Friday, January 08, 2010

2010 Presidential Candidate Festival

Manny Villar Campaign Jingle 1
Akala mo petiks yun pala mali
Akala mo conyo yun pala laking Tondo
Akala mo trapo yun pala katropa mo
Akala mo walang matatakbuhan
pag ikaw ay nahirapan ngunit mali na naman kasi marami nang natulungan
kailangan lang subukan
Sa sipag at tiyaga lahat ay madali
Magtitiwala pag nakilala siya

Manny Villar Campaign Jingle 2
Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
NagPasko ka na ba sa gitna ng kalsada?
Yan ang tanong namin tunay ka bang isa sa 'min?
Nalaman mo na bang mapapag-aral ka niya?
Tutulungan tayo para magkatrabaho
At ang kanyang plano'y magkabahay tayo.

Si Villar ang tunay na mahirap
Si Villar ang tunay na may malasakit
Si Villar ang may kakayahan at gumawa ng sariling pangalan
Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan.

Manny Villar Campaign Jingle 3
Pinanganak kang mahirap
Patuloy na nangangarap
Magsipag at magtiyaga
Balang araw aahon ka
Hindi bawal mangarap ang mahirap
Basta't maaabot ito sa malinis na paraan
Si Villar ay nangarap kahit mahirap
At nagtiwala sa Maykapal
At may paninindigan.

Short Campaign Jingle of Noynoy Aquino
Pinoy... Noynoy!
Pag-asa at ginhawa... NoyNoy!
Para sa atin kanyang dala-dala... Noynoy!
Mahal ang kapwa di puro salita. Noynoy!
Di magnanakaw kay Noy magtiwala.
Hey kabataan may liwanag ang daan
Edukasyon sa bagong henerasyon
Gabay ni President Cory at ni Ninoy na bayani
Katiwalian ay hindi na mangyayari.

(NOYNOY rap)
Baguhin ang buhay
Maglilingkod sa inyo
Buong mundo ipagmalaki mo
Tayo'y Pilipino!

Noynoy... Sa paglaban di ka nag-iisa
Noynoy...Siguradong lahat ay sama-sama!
Noynoy... Sa paglaban di ka nag-iisa
Noynoy...Siguradong lahat ay sama-sama!

(NOYNOY)
Mga Pinoy, laban na 'to!
(BABY JAMES)
Noynoy!

Eddie Ako sung by Gloc 9 [Campaign Jingle of Bro. Eddie Villanueva]
Umasa kang pagbangon ay posible pa
Pangarap nating araw ay sisiskat na
Pag-asa'y magniningas sa bagong Pilipinas

Buong sambayanan magkapit bisig na
(Magkapit bisig na! Magkapit bisig na!)
Upang tunay na pagbabagoy magsimula
Sa pag sulong ng bayan, makiisa!

Chorus:
Sino pang may malasakit at pag-ibig sa bansa
Sino pa? Eddie ako!
Kailan mag uumpisa? Magkaisa, kumilos na!
Kailan pa? Eddie ngayon!
Sino pa nga bang gagawa?
Sinong pagsisimulan
Sinong magtataguyod ng bayan ni Juan?
Eddie ako!
(2x)

(GLOC 9 rap)
Panahon na para sa pag bangon
Sa kahirapan lahat ay umahon
Ngayon ang oras ng pagbabago
Isang bayan para sa tao
Kanino ba dapat ang simula
Ang pag asa ng bayan ay magmula
Tungo sa pag sulong ang sagot ko
Kung walang aako
Eddie ako!

(BRO EDDIE)
Sino pa? Eddie ako!

WINNERS OF 2010 PRESIDENCIAL CANDIDACY FESTIVAL ENTRY ARE:
-------------------------------------
Best in Advertising - Manny Villar
Most Catchy Short Campaign Jingles - Manny Villar
Most Dramatic Entry for Presidency - Noynoy Aquino
Longest Campaign Theme song - Noynoy Aquino [for Di Ka Nag-iisa by Regine Velasquez]
Longest Campaign Music Video - Noynoy Aquino [for Di Ka Nag-iisa by Regine Velasquez]
Most Intelligent Brave Outstanding Pinuno - Gilbert Teodoro [ehehe, kinopya lang sa poster eh]
Most religious award - Eddie Villanueva
Mapilit Award - ExPres Joseph Estrada
Most Catchy Modern Title - Dick Gordon [for the Transformers]

No comments: