Friday, July 30, 2010

Pagsisisi

Nagsisisi ako kumbaket di ko binigyan yung mga bata ng mga plastik na lalagyan. Yun lang naman hinihingi nila para ibenta sa junkshop para may makain sila o mapantustos man lang sa mga pangangailangan. Mainit kasi ulo ni mama, maxado kasing madaming ginagawa at nagmamadali. Antanga ko naman na panoorin lang ang mga nangyayari sa paligid ko para bang naghihintay pa ako na utusan ako na kumuha ng mga plastik sa tambakan. Naipit na naman ata ako sa takot na lumabas at makihalubilo sa tao eh samantalang iaabot lang naman. Kung ang takot ko ay dahil na naman sa sakit ko, lintek na dahilan yan! Maxado na akong nakukulong sa mga takot na yun. Mukhang wala na ata akong kwentang tao! Sa dami ng mga nagawa kong kasalanan, nabigyan na nga ako ng pagkakataong makatulong tapos pinakawalan ko pa. Napakalaking tanga! Noon nagrereklamo tungkol sa sobra-sobrang NFA rice na nakatambak at nabubulok sa bodega samantalang heto't napakaliit lamang na bagay para makutulong makakain ang gutom ng kapwa ko wala man akong ginawa. Nakakawalang gana. Nawawalan na ako ng gana sa sarili ko. Ampanget na naman ng ugali ko. Hindi ko alam kung paano makakabawi dahil wala naman akong magagawa habang nakakulong sa bahay. Hindi naman makakatulong ang gawaing bahay dahil hindi naman ito mapapakinabangan ng mga bata. Wala rin namang silbi magfasting at abstinence dahil di naman ito mapapakain ang mga mahihirap sa isang araw lang. Sa ginawa kong ito lalo ko lang pinababa ang sarili ko at kinamuhian ang pagkatao ko. T_T

Moral Lesson: Wag mo na hintayin pang may maunang kumilos para sa kapwa mo. Pag alam mo nang may pagkakataon kang gumawa ng mabuti, wag na magdalawang isip dahil hindi mo alam baka ito na ang huling pagkakataong matulungan ang taong iyon.

No comments: