Friday, January 22, 2010

Magaling! Magaling! Magaling!

Grabe, naasar talaga ako minsan isang Biyernes sa GMA7. Ipinangalandakan kasi nila sa commercial na nakaschedule nung araw na iyon yung Urduja. Tae, pag-on ko ng tv eh mukha ni Richard Gutierrez ang tumambad sa aking harapan. Nakakapang-init tuloy ng ulo.

Congrats pala sa ABSCBN sa mga bago nilang mga orig na teleserye. Honestly di ako nanonood pero appreciate ko ang effort nila sa paggawa ng mga modern at original stories. Di ako kasi maxado naaaliw sa mga remake ng mga foreign telenovelas. Syempre ginaya lang tpos syempre di mo maiiwasan ikumpara ung mga artista. Siguro mas ok pa kung ispoof nalang nila, hehe...

Buti nalang pala pinalabas na ng ABS ung Gintama. Meron uli akong aabangan sa tv at mababawasan naman kahit konti ung wishlist ko.

Nagpunta pala kami sa SM MOlino, Asian Hospital (para sa eye check up ko) at Festival Mall. Maliit lang pala ang SM Molino, 2 floors lang. Mas malaki pa ang Robinson Imus. Kumain kami dun sa Jollibee ng chicken joy, hehe. Long time no eat na eh. Meron nga din sana dung shabu-shabu kaso busog na. Gusto ko rin minsan matry un kasi ang cute ng mga pika-pika nila lalo na ung hugis lobster. hehehe

Doraemon Theme at Festival Mall Alabang


Met a new friend at Healthy Options


Sa Festi bumili ako ng anime DVD. Feeling ko nga nalugi ako kasi 80 bili ko sa Comic Alley, samantala nung umakyat ako sa 2-Rats 70 lang, huli na ang lahat. Tae. Pero di bale, nabili ko naman lahat ng matagal ko na gustong panoorin:
Jigoku Shoujo aka. Hell Girl (Season 2)
Vampire Knight Guilty
Earl and Fairy
Princess MOnonoke
Nausicaa Valley of the Wind


Dun na rin ako bumili sa Comic Alley kasi andun ung tindera ng 2-Rats. Naassign daw siya temporarily dun sa store. Siya ung una kong nakwento na napanood na rin lahat ng Hayao Miyazaki films. Gusto ko siya ung mapagtanungan ko kasi maasikaso at friendly sa customer, hehe. Kaso nagtataka nga ako kasi walang tinitindang soundtrack at manga sa Comic Alley. Sa 2-rats merong mga OST pero wala ding manga. Maraming manga naman na binebenta sa Comic Quest kaso wala naman sila nung hinahanap kong Apocripha/0. Meron din sila mga original DVDs kaso sobrang mahal, mga umaabot ng 1000 mahigit ang presyo. Nagtatanong kasi ako ng SouthPark movie eh meron sila kaso di ata un ung 1st movie eh.

Masaya naman sa Clipper Store. Lumipat sila malapit sa may foodcourt at lumaki na space nila! Astig! As usual anime music pa rin pinapatugtog nila. Haruka Kanata nga ung tugtog pagpasok ko eh. Tapos dumami pa ang cute items nila. Meron sila sushi at cakes na gawa sa towel cloths. Meron din silang mga laruang tinapay na pag inamoy mo amoy tinapay din. Yung chocolate donut nga amoy chocolate din! Sabi ko nga sa sarili ko, kung isasama ko si Klang dito matutuwa un, paborito niya kasing store ung Japan Home Centre eh,hehehe, e dito puro Japanese items din! Meron na din nga silang multiply at facebook.

Sushi Made of Towel Cloths, courtesy of Clipper site


Towel Cakes, courtesy of Clipper site


Nung uwian, dumaan kami sa bahay ni lolo. As usual takot pa rin si Teptep sa kin. Baket kaya? Baka di pa rin natatanggal ung curse ng Ju-on sa kin? Syempre nagkwento na naman sina mama't papa about sa business nila hanggang sa inantok na nga ako. Halatang di ako mahilig sa mga direct selling. Wala ka na bukambibig kundi mga produktong binebenta mo. Tingin ko pa naman higit pa sa pagtitinda ang purpose ko sa buhay. Pero anyways, nasimulan ko na ung multiply blog namin. Ipopost ko nalang pagtapos na. Syempre buong puso kong pinagmamalaki na ako ung may gawa ng image ads dun, ha! Yeah, photoshop yan pare! Whehehehe... Buti nga habang ginagawa ko un, nakisama monitor namin. Nag-iiba kasi kulay paminsan-minsan. Di ko naman pwede sapakin uli kasi minsan nung ginawa ko un bigla nalang nawala ung screen.

Speaking of hardwares, nabilihan narin ako ng external hard disk. FreeCom ToughDrive 250GB. Gift nga nila mama't papa dapat nung bday ko kaso after new year na nabili. Dapat kasi ung Mobile drive ung bibilhin ko kasi un ang pinakamura kaso wala silang stock. Eh di ko na natiis maghintay kasi meron akong mga DVD na bigla nalang di gumagana, tingin ko tinopak ung DVD ROM namin. Ayoko pa naman nalalagay sa alanganin mga files ko.

After pa nung pagbisita namin kina lolo ay dumaan pa kami PureGold. Nagbibili na naman ako ng mga abubot dun. Ang sarap nga ng binili kong ulam, Chicken Fillet Barbecue sa Crescendo. Nakausap pa nila mama't papa ung may-ari ng store kaya natagalan pa kami dun.

Sa dami nga nung pinuntahan namin nung sabadong un, nagkasipon ako kinabukasan. Nag-iiyak pa ako nung hapon kasi nagalit pa si mama. Parang naghahanap pa ng pwedeng sisihin. Tama ba un? Sama na nga pakiramdam ko, dadagdagan pa niya. Anlaki ng problema niya samantala ilang beses na naman ako sinipon noon. Pero ayun nga lang first time ko na lagnatin dahil lang sa sipon. Mejo dinugo pa nga ilong ko kakasinga at kakabahing. Buti nalang at saktong 1 wk nawala na sipon ko. Araw-araw kasi akong uminom ng carrot juice. Napapansin ko kasi na mas mabilis ako gumaling sa sipon pag umiinom or kumakain ako ng pagkain na puno ng Vit A. Nagtampo kasi ako sa calamansi nuon. Masuka-suka na kasi ako sa kakainom ng calamansi/dalanghita at kakakain ng orange pero mahigit 1 linggo na lumipas malala pa rin sipon ko. Kaya nga mejo duda tuloy ako sa claims kung umuubra nga ba ung pagmegadose ng Vit C. Pero syempre pag me sipon ako mas sandamakmak na Ascorbic Acid ang tinetake ko, nakagawiang pandagdag resistensya na din. Pero carrot at squash juice pa rin ung effective para sa kin hehe...

1 comment:

Anonymous said...

astig yung Gintama. Sa Marso yung D. Grayman kaya aabangan ko uli iyan! sa TV5 iyan