Saturday, June 17, 2006

Si Tippie ang Bituing Nagkaningning

Guys, mahaba-habang kwentuhan ito. Ihanda niyo na mga sarili niyo para sa isang nobela...

May 29, 2006
Yey! Bumisita muli si Dianne sa amin. Nanood kami ng play nila. Medyo inantok nga lang ako sa palabas. Dapat daw kasi si Dianne yung bida para may buhay naman. Hehe! //^_^\\ Kain kami ng pizza at tofu taco nung tanghali, pretzel naman ng hapon. Kahit walang PC masaya na basta magkita lang kami.

May 30-June 1, 2006
Wala akong ginawa kundi magbasa ng El Filibusterismo at matulog.

June 2, 2006
Simula na ng kalbaryo. Masakit ang right eyeball ko pagkagising. Natulog ako buong tanghali. Nagbasa ako El Fili nung hapon at medyo bumibigat pa ang pakiramdam sa ulo ko nung magagabi na. Naramdaman kong may lagnat ako, 38.4. Uminom ako biogesic at naging maayos na muli ang pakiramdam ko.

June 3, 2006
Bumalik ang lagnat ko, 39.8. Medyo humupa nung umaga ng pumunta kami sa NKTI for lab tests. Lakas topak pa rin ako kahit may sakit na. Nagvandalize kasi ako sa C.R. (sa papel lang naman). Sinulatan ko yung paalala nila dun. Dinagdagan ko ng isang salita...

Humans Salamat po!


Bago na yung canteen nila dun. Mas maganda na parang fastfood. Kumain me ng pancit at melon shake. Dapat nga salad pero wala silang bagong stock. Natutunan ko na pwede palang gumamit ng straw o kaya tinidor kung walang toothpick. Kung wala namang dental floss, okay na ang hibla ng buhok. Bumili pa ako sa tindahan nila ng 2 mask. Maganda kasi yung design. Tawag ko nga dun pot holder sa kapal eh. Haha! Kahit papaano magmumukha naman akong tao :P Namiss ko rin yung favorite kong White Rabbit na kendi. Yum! Nung hapon, dumiretso kami sa nephro ko na si Dra. Bonzon sa Manila Docs. 98 lbs lang ang bigat ko. Nalaman ko pa na yung lalaking pasyente bago ko na kulay moreno at may buntot na buhok sa likod ay tulad ko ring lupus nephritis class III. Nang pag-uwi namin ng gabi, tumaas sa 40 ang lagnat ko. Di na bumababa sa paracetamol. Napuyat tuloy sina mama at papa. Bibili sana kami ng antibiotic sa Mercury kaso nagsara na. Ang lakas pa ng ulan. Pinunasan ako ni mama ng bimpo. Sayang di ako nakapanood ng PBB The Big Night. Congratulations pala kay Kim! Gosh, babae na naman. Gurl power na talaga to!

June 4, 2006
Nabuwisit si mama. Nagbrown out pa eh naghahanda kami para magpa-admit na sa UST hospital. Dun kami pumunta sa E.R. upang icheck up. Wala si Dra. Yu, yung rheuma ko. Out of the country kasi. Tinanggihan kami ni Dr. Torallba kaya kay Dr. Alejandro nalang kami. Wala ngang dumating na isang duktor sa room namin ng Sunday na yun. Yung taga-Intellicare lang ang bumisita. Binigay sa akin ni Ate Pinkie ang isang teddy bear. Tawag ko dun Intellibear. Tenks, napasaya ako kahit papaano. Sabi ni papa baka daw kung lalaki ako dinosaur yung ibibigay. Hehe!

June 5, 2006
Sunud-sunod na nagdagsaan ang mga doctors sa kwarto. Kabaligtaran kahapon. Pinagbibitak nila ang mga butu-buto ko. (Joke) Parepareho kasi yung paraan ng pagcheck up. Kinabahan pa ko kay Dr. Alejandro kasi parang terror teacher na nage-graded recitation. Feeling ko bumaba tuloy lagnat ko dahil sa takot. Dahil masakit ang ulo ko, nilumbar puncture ako ng hapon. Yun yung kukunan ka ng cerebrospinal fluid sa likod. Tinusok ako sa ilalim na vertebra. Nakaramdam tuloy ako ng kuryente sa right leg ko nang dalawang beses. Walang anestisya yun kasi daw mas madugo pa yun kung lalagyan namin. Naasar ako. Pinafasting kasi ako eh di naman nila sinabi sa akin agad. Nagutom tuloy ako. 4 hrs akong nakahiga. Di ako pwede magbend or mag-angat ng ulo. Naiihi pa ako. Sinubukan namin yung bedpan kaso sobrang taas. Diniaper na nga ako pero ayaw naman lumabas. Ang sakit-sakit na nga ng tagiliran ko pati ng tiyan ko. Halos maloka na ako at maiyak na ko doon sa kama. Walang epekto ang music. Gusto ko na matapos ang paghihirap ko. After 4 hrs, nakaraos din. Natakot pa ako dahil may discharge na dugo sa ihi ko. Sabi ni mama normal lang daw yun kaya wag daw ako mag-alala. Nakakain na rin ako sa wakas ng lagpas hatinggabi na. Di ako nakatulog nung gabi marahil nasobrahan na ako sa tulog kanina at dahil na rin sa throbbing na nararamdaman ko sa likod ng ulo ko. Medyo masakit pa ang ulo ko pagtinitwist ko. Dinaan nila sa ivy ang paracetamol ko. Wala akong ginawa kundi magdasal buong magdamag.

