mas madali kesa crosstitch. Itatastas lang ung thread tapos ipapasok sa needle then tusok tusok lang sa pattern ng tela. Natagalan nga kami dun kasi nagpaturo pa ako, eh nahirapan pa ako nung una kasi di ako sanay, puro mali-mali gawa ko. Tingin ko naasar na ung tindera sa kin.
Eto mga display na kuha ko sa Cotton Depot. Magaganda ang mga tela nila duon.
Scenic View of Manila Bay
Kumain kami ng lunch sa Hai resto. Lotus fried rice. Lapulapu sisig. Fish steak. Vegetable dumpling. Tapos ung drink ko Passion calmansi with mint.
Bumili din kami ng chocolate cake sa Bread Talk. Hazelnut story at Chocolate Mousse. Di xa kasintamis ng Red Ribbon. Sa lasa mas gusto ko pa rin Red Ribbon pero sa design cute ang sa Bread Talk. Di ako pinabili ni mama ng tinapay dun, maxado kasi naka-expose sa public saka pwedeng mahawakan ng mga tao ng di naghuhugas ng kamay.
After ilang days, sumama pakiramdam ko. Nagbaba na kasi ako ng prednisone. 2.5 every other day. Parang nasusuka ako, nahihilo at nanghihina. Di ata kaya ng katawan ko yung stress. Sabay-sabay ung mga pangyayari nung nakaraan. Ung research kay Rizal. Sa Robinsons. Tapos nagtotopak PC ko, bigla nalang siyang nagrerestart. Tapos dahil dun nag-alala tuloy ako kung panu makakasali sa Gintama contest ng ABSCBN.
Eto ung details sa Robinson. Tinuloy ko ung research ko about kay Rizal. Sabi ni Sir gagawin daw niyang 600php w/ treat sa Jollibee. Unang plano namin magkita sa Sunday sa Robinsons. Actually buti inagahan ko pagsubmit, kasi nung sunday ay araw ni Vendetta (Valentines). Ngek! Pagnagkataon parang iba na un noh! So Saturday kami nagmeet, sarado pa ang robinsons. Kaso ang malas kasi meron palang film showing ung mga bata sa sinehan ang title "Kamoteng Kahoy" kaya andami na ring tao. Wala pa namang bukas na CR eh gusto ko na magCR. Inakyat baba ko lahat hanggang 4th floor. Wala pang escalator nun. Ung CR lang sa sinehan ung bukas eh leche siksikan lahat ng tao dun. Uminit ulo ng mama ko. Pinauwi nalang ako matapos ku makuha ung bayad ni sir. Di na rin natuloy ung treat kahit sabi ko libreng mainom nalang sa grocery. Sayang. Pagkain din un. Natuwa lang ako nung may batang nagtanong sa akin kung saan ung CR, hehe. Angkyut nga, di siya natakot sa kin, eh mejo pagod pa naman ako nun at naiistress na.
No comments:
Post a Comment