Wednesday, January 06, 2010

Last memoirs of 2009

Welcome 2010! Nuong mga huling buwan ng taong 2009 marami din akong pinuntahan. Nadagdagan din ako ng mga bagong kaibigan na nameet sa internet. Lahat sila ay tulad ko na maysakit ding lupus. Sina Ria, Dayan, at Ate Jean. Si Ria ay may Class 4 Nephritis at 2x a week ang dialysis. Si Dayan naman ay Class 4 Nephritis at nagkaroon din ng psychosis tulad namin ni Joan. Si Ate Jean ay may discoid lupus.

Minsan din sumama kami nina Klang at Mel sa business opportunity meeting ng Royale Business Club. Yun ang pinagkakaabalahang negosyo ng parents ko ngayon. Ako ang yung gumawa lahat ng computer-related work, mula sa paggawa ng ads at gayundin sa paggawa ng website na hanggang ngayon ay di ko parin nasisimulan dahil sa [hehe...] katamaran.

Nung Nov. naman pumunta kami sa Lupus Workshop. Wala naman maxado ginawa kundi mga interview at surveys. First time ko nameet in person si Ate Lenina, president ng Lupus Foundation. Manghang-mangha pa nga ako dahil ang ganda niya at anime ang hairstyle niya tulad kay Hinata ng Naruto. Nameet ko rin si Ate Pia na hindi ko talaga kilala sa hitsura [hehe...] Napansin lang niya ako sa pangalan ko dahil ka-facebook ko pala siya. Nakita ko muli si Ate Ivy at Ate Daryl. Nanghinayang lang ako dahil hindi ko sila masolo dahil [ehem...] may mga special silang kasama. Si Ate Ivy ay magpapakasal na next yr. Si Ate Daryl naman ay kasama ang kanyang manliligaw [di pa nya kasi sinasagot,hehe...] Kaya ayun, kausap ko ang sarili ko buong session.

Nuong December, dumalo ako sa Christmas Party ng Lupus Foundation of the Phils. sa UST. Nagkita muli kami ni Ate Daryl. Duon ko rin first time nameet in person si Ria. Kakagaling pa niyang dialysis nun. Sayang nga lang dahil si Joan di nakasama. Naging masaya naman dahil andaming pinamigay na gardenia goodies, calendar, pillow [na pinapalitan ko ng Pikachu dahil ayaw ko kay Winnie Da Pooh], containers, ballpen, stationery, etc. Nanalo pa nga kami ng electric fan ni Ate Daryl s raffle. [Di pa nga ako makapaniwala dahil gusto ko nga makuha ung grand prize na un] Napublish na rin sa Soaring Butterfly ang 3rd article ko. Kaya syempre may pamasko uli hehe...

Nung birthday ni mama, sa Kenny Rogers kami kumain. Nagpunta din kami sa National Bookstore at bumili ako ng A Purpose-Driven Life. Bibili sana ako ng Bible guide kaso Php557 kaya next time nalang. Nakita ko na rin ung tinutukoy ni Dianne na Kikomachine Komix na 500. Kawindang ang presyo...@_@ Antagal ko pa nga dahil di ko malaman kung anu bibilhin ko. Kung anu-anu na ung binuksan kong libro. Tuwing nakikita ko ung Purpose-Driven Life, naisip ko si Efren PeƱaflorida. Hanga talaga ako sa humility at dedication niya. Minsan naisip ko na rin na gusto ko rin mahanap yung calling ko at passion sa buhay, yung tipong wala ka na ibang hihilingin pa maliban kay Angel Locsin. Joke! [Crush kasi ni Kuya Efren si Angel. haha! Ngek...] Basta masaya ako na may mga tao pa ring tulad niya na nag-eexist sa earth. As long as may mga taong mabuti, madasalin, at simple, hindi pa mag-eEnd ang Earth. (So anu mga masasamang damo? Happy na ba kayo? Extended ang life span niyo!)