June 6, 2006
Nararamdaman kong sobra ang lakas ng tibok ng puso ko sa likod ko na umabot na hanggang tiyan. Natakot ako. Uminit nang husto ang batok ko. Lagpas na siguro sa 40 ang lagnat ko. Nagpatawag na sila ng duktor. Nakaramdam ako ng tingling sensation sa mga kamay ko. Dito na nagsimula ang aking Acute Psychotic Episode.

Click here to read the climax of the story.

Nang matapos na ang aking kabaliwan, biglang bumaba sa 35.5 ang temperature ko. Natupad na rin sa wakas ang pangarap kong maging center of attention. First time kong mawala sa aking sarili. Para akong naging artista nung mga oras na iyon. Wala bang nakakuha ng video nun? Hehe! :P Akala ko nga panaginip lang ang lahat pero nang makita ko yung mga tali sa gilid ng kama ay naisip kong totoo ngang nangyari ang lahat. Pagkatapos nun, pinunasan ako ni mama sa anit. Kinabitan uli ako ng bagong suero. Pinatulog nila ako at dinala sa MRI. Isa yung machine na eexamine sa brain mo. Kumawala pa nga ako dun kasi di maayos yung pagkakabit ng headphone. Maingay pa yung tugtog sa paligid. Nasira ko na namang muli ang suero ko kaya tinusukan uli nila ako sa ibang ugat. This time pinatulog na nila ako. Normal naman daw ang resulta. Nung gabi pinainom nila ako ng sedative at relaxant. Binigyan na rin nila ako ng methyl prednisolone sa dextrose dahil daw flare yun.

June 7, 2006
Madaling araw nang nag-39 uli ang lagnat ko. After nun, mga sinat nalang. Pinunasan na lang ako ni mama. Uminom ako ng relaxant nung gabi at 70mg ang prednisone ko.

June 8, 2006
Wala na ko lagnat. Theme song ko na ata ang "Huling El Bimpo." 60 mg ang prednisone ko. Pinainom rin ako ng kalahating anti-anxiety drug sa gabi. Kararating lang ni Dra. Yu. Nagsocial visit siya. Natuwa pa nga sa kin dahil narerecollect ko pa lahat ng nangyari sa akin. May dumating na resident optha para tignan ang mata ko dahil sa eye pressure due to side effects ng gamot. May muta pa nga yung duktor. XP

June 9, 2006
Nagpacheck up uli ako sa optha para matignan ang mga mata ko. Nagpaperimetry pa ako. Medyo nanlalabo pa nga mata ko nun. Nakakaduling kasi yung mga blinking lights sa machine. Stressed pa ako nun dahil kagagaling lang sa sakit. Napagod ako pero buti na lang for discharge na kami nung hapon. Tinapos ko na ring sagutan yung mga answer sheets nila sa lupus. Inuwi ko yung mga tali for remembrance. Mamayang 9pm daw hanggang 6am bukas magkakaroon ng power failure. Buti nalang at uuwi na kami dahil yung rechargeable namin biglang nasira. Depektibo talaga yung mga nabibili ngayon sa Makro. Nikon pa naman yun eh kaayos nga lang nun dati dahil di gumagana yung ilaw tapos ngayon lahat na ata ng features tepok na. Nagpabili na ko ng gloves kay mama dahil masakit ang mga kamay ko dahil sa gamot. Nasiraan pa nga kami ng kotse nung gabi. Lumubog ata yung clutch. Sa gitna pa kami ng highway nastranded. Buti nalang nasa Imus na kami at may mga tricycle drivers na tumulong para magtulak. Nagtricycle nalang kami ni mama pauwi sa bahay. Malas pa nga dahil di mabuksan ni mama yung pinto kasi mabigat. Buti nalang dumating si Kuya Joe, kapitbahay namin, para itulak at buhatin yung pinto. Kumain na ko sa wakas at salamat sa Diyos makakatulog na ko sa kama ko. Nalaman pala namin na si Ate Ivy naman na halos kasabay rin namin nagpa-admit sa hospital ay nilumbar puncuture din tulad sa kin at nalaman nilang nagsisimula na pala ang TB Meningitis niya. Kagagaling lang niya kasi sa Washington D.C. at nagkalagnat din siya. Nawala na yung lagnat niya after ilang days pero masakit pa rin ulo niya. Pagaling ka na Ate! Si Ate Ivy pala ay isang lupus patient rin tulad ko.

