Saturday, February 16, 2008

Lobo-Cop

gRABeH, ilang linggo lang ang lumipas parang andami na nangyari. Katatapos lang ng prelim week namin. Ok naman pero nakakaloka ung data struct namin, halos lahat ng booklet na naipasa napakalinis at walang sulat. Sa english namin right minus wrong at no ErasuRe!

Nung isang araw nga, nag-away kami ni mama dahil ke Mikul. Ang kulet kasi nya sa text. Halos araw-araw na siya nangungulit kaya napuno na si mama kasi nasasayang daw ung load namin at me exam pa kinabukasan. Inagaw nga ni mama ung cel ko at pinagalitan cya s text. Kakaloka nga, dahil pinagkamalan niya c Mikul na na c Cano. Pareho kasing Michael un. Eh ayaw pa naman nun ke Cano. Tsk3x! Ang sama tlaga ng timing kasi ang init ng ulo ni mama nung araw na un dahil sa ininom nya na nakakaantok na gamot. Sigawan pa nga kami at nag-iiyak na rin ako. Isa o dalawang araw ata kami di bati. Tapos di pa pumasok si mikul kinabukasan dahil din dun. Matampuhin pa naman un at msyado sensitive. Pero at least nung valentines nagkabati na kami ni mama. Binilhan ko cya ng cake. Sayang lang at walang slice ng dulce de leche at black forest. Gumawa rin pala c mama ng graham kaya napakain din ako, pero ang malas at bumalik uli ang lbm ku. Huhuhu... Di ko tuloy makain ang dala ni mikul na tsokoleyt. WaaAhH! Binigyan kasi kami niya ni Klang ng chocolate dahil galing ung dad niya sa Dubai. Humiram nga din ako sa kanya ng Full House dvd. Hehe, di ko kasi natapos ung sa tv.

Recently, daladala ko ung digicam ku para sa documentation ng nstp. Pero talagang tuwang tuwa me kung vinividyuhan ko mga kaklase ko lalo na c klariz, tapos sina mikul at melissa. Tawa ako ng tawa habang pinapanood at tinignan ung mga pics. Sayang lang at di kuha sounds. Da best talaga ung KlangMoby Scandal, hehe! ~Tawa ako ng tawa~ Kung kanikanino ko pinapakita hehe!!!

Natanggap ko nga rin nung valentines ung newsletter ng lupus foundation. Sa wakas nakita ko rin ung article ko at sinama na rin dun ung 500 hehe. Di ko kasi nakita si ate marilyn sa celebration last meeting kaya pinadala nalang nya sa ken sa mail. Buti nga meron na kami special week para naman maging aware ang mga tao sa kalagayan naming mga LOBO. Yeh man!

Speaking of Lobo, ung bagong palabas ni Angel sa chan2. Gulat talaga ako dahil tila inagaw na nga nila concept ko at name ng bida! Hehe... Ganito kasi un. It happened long before Angel Locsin transferred to abscbn at kapanahunan pa ng earlier Naruto (not yet Shippuden). Nakaisip ako ng idea para sa isang Naruto fic. Dahil syempre im fond of wolves and foxes, nakaisip ako ng heroine character na ang name ay Laika! Si Laika, nagtatransform into a snow wolf. Almost similar to ninetails. (Fav pokemon ko, hehe). She is beautiful and has white hair. Her ninja skills are graceful yet deadly. Ummm, nakapagsimula na nga ako dati ng kwento kaso parang 1 paragraph lang nagawa ko. Di ko na kasi alam susunod na kwento. Basta ung simula ko is nakita siya ni Yondaime sa isang kweba ng mga lobo. Galing siya sa ibang village, ibang angkan, at napadpad lang sa Konoha dahil parang hinahunting ang lahi nila. Di ko nga napag-isipan ng mabuti kung sanggol siyang itinakas o reincarnation na. Complex kasi ang plot ko at gusto ko sana english. Inspired lang kasi ako sa kwento ng Forbidden Love, tungkol sa mga kumiho na naging tao. Kumiho is fox pero ginawa ko nalang siyang wolf para maiba. Dapat nga si Shikamaru ung ka-love team niya or either si Gaara. Ngek, hirap nga. Minsan nga naisip ko si Naruto maiinlove din sa kanya, sa dahilan lang na may kyuubi siya sa katawan. In that case, parang hindi talaga si Naruto ang me gusto kay Laika kundi ung mabangis na halimaw sa loob niya. So parang nagkokontra ung damdamin ni Naruto. Di ba magulo? Tapos un, dahil si Yondaime ang nagpalaki rin sa kanya, um... kilala siya ng mga jounin sa konoha. Tinagurian rin siyang isang genius. Naging skulmate niya rin si Itachi. Mailap siya sa mga tao maliban ke ikaapat ngunit ng namatay si Yondaime kaya mag-isa nalang sya. Nagkaroon lang siya ng mga kaibigan uli ng mabuo ang team nila. Kaso nang mamatay ang mga kasama niya sa isang misyon, umalis siya ng bayan at nagsanay siya sa gubat. Then, nagkita uli sila ni Itachi minsan sa gubat at nakipaglaban pero natalo siya. Ayoko idetalye ung mga nangyari dun sa laban kasi ummm... ano kasi... somewhat rated ano. Hehe! Baka ma-shock kau at ma-eskandalo or somewhat. Hihi! Then ewan ko ba kung saan na nag-revolve ung kwento, parang revenge. Basta ayun siyempre balik siyang konoha. Tapos, c Shikamaru magkakagusto sa kanya, kaya ewan ko ba kung paano pumasok si Gaara sa eksena. Parang ibang version naman kasi un. Ung Gaara version naman, is wala atang part ke Itachi. Pero gusto ko kasi ung Itachi something na un. Kakaiba kasi. Pati nga Itachi x Laika version, bumuo ako. Hehe, dun nagkaanak sila at hehe, basta... Basta, hindi ko talaga naisulat o naitype tong kwentong to. Tumakbo lang sa isip ko. Di ko mawari kung ano ba dapat ang mangyayari dahil andaming revisions, at versions, danghirap pa englishin. Shucks, kakahiya hehe... Kaya nga nagulat ako ng merong ganung palabas, pati si Laika ko naging si Angel Locsin. Ngekwekwek! Pero syempre ung palabas nila malayo na sa kwento ko. Hindi naman ako nanonood, sina mama't papa lang, hehe!

Puntahan niyo pala frendster ko para makita niyo ung mga virtual pets ku. Haha!!! Minsan nga sinubukan ko suntukin ung alien ko sa mata. Nagulat ako nang matanggalan ng mata! Nataranta nga ako nun... Buti nalang flash at nagrerestart siya pagnirerefresh ang page. Akala ko mawawala ung pet ko na un. Kaya nga ayoko suntukin un eh. hehe, kakaawa kasi. Napagtripan ko lang minsan, kasi gusto ko lang malaman nun kung ano pa ang pwedeng gawin sa kanya. Kawawang moji! Nakakaiyak talaga, nakakadurog ng puso lalo na kapag nakikita mong sad siya. Huhuhu...

1 comment:

ADwight said...

nice yung plot ah!
Yana ang maganda sa mga virtual pets! Kaya nilang mabuhay muli!
Anywhoo bday ko sa Mar-11, so baka advanced B-day ang ibig mong sabihin.

Advanced/ Belated b-day na rin sa iyo