Bago ang birthday ko, dinalaw ako ni Ria at Joan sa bahay ko. Excited kami lahat dahil first time kami nagbonding tatlo. Sabi ko nga maagang pa-bday yun sa kin. Biruin mo, sa internet at text ku lang sila nakakausap nuon. Nagpapasalamat nga ako kay Lord at ngayon masasabi ko na talaga na meron na nga akong mga close friends na may lupus din. Nanood kami ng vcd ng The Craft at saka kumain kami ng Paotsin dumplings habang nagkkwentuhan. Bitin nga lang ang oras. Di tuloy namin npanood ung Little Nicky.

Nung bday ko naman, kumain kami ng buong family kasama ni Dianne sa Dencio's. Malapit sa Robinsons Dasma. Nagulat pa nga ako dahil on the way nameet ko si Ma'am Mich at iba pang staff ng Informatics Imus. Syempre, ang favorite part ko ang wacky photos namin ni Dianne. Bumili din kami ng cake sa Red Ribbon sa Rob Imus. Sayang nga dahil di nakasama si Klang dahil may sipon siya. Excited pa naman si Dianne mameet siya. Di rin nakasama si Mel dahil nasa probinsya siya. Bad news nga lang ay na-comatose ang mom niya nuon dahil sa stroke.

After Christmas naman, dumalaw si Ms Alfonso sa house. Inintroduce ng parents ko ung mga health and beauty products namin. Natuwa naman si Ms. Alfie at marami rin siyang binili.

Marami rin akong in-add sa facebuk na relatives at dati kong classmates. Ang iba nag-asawa ng kabigla-bigla. May married kunwari, iba jowa palang at syempre ung mga natitirang dakilang single or single-singelan [dahil siguro kakabreak lang o heartbroken]. Meron ding di ko mawari kung saang lupalop ng mundo na napadpad at yung iba nga sa ibang lupalop na nga ng daigdig nakalapag. May asenso na, may official tambay, at yung iba still searching sa kung anumang pwede nilang mahanap.

Speaking of fb, dapat ang new year's resolution ko ay bawasan ang facebuk apps. Minsan kasi nasasayang ang oras ko sa kakalaro. Di na tuloy makapagbasa ng manga at makapag-aral ng Adobe PHotoshop. Tatlo na nga yung pets ko sa Pet Society, dahil pati account ni mama ginamit ko na. Tapos meron pa ako PetVille na maganda sana animation, kaso super bagal nga lang magload. Pinabayaan ko na rin ung Happy Aquarium ko. Maganda sana Fish World kaso ayoko ng stealing feature nila. Ayoko na rin ng Planet With Many Creatures. Bumagal na din ung Zoo World. Di ko na rin tinuloy ang Farmville. Ngayon naman gusto ko yung BuddyPoke kung saan gumawa ako avatar ni Pikori. Out of those apps, siguro Pet Society, BuddyPoke, at Weather Mood ang gusto ko. Saka nalang uli ako maglalaro pag maluwag ang time, hehe...

BuddyPoke Pikori - Mala-darling kong aswang!




Pet no.2 Pachelbell Before and After - Sa fb account ni mama to



Pet no.3 Prince [Alien]



My entry to the My Playfish Halloween Contest na syempre... natalo, hehe...

Ambilis ng panahon at oras. Andaming nagbabago. Hanggang ngayon kukupad-kupad pa rin ako. Kelangan ko talaga ng matinding motivation para makapag-move on. Ang problema lang talaga sa kin eh kung hindi idle, di ako makausad dahil andami ko pang nakatambak na plano na di ko rin alam kung kelan ko maisasakatuparan. Kaya ayun kaliwa't kanan na di ko malaman ang uunahin. Sana naman ngayong 2010 may improvement na ako sa sarili ko, di lang physical kundi pati sa personality at emotional aspect. Para naman pagdating ng 2012 eh kung magunaw man ang mundo, reading-ready na noh? Hehe...

No comments: