Friday, June 29, 2007

When the Cat Catches the Mouse

Nung thurs, as usual nasa computer lab uli kami (TTh kasi ang hands on). Habang naghihintay, nagonline muna kami tapos nagmerienda ng krinkles na bili ni Klariz. Pinatype kami ng 2 mahabang exercise ni maam. Kami ata ni Klariz ang naunang natapos. Natatawa ako kay Ate Enriana kasi para siyang kuba sa kakafocus dun sa keyboard. Tawanan kami. Sabi niya wala daw epek yung Typing Master na kinopya namin sa flash drive. Ang ingay nga namin habang wala si maam. Si Ate Enriana, kanta ng kanta ng 'to da left 2x to da right 2x'. Ako naman nag-CR tapos bumaba ako sandali sa 2nd floor para bumili lang ng keychain na Cloud.
Hehe! Nainggit kasi ako dun sa isang estudyante dun na may keychain na Cloud at Tifa. Tapos bumalik na uli ako sa room. Nanood muna ako ng Naruto Shippuden sa youtube kaso medyo mabagal at wala nga lang sound. Si Klariz naman ewan ko ba kung ano yung pinapanood na video, ang halay! Tinatakpan pa nga nung lokong batang un ung mata ko eh akala mo naman kung sino siya oy, mas bata pa siya sa ken! Nakita rin niya yung virtual ice cream na pinadala ko sa kanya, at sinendan niya rin ako. Natutuwa nga un tuwing sinasabi ko "Gil! Gil!" Kaboses ko raw kasi si Gil, yung robot sa Dragonball GT. Tapos nun naglaro siya ng online game na Mcdonalds. Sabi tuloy ni Ate Enriana, 'ano ba naman yan, pati ba naman sa games pagkain pa rin!' Hehe! Natatawa rin talaga ako kay Ate. Napagod nga un sa kakatype. Tapos na ako eh nasa umpisa palang siya ng pangalawang document (late na rin kasi siya pumasok) kaya hayun nilipat ko nalang sa diskette yung file ko para malipat sa computer niya...

Maloko rin talaga mga classmates ko. Mas lalo na nga nung last meeting namin nung absent yung teacher. Nakiextra dun si Kuya/Ate Noel sa room at nakikichika lang to da max. Ang taas ng boses nun kung kumanta parang diva! Habang si Kuya/Ate Bench naman nagpatugtog ng ipod thru computer speaker. Natutuwa nga ako at nandito ako sa batch na to kasi masayahin talaga mga classmates ko. Lalong kwela pag andyan si Kuya/Ate Noel, Kuya/Ate Bench, Ate Anne, Ate Enriana, Taktak at bespren niyang si Toktok, at siyempre si Klariz na mahilig kumain at manlibre. Yey! Gusto ko rin sila kasi mga simple pero rock! Ung ibang batch kasi raw medyo may edad na or ung iba namang girls nila naka-make up. Eh dito magkahalo ang mga bata at batang-isip eh. Kasama na ako dun! May nakita pa nga akong isang student dun na taga-JGSS. Pamilyar kasi sa akin ung mukha. Kakausapin ko sana eh nandun na ung sundo ko.

Nung matapos yung 1st subject namin, at dahil wala kaming math which is the next subject, niyaya ako ni Klariz na sumama akong mamasyal. [Niyaya na nga rin niya ako dati na maglunch sa Jollibee (hinintay daw nila ako pero di ako dumating eh sabi ko naman sa kanya nun di ako pwede). Niyayaya rin niya ako pumunta ng convention, manood ng Harry Potter sa July 11, at sumama sa P.E nila, etc.] Dahil makulet, pumayag na rin ako makigimik tutal 6pm pa naman ako susunduin. Bumaba kami kasama sina Kuya/Ate Bench, Kuya/Ate Noel, Melissa, Kris Leigh at Abbie. Diretso kami sa Tom's World at binigyan ni Klariz sina Melissa at Kris Leigh ng token para sumayaw sa parang Dance Revo kung saan kasama pati yung kamay. Yung iba naman kumain ng siomai. Di ko na malaman kung saan ba nila gusto pumunta kaya nagsarili ako. Sabi ko ke Klariz dun lang ako. Bumili ako ng sandamakmak na token at naglaro ako. Pabalik balik ako dun sa pagpukpok ng mga ipis, daga, mole at langaw sa monitor. Namukpok rin ako nung mga lumilitaw na characters mula sa butas hanggang sa umapaw na mga ticket ko. Bigla nalang ako nagulat nang may tumambad na ice cream sa tabi ko habang nagshoshoot ako ng bola sa bibig ng palaka. Si Klariz pala! Hinahanap daw nila ako. Umakyat na nga raw sila sa taas. Ako naman tinapos ko muna ang pagbaril sa ngipin ng payaso bago ko iclaim ung prize. Halos abutin ako ng siyam siyam kasi wala ako mapiling prize. Kelangan ko pa ng libu-libong ticket makuha lang ung stuff toy na gusto ko. Kaya hayun, kinuha ko nalang yung Monokoroboo pocket mirror at dalawang white chocolate. Binigay ko yung isa kay Klariz. Niyaya ko pa nga siya bumaba. Gusto ko kasi bumili ng VCD. Nakakaasar nga kasi walang Killing Me Softly. Habang tumitingin kami dun nahuli kami ni mama. OMG! Sabi ko ke mama, nag-online lang kami sa taas tapos bumaba lang sandali. Nagalit pa nga pag-uwi kasi nasasayang raw yung tuition tuwing wala kaming klase. Tapos kinabukasan pa, anniversary kaya may exhibit at games lang. Kinabahan talaga ako, akala ko mapapagilitan na ako! Halatang mainit ang ulo e. Sabi sa akin, magtext raw ako pag wlang klase para makauwi agad. Actually, nanghihinayang nga ako. Sana nga nag-online na nga lang talaga ako imbes na bumaba kasama nila. Andami ko kasing naaksayang pera. Eh kung nag-internet lang ako sa room eh di marami pa sana akong napanood na episodes sa youtube at napuntahang sites. Asar! Ayun, hindi rin ako pinayagan sa Anniversary ng school. Wala naman daw kasi klase. Ung English nga namin pinalitan ng bagong teacher, pero ok lang. Kaso si Ms Maine di rin sigurado na magtatagal dun kasi nagcacall center siya. Nakakatuwa nga rin siya kasi astig mag-English pero matinik rin sa biruan tulad ni Ms. Styxy. Ung mga pinag-aaralan nga namin pang-elementary pa eh! Sabi nga dapat more on conversations and dialogues na kami. Di ko alam kung anong mangyayari...

2 comments:

Anonymous said...

Hi! I see you've dropped by my blog again! ^_^

Thanks for bothering to enter that scary little dome... And, yes, of course, you could add my link! I'd be super grateful if you do that!

If you add it, please link to "http://frail-frivolity.de.be".

And yes, I do it in Photoshop. I'm too lazy to study Corel, but I can also manage. Thanks for such a wonderful feedback on my layouts! XD

Ciao!

Anonymous said...

meron ako 'yan nasa southmall pa lang ako