Tuesday, April 27, 2010

Good News and Bad News

Naayos na yung pc namin. Power supply pala yung problema. Bumigay na kasi yung pc, as in hindi na nag-on. Buti nalang hinintay ko pa masira ng tuluyan kasi kung hindi baka sayang lang kung palitan ng memory or motherboard eh mas mahal pa yung mga piyesa na iyon. Nagpakabit na rin ng bagong auxiliary fan, kasi umiinit yung pc. Bago na din yung DVD-writer ko kasi sira na raw ung lens nung luma.

Natapos ko na din yung business blog namin. ^_^ Gusto pa nga dagdagan kaso saka nalang. Eto link.

Nadali nga kami ng isang scam. Sabi kukunin daw kami supplier ng products sa mga hotels at other establishments abroad. Hiningian mama't papa ko ng product samples worth 20,000. Buti nalang di natuloy pirmahan ni mama yung kontrata na nanghihingi ng 250,000 cash. Nalaman namin nang maaga na mga manggagantso sila. Marami ding nakapansin may anomalya sa kontrata. Kakainis nga eh. Sayang talaga yung pera. Ga*** talaga sila. Di rin naman namin akalain na may mga manloloko na palang mga kliyente kaya ngayon mas mag-iingat na kami. Kaya eto ang prayer ko sa aming negosyo "Do not lead us to tempation but deliver us from evil." Kelangan tuloy namin makabawi.

Dapat nga naka-ischedule kami ng mga kaibigan ko mamasyal ng April kaso baka madelay saka papa ko rin pinatawag kahit dapat bakasyon na niya kasi may mga dapat ayusing urgent na trabaho sa opisina.

Good news naman... lumayas na yung isa sa mga demonyo sa buhay ko. Praise God! ^_^ Exorcism successful! hahaha... Pwede na uli maituloy ng kaklase ko ang kanyang unfinished business. hekekekek...

Nung isang araw, nag-overnight si Klang sa bahay. Hehe... Dapat nga isasama ko si Dianne kaso eh dahil biglaan yun kaya di siya nakasama. Nung gabi kinausap ni Klang si Dianne thru phone. Nakakatawa nga kasi parang nag-iilegal transaction ung dalawa. Tpos nanood kami ng Lightning Thief at nakinig ng mp3. Ginagaya nga namin yung sa commercial ng Cornetto na Tugsh! Tugsh! Tugsh! Habang nasayaw si Klang, iniikot ko yung flashlight sa kanya. Hahaha! Aliw! Buti may mga dala rin siyang movies kaya madami uli ako panonoorin. Daya nga nun, daming alam na bagong songs samantalang ako wla na sa uso, hehehe. Kasi naman sa mga klasmeyts ko lang naman ako nahingi ng mp3 lagi kaya ngayong gradweyt na wla na rin akong madukot na bagong files. Kinabukasan dumalaw si Dianne kaya first time nagmeet yung dalawa. Natawa si Klang nung sabi ni Dianne may math daw sa Meteor Rain ng F4 sa dulo ng chorus, Ni hui TANGENT CIRCLE de suo zai... hahaha. Mga 1 oras lang sila nagkwentuhan kasi aalis na si Klang kasi pupuntang MOA at manonood sila ng pamilya niya ng Aliwan.

Hay, sa totoo lang wala talaga ako sa mood magblog. hehehe... kaya summaries lang ang mga nalagay ko. Di na rin naman ako makapag-Pet Society kasi di kaya ng server namin iload yung game. Kaya sa facebook puro messages, wallposts, groups, at comments ang pinagkakaabalahan ko. (Uy, TV5 Animega at Abs-cbn Team Animazing meron na ring fanpage!) Wala na rin maxado masabi kasi parang nbuhos ko na sa fb lahat ng gusto ko sabihin. jejeje... Pero eto nalang siguro masasabi ko... Masama lang loob ko kasi tingin ng doc ko psychological lang yung nararamdaman ko pag nagbababa ng gamot. Di niya ko pinapakinggan. Di naman ako sinungaling at alam ko kung ano yung nararamdaman ng katawan ko. Nawawalan na tuloy ako ng tiwala sa kanila. Sa totoo lang gusto ko rin naman matanggal na ung gamot ko kaso naaaberya dahil di na nagiging normal ung kilos at pakiramdam ko: nasusuka, nahihilo, nanghihina, at minsan may mga kumikirot sa katawan. Naibababa ko naman ung dosage kaso di kaagad-agad. Meron talagang tamang panahon. Kaya ngayong 10 mg everyday ako, gumigising na ako ng maaga before 8am para makainom agad ng gamot para bawas ang side effects nito sa katawan. Sabi ko nga mawalan man ako ng tiwala sa tao, sa Diyos man lang magtiwala nalang ako...

No comments: