

Andami ngang naging topak ng pc ko recently. Una, yung monitor. Biglang walang lumalabas sa screen. Akala ko talga di na gagana kaya ilang araw akong di nakapag-pc. Eh yun pala naghihintay lang na pupukin ko sa likod! Tpos bigla naman nagloko yung mouse pointer. Kusa nalang gumagalaw at nagpipindot ng mga icons at programs. Nagscan ako kaso ala naman nadetect. Kaya ayun pinareformat ko. Tinuruan ako nina Klang at Mel. Kaso gnun pa rin ang problema kaya pinalitan ko na ng mouse. Nanood pa nga kami ng The Grudge habang si Klang natulog naman.
Nakakatakot at nakakalungkot nga ang nangyaring pagbaha nung bagyong Ondoy at Pepeng. Parang sinasabi na rin na di ka rin safe sa loob ng bahay nyo kahit ilang taon na kayo nakatira dito. Sa isang iglap lang posibleng matangay bahay at ari-arian niyo at worse buhay ninyo. Ayoko na nga maulit yun sa subdivision namin. 2000 yun, grade 7 ako,sembreak namin. Patapos na ata ang bagyo pero biglang bumigay yung pader sa amin, ginising kami ni papa kasi napasok na yung tubig sa bahay. Lumikas kami kaso nadala ni mama puro plastic bag lang. Hanggang beywang ang tubig nuon at parang rumaragasang ilog. Nakituloy kami sa kapitbahay. Nung humupa na yung baha, di mo na makita ang design ng vinyl dahil natatakpan na ng putik ang buong sahig . Di pa mabuksan agad ang kuryente kasi baka maground. Siksikan kami sa isang kama. Buti nga isang araw lang ako nag-absent. Nakakapanghinayang lang din kasi madami kaming pictures at libro na nasira ng baha. Yung ibang laruan ko di ko na makita, alam ko ninakaw yun ng mga bata. Nagpapasalamat lang talaga ako at di ako nagkasakit kasi nasugatan ako sa baha mismo nung nasabit ako at muntik na matangay ng sanga ng puno.
No comments:
Post a Comment