June 10, 2006
Nasa bahay lang ako. Pinaliguan ako ni mama. Nagmukha tuloy siyang caregiver. Ganun pala kahirap ang trabaho na yun. Si Tita Bing kasi yun ang trabaho sa US. Lakas na naman ng ulan. Pansin kong pumayat ako matapos ko magkalagnat pero magiging chubby uli ako dahil tinaasan ang medications ko. Kailangan ko pang kumain ng marami uli sa umaga kasi nakakaasim ng sikmura yun. Andami kong iniinom na gamot. May prednisone, antacid, renitec, centrum, caltrate, resperidone at lipitor. Sana mabilis na itaper ang steroids. Naglalagay nga ako ng gawgaw sa kamay para di masakit. Di ko masyado nanonood ngayon ng tv, puro kinig lang ng music at sa kama lang nagpapahinga. Pero nung gabi nanood ako ng U Can Dance.

June 11, 2006
Nakagawa ako ng continuation sa fic ko na "A Silent Love." Sa wakas, nasulat ko na ang ending nito. Wala talaga akong balak dati na lagyan ng next chapter to pero mukhang tumindi ata ang mga emotions ko ngayong araw. Medyo anemic me kaya nahihilo-hilo pa ko. Constipated pa kaya panay fiber ang mga kinakain ko.

June 14, 2006
Natapos ko na ang bago kong fanfic, "Si Harry Potter at ang mga Ninja ng Konoha." Another blessing in disguise!

June 15, 2006
Nakumpleto ko na rin sa wakas ang "Fool House Xmas Special." Trip na trip! Out of da haus adventure trip kasi ito. Thanks pala kay Dianne for the phone call. Malaman ko lang na tinawagan mo ko masaya na ko. Sensya na kasi nagpapahinga pa ko. Nagsisimula palang me magrecover. Unti-unti na naman akong tumatakaw dahil sa steroids. Hinay-hinay lang, hay, lolobo na naman ang face at tummy ko. Oh no, ang pigure! Nagkaroon pa ako ng red patches sa mukha ko at nangati rin ang katawan ko. Allergy ata sa iron.

June 16, 2006
Heto ako't nagtatype uli ng "Beyblade Garden." Natapos ko na ang Chapter 5 at 6. Mahabang-mahaba pa talaga ito, baka next year pa matapos.

Marami akong natutunan sa mga nangyari sa akin ngayong Hunyo. Natutunan kong tumingin sa positive side of things. Maraming pa rin palang mabubuting tao sa ating paligid at dahil doon naibalik ang aking pagtitiwala sa mga tao. Maaaring di ko nga naranasan ang karaniwang buhay ng isang teenager pero mas kakaiba at mas mayaman naman ang aking mga experiences sa buhay ko ngayon. Nung panahon ng aking pagkalagnat ay naramdaman ko ang pagmamahal ng aking mga magulang. Nung nagkaroon ako ng mga delusions ay narealize kong yun ang pagkakataong talagang niligtas ako ng Panginoon. Nasabi ko rin ang mga bagay-bagay na di ko masasabi sa normal kong state. Naitupad na rin ang hiling kong sabay-sabay kaming magbabasa ng bible. Alam ko na rin ang feeling ng maging isang baliw at ganun din ang experience ng paghuhugot ng suero ng mag-isa (matagal ko na kasi itong pinagtataka kung paano nagagawa ng mga pasyente ito sa mga palabas) at nareach ko na rin ang dream kong maging isang artista. Hehe! Joke! //^____^\\ Darating talaga sa punto ng buhay ng isang tao na kailangan Niyang ituwid ang mga buhay natin. Tulad ko, medyo nagiging mataas na naman ang pride ko kaya tinuruan niya ako ng leksyon pero maganda naman ang mga aral.

Credits:
Jesus dahil di niya ako pinabayaan at dahil sa pagtupad na rin ng ilang kahilingan ko
Mama at Papa para sa walang sawang TLC at mahabang pasensya
Intellicare and Philhealth
Fruit Magic
Lahat ng restaurant at foodchain malapit sa UST
UST hospital
Lahat ng nurses at doctors:
Ate Kathy, Ms. Smileyface aka. Faith and others
Dr. Alejandro and the rheumas
Dra. Yu
Dra. Caiko and the infectious docs
Dr. Lokin and the neuros
Dr. Hendra
Dr. Sua and the opthas
Sr. Sollano and the gastros
Dra. Reyes and the resident doctors in the E.R.

Kuya Lito para sa pag-ayos ng kotse
Manong tricycle drivers
Kuya Joe
Mga kapitbahay sa pagpapakain sa aso at sa iba't ibang tulong
Twinkle sa pagganap ng kanyang tungkulin bilang bantay ng bahay
97.9 Home Radio
DM 95.5
Daddy, Auntie Pacing at iba pang kamag-anak
Sa mga kaibigan kong nagtext...
MARAMING SALAMAT PO!

1 comment:

  1. aww hey.. whats up? i havent been blogging in a while.. i wanted to see how you've been doing.

    ReplyDelete